PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Streetboys, naging emotional sa kanilang reunion dance concert

Streetboys, grateful sa lahat ng mga tumulong sa kanilang career.
by PEP Troika
Published Nov 12, 2024
streetboys concert
Streetboys members ignite the stage at their reunion dance concert held at the New Frontier Theater on November 8, 2024. From left: Joey Andres, Jhong Hilario, Spencer Reyes, Sherwin Roux, Christopher Cruz, Michael Sesmundo, Meynard Marcellano, Vhong Navarro, Joseph de Leon, Nicko Manalo, and Danilo Barrios.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tigmak ng tilian at tawanan, at tigib ng luha ang dance concert ng Streetboys na SB90s noong Nobyembre 8, 2024, Sabado, sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City.

Ipinagdiwang ng Streetboys ang kanilang ika-31 anibersaryo, kaya siksik, liglig, at nag-uumapaw ang nostalgic moments sa gabing iyon.

Read: Stell and Justin of SB19 thrill audience at Streetboys concert

May kani-kanyang shining moment ang labing-isang (11) members na nagtanghal.

Naunang bumangka si Danilo Barrios; at sumunod sina Vhong Navarro, Michael Sesmundo and Christopher Cruz; Meynard Marcellano na bisperas ng kaarawan kaya sinuspresa ng birthday cake later on; Jhong Hilario, Joseph de Leon, and Joey Andres; Spencer Reyes, at Sherwin Roux and Nicko Manalo.

Kapagkuwan ay todo hataw ang grupo. At noong magsasalita na sana sila para i-welcome ang audience, hingal kete hingal lang sila at walang namuwating salita mula sa kanilang mga labi.

streetboys reunion dance concert
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THIRTY-ONE YEARS OF STREETBOYS

Paigtingan muli sila sa 90s dance moves sa saliw ng 90s hit songs, at kapagkuwan ay pinasigaw ang audience para makahinga raw sila.

Pahayag ni Vhong, “Kami po’y nagpapasalamat dahil sa kabila po ng 31 years, magkakasama kami, dumaan kami sa hirap at ginhawa, patuloy kayong nandiyan.

“Nakasubaybay, sumusuporta po sa amin kaya naman maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.”

Sambot ni Spencer, “Pero ang tanong, after 31 years, bakit ngayon lang, di ba? Pero ang masaya, Sir Ogie, maraming-maraming salamat, at saka kay Miss Regine Velasquez!”

Read: Streetboys, bakit inabot ng 31 years ang reunion dance concert?

Ipinakita sa LED screen si Ogie Alcasid, ang producer ng reunion dance concert ng Streetboys.

Katabi ni Ogie ang wifey niya na si Asia’s Songbird.

streetboys ogie regine
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit ni Jhong, “Thank you, Sir O! I love you! We love you! Ate Reg, maraming salamat sa suporta.”

Dagdag ni Vhong, “Siya lang ang nagtiwala after 31 years!”

Susog ni Jhong, “Tapos si Sphencer nagtatanong. Sabi niya, ‘Bakit ngayon lang?’ Sino ba ang nasa UK?”

Hirit ni Vhong, “Kasi, di ba, sabi nga ni Aiza Seguerra, Pagdating ng Panahon.”

Sey ni Jhong, “Spencer, paalala ko lang sa iyo, iba na ang pangalan ni Aiza. Ice na.”

Pagbibiro ni Spencer, “Ako, Water. Iced Water.”

Pinaglalabtim dati sina Spencer at Aiza/Ice. Noong gabing iyon ay may concert din si Ice, sa Music Museum. Otherwise, sorpresa sana si Ice para kay Spencer.

Wika ni Jhong, “Eto, alam mo, nakakatuwa. Kasi nung nakita ko yung audience, iba’t ibang edad. Iba-iba yung edad. Grabe!”

Pinag-ingay nila ang Gen-Z, millennials, senior citizens, at mga batang ‘90s na naadik sa family computer at nag-record sa betamax habang nagsasayaw ang Streetboys.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Pinasalamatan din ng Streetboys ang lahat ng mga tumulong sa kanila, mula sa kanilang pag-uumpisa.

Andiyan ang kanilang choreographers na tinuruan sila sa pag-tumbling.

Paggunita ni Jhong, “Ang training namin noong nag-uumpisa kami, gymnastics. Kaya dalawa agad yung nag-quit! Labinlima kami nung nag-umpisa, dalawa agad ang sumuko isang araw pa lang… Ang hirap ng training!”

Grateful ang Streetboys sa mga naging bahagi upang matupad nila ang kanilang mga pangarap.

DIREK CHITO ROÑO

Napaiyak na si Spencer Reyes nang pasalamatan ang kanilang manager na si Direk Chito S. Roño.

Emotional na rin ang ibang Streetboys na paulit-ulit ang pagpapasalamat sa kanilang fans.

Hirit ni Jhong, “Alam niyo kung bakit kami naiiyak? Wala na yung power ng pain reliever…

“Hindi puwedeng hindi namin makakasama sa stage yung taong kung bakit nandito kami. Direk Chito, puwede ka bang maimbitahan? Alam ko, may fear of stage ka. Joke lang! Boss…

“Hindi namin mararating ito kung hindi dahil sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Luhaan na rin si Direk Chito habang lumalakad papunta sa entablado.

Pagtatapat ni Jhong, “Itong taong ito, hate na hate namin dati. Totoo. Bakit? Ilang mura ang inabot namin dito. Ilang lighter ang nasira kakabato sa amin.

