JERRY OLEA
Naka-PHP155M ang pelikulang Hello, Love, Again (HLA) sa loob ng dalawang araw.
Ito ang ini-announce ng ABS-CBN ngayong Nobyembre 15, 2024, Biyernes, sa socmed.
Nag-open ang sequel ng Hello, Love, Goodbye (2019) sa 656 cinemas nationwide noong Nobyembre 13, Miyerkules, at humamig ng PHP85M (hindi adjusted sa inflation).
Sa kasaysayan ng Pinoy movies, record-holder ang first-day gross na iyon, at dami ng sinehan sa opening day.
Read: Hello, Love, Again naka-P85M sa first day; palabas sa 656 cinemas
Bumaba lamang ng halos 18 percent ang second-day gross ng reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards — PHP70M.
Ito rin ba ang highest second-day gross sa history ng Pinoy films?
For sure, ito ang Pinoy film na fastest to reach the PHP150M-mark.

HELLO, LOVE, AGAIN INTERNATIONAL SCREENINGS
Noong Nobyembre 14, Huwebes ay ipinalabas na ang KathDen reunion movie sa Australia at New Zealand.
Simula ngayong Nobyembre 15, Biyernes, ay showing na rin ito sa mga sinehan sa United States, Canada, Guam, at Saipan.
Bukas, Nobyembre 16, Sabado, ay showing na ang HLA sa London, United Kingdom.
Read: KathDen movie Hello, Love, Again ipalalabas sa 500 sinehan
HELLO, LOVE, GOODBYE RE-ENTERS NETFLIX TOP 10 MOVIES
Take note na pasok na sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ang Hello, Love, Goodbye (HLG). Nasa pang-apat na puwesto ito ngayong Biyernes.

Ito lang ang gawang-Pinoy sa Top 10 Movies ng Netflix PH — Alita: Battle Angel, Morbius, A Place Called Silence, Hello Love Goodbye, Hanna, Ipar Adalah Maut, XXX State of the Union, Meet Me Next Christmas, at Marni: The Story of Wewe Gombel.
Streaming na rin sa Netflix umpisa Nobyembre 14, Huwebes, ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/happy For You. Saan kaya ito pupuwesto bukas?
Tatalbugan ba ng “Un/happy” si Joy (karakter ni Kathryn sa HLG at HLA)?
Ang HLA ay unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures. Idinirek ito ni Cathy Garcia-Sampana, at kinunan ang malaking bahagi sa Canada.
Maliban kina Kathryn at Alden ay kasama sa cast ng HLA sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Kevin Kreider, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, at Ruby Rodriguez. May cameo sina Jameson Blake, Anthony Jennings, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Lovely Abella, Wilbert Ross, William Lorenzo, Lito Pimentel, at Jeffrey Tam.
Read: Kathryn at Alden, umikot sa Kapuso programs nitong weekend
GORGY RULA
Nagsimula nang mag-showing ang Hello, Love, Again sa North America.
Habang tinitipa ko ito ay nakakatsikahan ko ang U.S. correspondent namin sa programa namin sa DZRH na si Louie Alejandro.
Aniya, “Today ang opening day ng Hello Love Again and there are two screenings, 5:00 pm and 8:00 pm.
“There are four movie houses in Arizona showing this film simultaneously at sold out na ang 5:00 pm screening. Sa 8:00 pm ako manonood.
“I was told that they will start opening up matinee showings at gawing 5 na ang screenings starting tomorrow.”
Kaya mukhang maganda rin ang takbo sa takilya nito sa North America, at hopefully sa iba pang mga bansa.
Sa pagkakaalam namin ay nakatakda na ring lumipad pa-Amerika sina Kathry at Alden para daluhan ang premiere night doon.
Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards weigh in on second chances
50TH MMFF
Inaasahan na rin ng ilang movie producers na ganoon din kalakas ang pagtanggap sa mga pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.
Sana, tuluy-tuloy na ito at kahit paano ay maambunan din ng suwerte sa takilya ang mga susunod pang local films na magso-showing na sa mga susunod na linggo.
Nakausap ko nga si Marynette Gamboa ng Waterplus Productions, hindi na raw siya naghahangad ng marami pang sinehan para sa Idol: The April Boy Regino Story, na magso-showing na sa November 27, kasabay ang Moana 2 at Huwag Mo ‘Kong Iwan.
Kahit maka-50 plus theaters lang daw ang pelikula niya ay okay na siya.
Pero sana raw, makatulong itong lakas ng HLA para madamay na rin ang kanilang pelikula.
