JERRY OLEA
Nagpapahiwatig ng paghihiwalay at kirot sa puso ang family drama na Huwag Mo ‘Kong Iwan, kung saan bida sina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez.
Inusisa ko ang direktor ng pelikula na si Direk Joel Lamangan, sa tinagal-tagal niya sa showbiz, ano iyong pang-iiwan o paghihiwalay nagdulot pa rin ng heartbreak sa kanya?
Read: Tom Rodriguez, inamin ang pagkakaroon ng four-month-old baby boy
“Iyong mga kaibigan kong pumunta sa kabilang panig sa pulitika,” pagtatapat ni Direk Joel sa mediacon nitong Nobyembre 12, 2024, Martes, sa makasaysayang Manila Hotel.
“Dati kong kakampi, ngayon nandun sa kabila na. Magkaaway na kami.
“Yung mga kaibigan kong may sarili nang paniniwala, nirerespeto ko naman. Kasi sayang naman din yung aming karanasan bilang magkaibigan.
“Pero I have friends who went to other side of the fence, and you should understand why. That’s painful. They have their own reasons for that. That pains me too.”
Ang mga pelikula ni Direk sa tuwi-tuwina ay sumasalamin sa mga kaganapan sa ating lipunan.
Tumango si Direk Joel, “Oo, kasi naniniwala ako, dapat ang pelikula, hindi lang paiyak. Hindi lamang patawa, hindi lamang palibog.
“Dapat magsasabi din ng katotohanan sa nangyayari sa lipunan.”
Nasa cast din ng Huwag Mo ‘Kong Iwan sina Pinky Amador, Rita Avila, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Lloyd Samartino, Nella Dizon, Simon Ibarra, Tanya Gomez, Marcus Madrigal, Panteen Palanca, Mygz Molino, Felixia Crysten, at King David Arce.
LESSONS ON LOVE AND RELATIONSHIP
Ano ba ang takeaway ng audience sa istorya ng pelikula kaugnay sa pag-ibig at pakikipagrelasyon?
“Ano ang makukuha ng manonood sa pelikula pagdating sa pag-ibig?” sey ng multi-awarded director.
“Kagaya ng nararanasan ng lahat ng tao. May mga pag-ibig na hindi natutuloy, may pag-ibig na natutuloy.
“May naniniwala sa forever, merong hindi naniniwala sa forever. Merong pag-ibig ng isang babae sa kanyang pamilya, na nagsakripisyo, pumunta sa ibang lugar upang mapariwara.
“Pero andoon pa rin ang desire niya na makatulong sa pamilya, at makatagpo ng panibagong pag-ibig. At maintindihan ng dating iniibig. Yun ang ibig sabihin ng pelikulang ito…”
Payo pa ni Direk Joel, “Huwag kayong matakot umibig! Kahit nabigo, umibig uli. Yun ang spice ng buhay. Hindi kayo tatanda pag umiibig kayo nang umiibig.”
Read: JC de Vera, inaming nagka-something sila noon ni Rhian Ramos
GORGY RULA
Ang ganda ng pagkasabi ni Direk Joel Lamangan tungkol sa pag-ibig na nasasaktan, nagkakahiwalay. Pero ang mahalaga ay umibig ka at nagpaligaya ito sa iyo.
Pagdating sa pagmamahalan, bahagi na rin ang hiwalayan at nasasaktan, pero ang mahalaga ay may natutunan ka sa karanasang iyon, sabi nga ni Tom Rodriguez.
Sabi naman ni Rhian Ramos, lahat ng hiwalayan o pagkawala ng taong minahal ay masakit talaga.
“Any kind of loss in your life, if you lose a person it’s always going to hurt.
“But, pain is temporary and I’m not afraid of pain ahhh I know naman if you just keep going everything happens for a reason.
“Malalagpasan din. And then you realized the lessons later on kung bakit mo kinakailangang pagdaanan yun. Who you will become because of that,” saad ng Kapuso actress.
Pero kapag masaya ka sa iyong buhay pag-ibig, nakakalimutan mo na ang mga masakit na alaala ng pag-ibig.
Kung may masakit kang pinagdaanan sa iyong nakaraan, nakakalimutan mo kapag masaya ka sa piling ng taong mahal mo.
Ito ang nararamdaman ni JC de Vera na happy sa kanyang married life.
“I’m really happy right now. So, sa tingin ko meron akong selective memory ngayon. Hindi ko siya maisip sa ngayon,” saad ng Kapamilya actor sa nakaraang media conference ng pelikula nilang Huwag Mo ‘Kong Iwan.

NOEL FERRER
Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay second offering ng BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria.
Ang naunang handog ng Bentria Productions ay ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms (2022).
Pakiusap ni Direk Joel Lamangan, “Tulungan natin ang BenTria Productions na magpatuloy sa pagpo-produce ng marami pang pelikula.
“Kailangan ng industriya ng isang producer na kagaya ni Engr. Benjie Austria. Kailangan natin ng isang magtataguyod sa pelikulang Pilipino.
“Sana, tulungan niyo kaming maipakilala sa mga tao ang pagpapalabas namin sa November 27.”

Si Direk Joel din ang direktor ng pangatlong movie offering ng Bentria Productions, ang Fatherland na tampok sina Allen Dizon, Iñigo Pascual, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Ara Mina, Angel Aquino, Max Eigenmann, Richard Yap, Jeric Gonzales, Jim Pebanco, Rico Barrera, Abed Green, at Yasser Marta.
Read: Fatherland cast members share their dad stories
May isang shooting day pa ang Fatherland. Next year pa ito ipapalabas sa mga sinehan.
Ngayon, sana talaga ay suportahan ng mga tao ang pelikula ni Direk Joel dahil dyan makikita kung saan siya mas epektibo — bilang aktor o bilang direktor!!!