“Muntik na kaming sumuko actually. Si Vhong, magpapatunay niyan. Siya lang, si Vhong lang talaga ang may lakas ng apog sagutin si Direk Chito. Aminin mo iyon.”

Sabi ni Jhong, “Inaamin ko iyon. Kasi nga, di ba, hindi ako dapat Streetboys. Di ba, dalawa yung nag-audition? Ang pinapatawag pala, hindi ako — yung guwapo kong kaklase.

“E, namali nga ng tawag, di ba?! Ako yung napapunta. Nakita niya ako. Wala siyang choice kundi mahalin ako, tanggapin ako.”

“Pero nung sinagot mo siya?” usisa ni Jhong.

Napakibit-balikat si Vhong, “Di lumuwag-luwag yung kalooban ko! Hindi, ibig sabihin, nagiging istrikto siya sa atin dahil may pinupunto siya. At ngayon natin naiintindihan yon. Dahil tayo ay mga magulang na rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes,” sambit ni Jhong.

Pagpaoatuloy ni Vhong, “Ang pagkakamali ko, yun, nasagot ko siya. Kasi hindi ko naiintindihan nung panahon na yun. Pero ngayon, Boss, salamat sa mga pangaral mo sa amin.

“Nang dahil dun, naging matino kami. Kaya 31 years, wala po kaming kontrata kay Direk Chito. Ang pinanghahawakan lang po namin ay ang salitang mina-manage niya kami. Mahal niya kami! Iyun lang po!

“Pero kita nyo naman, hanggang ngayon, magkakasama pa rin kami.”

Umakbay si Jhong kay Direk Chito, “Boss, puwede bang bumale?… Boss, thank you, in behalf of Streetboys, kasi yung 11 na ito, binigyan mo ng direksyon ang buhay. Kaya maraming-maraming salamat.”

Pahayag ni Direk Chito, “I am just proud of you, boys. What you have become, yung nagkaroon kayo ng sariling diskarte at runong. That’s all. I’m happy because of that.”

Read: Direk Chito Rono, walang paboritong members ng Streetboys

streetboys chito rono
Streetboys with Direk Chito Rono
Photo/s: New Frontier Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Bahagi ng Facebook post ni Jhong Hilario nitong Nobyembre 11, Lunes, “Maraming salamat, Sir Ogie and A Team, for making this concert happen and turning our dreams into reality.

“Thank you, Direk Paolo Valenciano, for bringing our show to life and going above and beyond for us.

“A huge thank you to the Production Staff of It’s Showtime, headed by Alex Balite, for all the love, help, and support na ibinigay ninyo sa aming concert.

“Thank you to our sponsors, Purple Hearts, IAM Barley at sa lahat ng iba naming sponsors, Your support made this concert a true success. Thank you Revibe Culture, and Robi Lolin for our amazing outfits. You made us look and feel good on stage.

“Thank you to our amazing DJ, Kimosave and Noel, for our music. Maraming salamat sa Legit Status, UPeepz, Electro Groovers, at sa lahat ng sumama sa amin on stage! “Special thanks to SB19’s Stell and Justin for saying yes and making this night even more memorable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming salamat sa aming choreographer, Denis Sahagon, sa lahat ng mga sayaw na ginawa mo para sa amin.

“Sa aming Tatay, Direk Chito Roño, ang rason kung bakit may Streetboys, Maraming salamat.

“Sa aking pamilya, mga kaibigan, Streetboys supporters since day one, at sa lahat ng bumili ng ticket, maraming salamat po.

“At sa aking mga kapatid, The Streetboys, maraming salamat sa lahat ng pinagsamahan natin sa 31 years. Mahal na mahal ko kayo. Streetboys forever!

“Manifesting The StreetBoys World Tour Soon!”

Sa interbyu noong Friday night matapos ang SB90s dance concert, inusisa ang Streetboys kung mauulit ba ang kanilang pagtatanghal togerher. If ever, next year na iyon.

Meron na kasi silang kani-kanyang trabaho, na ang iba ay sa abroad pa nakabase. Kaya ng magre-reunion concert sila, iyong may regular job ay kailangang mag-leave sa work for three or four weeks.

Read: Streetboys, walang inggitan mula noon hanggang ngayon

KRYZL JORGE

Nainterbyu rin doon ang eight-year old na si Kryzl Jorge, na isa sa guest performers ng SB90s. Si Kryzl ang CEO ng Purple Hearts na isa sa major sponsors ng palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong araw lang naghanda at nag-memorize si Kryzl ng steps sa 90s medley dance.

kryzl jorge streetboys
Kryzl Jorge with thye Streetboys
Photo/s: Jerry Olea

Sabi ni Kryzl, “It was a wonderful experience. I'm so happy to share the stage with the The Streetboys.

"I practiced for it around three days, and it was easy to remember. The members were also kind to help me prepare for the dance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpe-perform din si Kryzl sa concert ni Ogie Alcasid na Ogieoke 2 Reimagined sa November 30 sa Newport Performing Arts Theater.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Streetboys members ignite the stage at their reunion dance concert held at the New Frontier Theater on November 8, 2024. From left: Joey Andres, Jhong Hilario, Spencer Reyes, Sherwin Roux, Christopher Cruz, Michael Sesmundo, Meynard Marcellano, Vhong Navarro, Joseph de Leon, Nicko Manalo, and Danilo Barrios.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results