GORGY RULA
Ginanap sa Manila Hotel ang media conference ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan ng BenTria Productions. Pinagbibidahan ito nina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera.
Kaya naisip ko bigla at tinanong kay Rhian kung at home na at home na ba siya sa Maynila. May nakapagsabi na ba sa kanyang pinaghahandaan na niya o ramdam na niyang magiging first lady siya ng Maynila?
Tumatakbong mayor ng Maynila ang kasintahan niyang si Tutok To Win party-list representative Sam Verzosa, at very visible ang Kapuso actress sa mga pag-iikot ng kongresista.
Read: Sam Verzosa, pormal nang naghain ng kandidatura para Manila mayor
Saad ni Rhian, “Kung mangyari man, I will be happy about it. Not for myself, not because it’s my dream, kasi never ko naman siya naging dream...
“And kahit hindi naman ako ano… ayoko naman sumali sa anything political, I believe that Sam is really doing it for the right reasons and that he wants to make a really big and good difference.
"That’s why I will be happy.”
POLITICS IS MORE INTENSE THAN SHOWBIZ
Tinanong na rin ng PEP Troika kay Rhian kung madali rin ba sa kanya ang adjustment sa buhay-pulitika, dahil napaka-supportive niya kay Sam.
Sagot ng Kapuso actress, “Hindi naman masyado, kasi my whole life naman, I’ve been in show business.
"So, naturally, di ba? I love people. I love being around people. I appreciate when they ano, they treat me.
“So, hindi naman masyadong big adjustment.
"Yung difference lang is politics is mas intense pa than showbiz. Ayun, may mga… ako, nakikita ko parang the dirty side, the siraan, yung parang… yun lang yung hindi ako medyo sanay.
“Pero alam mo yun, aminin natin sa showbiz may konting ganun, pero it’s different the level yung ganun na siraan.”
Dahil sa suporta ng Kapuso actress kay Sam, sa Maynila na rin pala siya nagpa-register kaya botante na siya rito.
Read: Sam Verzosa, hindi raw gagamitin si Rhian Ramos sa politika

NOEL FERRER
Ayon kay Rhian, nang nagpaalam si Sam sa kanyang tatakbo itong mayor ng Maynila, ayaw raw niya sana.
Saad ng aktres: “I trust in Sam’s decision for everything. Mostly, dahil alam ko ginagawa niya para sa tamang dahilan...
“But to be honest, nung sinabi niya yun, sabi ko, ‘Huwag!’ Yun, yung una ko talagang reaction, sabi ko, ‘Huwag!’
“Actually, nung congress pa lang, sinabi ko nang ‘Huwag!’ Ayokong masali sa world na yan, parang ganun.
“And then, pag may nakita ako talagang fulfillment kapag may nagagawa siyang tama, may nababago siya, iba. Ito yung klaseng ngiti na never ko mabibigay sa kanya.
“Kaya tama lang na gawin niya at suportahan ko siya. Marami talaga siyang natutulungan.
"And now that I see that, I understand why he would like to run for mayor, especially he’s from Manila, that’s where he grew up, his heart is really there.
"And he knows everyone… nakaka-relate siya, e, sa kung ano ba ang problema ng tao dahil dun siya lumaki.
“Alam niya. So, I understand why he's doing it. So I just support.”
Inaasahang magiging matindi ang labanan sa pagka-mayor sa Maynila sa 2025 elections dahil bukod kay Sam, tumatakbo rin ang incumbent mayor na si Honey Lacuna at ang dating mayor na si Isko Moreno.
Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa, bakit click sa isa't isa?
JERRY OLEA
Biniro si Rhian na malamang sa Maynila sila magpapakasal ni Sam, baka sa Manila Cathedral ang wedding ceremony.
“Baka! Ano, e… you know, I really don’t have any dream wedding plans. Minsan, we very casually talked about it. Not naman na gumagawa kami ng plano.
“But, kunwari pag may napapanood kaming movie tapos may mga eksena, na 'Uy, pag wedding natin, ayoko ng ganyan ha?' Kunwari, may mga ganung biruan lang. No plans pa naman talaga.
“Actually, I always dream of ano… 35 being my perfect ideal marrying age. Yes, and I am 34,” pahayag ni Rhian.
IS RHIAN READY TO SETTLE DOWN?
Pero handa na kaya si Rhian kung sakaling isa sa mga araw na ito ay mag-propose na sa kanya si Sam at yayain na siyang pakasal?
“I suppose, parang napi-feel ko naman sa ngayon na I matured already a lot,” sambit nito.
“I have much better understanding of love, relationship, loyalty, #huwagmokongiwan.
“Ayun! I would say naman na I feel like buo na rin ako at kaya ko na din naman.
"But when it comes, it comes. Hindi naman kasi ako nagmamadali.
“Enjoy kami sa kung anong meron kami ngayon, e. Wala namang dahilan para magmadali.
"I mean, kung ano yung future namin, darating at darating naman yun, e. We have so much time. We have the rest of our lives,” sabi pa ni Rhian.
Read: Rhian Ramos not in a rush to settle down with Sam Verzosa
