JERRY OLEA
“Napakasakit marinig ang katotohanan.”
Hinaing iyan ng isang karakter sa sukdulan ng original Filipino musical na Silver Lining Redux, na nag-gala night noong Nobyembre 9, 2024, Sabado, sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Makati City.
Nagkasakit si Ricky Davao, kaya ang alternate niyang si Jamie Wilson ang gumanap bilang Leo sa nasabing pagtatanghal.
Read: Ricky Davao, naging "lover" noon ang ama ni Jamie Wilson
Ang Silver Lining Redux ay kuwento nina Leo, Raul, at Anton na magkakaibigan noong high school, at pawang pumasa para magkolehiyo sa UP Diliman.
Nainlab si Leo sa aktibistang si Julia. Matapos maideklara ang Martial Law noong 1972 ay hinuli ng mga militar si Julia at nawala.
Makalipas ang limang dekada ay dadalo sina Leo, Raul, at Anton sa kanilang high school reunion. May musical presentation sila, at naungkat doon ang nakaraan.
Nagbunsod iyon upang lumutang ang katotohanan sa mga tanong na limampung taon nang walang kasagutan.
Ang Silver Lining ay unang itinanghal noong nakaraang taon sa kaparehong venue. Tulad ng dati ay kumukurot ito sa puso.
Read: Silver Lining musical: Slaying fake news via '70s flashback and contemporary hip-hop
TWO TIMELINES
Dalawa ang timeline ng kuwento, present time at iyong First Quarter Storm noong 1970s.
Mahaba ang pagtatanghal na hinati sa dalawang bahagi.
Sa pagtatapos ng unang bahagi, doon pa lang nabanggit ang pangalan ni dating Pangulong Ferdinand R. Marcos, at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Tweaked and updated ang Redux. Na-incorporate ang usapin ng West Philippine Sea, ang confidential funds ni VP Sara, at ang paghihiwalay ng KathNiel.
Nabanggit din sa palabas ang mga loveteam na KDLex at Vi-Bot.
Sa Redux, ang gumanap na young Anton ay si Drei Sugay, na pakiwari ko’y mas mahusay umawit kesa sa young Anton last year na si Noel Comia Jr. Pero mas mahusay siyempreng umarte si Noel na hasa na sa teatro, kumpara kay Drei.
Kapuri-puri ang lahat ng nagsiganap.
Mas maganda sana kung may malalaking LED screen sa background, pero siyempre pa, malaki ang budget para roon.
QUESTIONS ABOUT SILVER LINING REDUX TIMELINE
Dahil nagkolehiyo ako sa UP Los Baños ay naaliw ako sa karakter ng Oblation sa dula.
At dahil BS Mathematics ang kinuha kong kurso, may tanong na umukilkil sa aking diwa.
2024, kasalukuyang taon naging mainit na usapin ang West Philippine Sea at confidential funds ni Inday Sara, di ba?
Kung ang tatlong magkakaibigan ay pumasok sa UP Diliman bago idineklara ang Martial Law noong Setyembre 1972… ibig sabihin, more or less ay Marso 1972 sila nagtapos ng high school?
Kaya kung 2024 ang kanilang high school reunion… bale after 52 years, at hindi 50 years?
Maliban kina Ricky Davao, Jamie Wilson at Drei Sugay, nasa cast ng Silver Lining Redux sina Raul Montesa, Jake Macapagal, Gina Respall, Don Anthony, Dippy Arceo, Johnny Moran, Krystal Brimner, Albert Silos, Jay Cortez, Sara Sicam, Raflesia Bravo, at Moi Gealogo. Bahagi ng ensemble sina Nayr de Luna, Rodel Pingol II, Daniel Wesley, Sam Marasigan, Misha Fabian, at Nadia Tuviera.
Sa darating na weekend ay may apat pang pagtatanghal ang Silver Lining Redux — 3:00 P.M. sa Nobyembre 16 at 17 (Sabado at Linggo), 8:00 P.M. sa Nobyembre 15 at 16 (Biyernes at Sabado).
Read: Ricky Davao, bakit binabalik-balikan ang teatro kahit maraming proyekto sa TV at pelikula?

NOEL FERRER
Ang Pinoy Playlist Music Festival 2024 ay sa Nobyembre 15-17, Biyernes hanggang Sabado, 3:00-11:00 P.M. sa BGC Arts Center at Bonifacio High Street (BHS).
Ang tema ay “Tuloy ang Musika, Tulay ng Buhay.”
Admission is FREE!
Tatlo ang venues sa BGC Arts Center — Globe Auditorium, Sun Life Ampitheater, at Zobel de Ayala Recital Hall.
Kailangang magpa-register online para makakuha ng libreng tiket sa performances sa BGC Arts Center.
Para sa mga pagtatanghal sa Bonifacio High Street, hindi na kailangang magpa-register.

300 PINOY MUSIC ARTISTS IN ONE MUSICFEST
Mahigit 300 Pinoy music artists ang magpapakitang-gilas sa libreng music fest na ito, including Stell, Maki, Noel Cabangon, Nyoy Volante, Aicelle Santos, Mark Bautista, The Company, Tres Marias, Arman Ferrer, Kayla Rivera, Nino Alejandro, at Mitch Valdes. Andiyan din sina Leah Navarro, Edru Abraham & Kontra-Gapi, Reuben Laurente, Spit, Ygig, Yara, Brass Pas Pas Pas Pas, Acapellago, Nicole Asensio, Lucas Miguel, St. Scholastica’s College Community of Musicians, St. Scholastica Chamber Orchestra, dwta, Lenses, at Mimi Marquez.

Kabahagi rin sina Zach Hinojas, Issa Rodriguez, Lissa del Valle, Sons of Noa, UP Concert Chorus, Ateneo Glee Club Alumni, Hey, June, Gino Cruz and Friends, AMP Big Band, Haru With Mike Shimamoto, Debonair District, The Bloomfields, Lester Demetillo, Loboc Children’s Choir, Waya Gallardo, at iba pa.

Ang Ryan Cayabyab Awardees ay sina Lutgardo Labad, Gilopez Kabayao, Joel Navarro, Odette Quesada, Celeste Legaspi, at Apo.
Read: Jed Madela, goal noong maabot ang boses ni Regine Velaquez sa "Narito Ako"

GORGY RULA
Gaganapin naman ang Grand BINIverse concert ng BINI sa Nobyembre 16-18, Sabado hanggang Lunes, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
For November 16 and 17, guest si Regine Velasquez-Alcasid.
For November 17 and 18, panauhin si Vice Ganda.
Tampok din sa Grand BINIverse sina Gary Valenciano, Maymay Entrata, Precious Paula Nicole, Viñas Deluxe, Maxie Andreison, Eva Le Queen, Popstar Bench, Miss Jade So, Angel Galang, Hana Beshie, TPM, Six Part Invention, at Orchestra of Filipino Youth.

Paalala sa Blooms — BINI’s Joy to the World is dropping on November 14, Thursday, 9:00 P.M.

