GORGY RULA
Nakakatuwa ang tsikahan namin ni Pauleen Luna tungkol sa pagdalo ng mister niyang si Vic Sotto sa isang event ng panganay nilang anak na si Tali sa school nito.
Grade 1 na si Tali at sobrang nakatutok si Pauleen sa lahat ng activities sa school ng kanyang anak.
Ang ipinagpasalamat niya ay nandiyan din si Bossing Vic para maging bahagi sa halos lahat na mga ginagawa ni Tali.
Read: Vic Sotto and Pauleen Luna celebrate Tali’s graduation
FATHER AND DAUGHTER DAY
Kagaya nitong Father and Daughter Day sa school ni Tali noong Nobyembre 15, Biyernes.
Talagang sumali si Bossing Vic sa surprise dance number ng mga tatay, at meron din silang number ni Tali.
Nakita sa Instagram post ni Pauleen na parang nagre-rehearse pa si Bossing Vic sa dance number kasama ang iba pang tatay.

Sabi ni Pauleen sa kanyang IG post (published as is): “Father daughter day in school today! Art, games and surprises happened this morning.
“Tali surprised Vic with a dance not knowing that Vic had one for her too! What a lovely sight to see! Good job to all the daddies especially to our very own Vic! Love you both!”
Read: Pauleen Luna proud sa mga papuring natatanggap ng anak na si Tali
View this post on Instagram
Sabi ni Pauleen, nakakatuwa si Bossing Vic dahil talagang tina-try nitong present siya sa mga school activity ni Tali, kahit may daily show itong Eat Bulaga!.
Minsan nga ay nag-a-absent pa talaga si Bossing Vic para makadalo sa mga kailangang puntahan ng parents.
“Oo, nakakatuwa talaga na he’s trying his best na maging present for Tali. Super daddy’s girl din kasi si Tali,” text ni Pauleen sa akin.
Read: Vic Sotto at Tali, "tinalo" si Pauleen Luna sa gender reveal
Tamang-tama na mas pina-prioritize talaga ngayon ni Bossing Vic ang mga ganitong events ng anak niya, bago ang trabaho.
VIC SOTTO'S PRESENCE MATTERS TO HIS CHILDREN
Pero naalala ko naman noon sa ilang interviews ni Mayor Vico Sotto, sobrang na-appreciate daw niya ang presence ng kanyang ama sa activities nito sa school.
Kahit daw maliit lang ang role niya sa isang stage play sa school, nandun ang daddy niya para mapanood ito.
Pero sa ngayon ay nakatutuwang tingnan si Vic na mas extra effort siya para sa anak nila ni Pauleen. Ito ang isa sa nagpapasaya sa kanya ngayon.
Kaya naman nakikita kay Tali ang sobrang tuwa na kasama niya ang kanyang daddy.
Nakuha ni Tali ang galing ni Pauleen sa pagsasayaw. At sabi ni Bossing Vic, mahilig din daw kumanta ni Tali, kaya sa kanya ito namana ng anak.
Read: Pauleen Luna proud of daughter Tali's performance in gymnastics competition

JERRY OLEA
Nakaka-good vibes na nasusubaybayan ni Bossing Vic ang growing-up years ng panganay nila ni Pauleen.
Hopefully ay makapagkuwento pa si Bossing Vic tungkol sa bonding moments nila ni Tali sa mediacon o promo ng MMFF 2024 entry nila ni Piolo Pascual na The Kingdom.
Nababalanse ni Bossing Vic ang kanyang showbiz career at family or personal life.
Read: Vic Sotto, pumayag "magpa-tattoo" para sa The Kingdom
NOEL FERRER
Work-life balance, iyan ang gusto nating i-achieve na nagagawa nina Bossing Vic at Pauleen ngayon with their two kids.
Tama ka, Jerry, magandang makita kung paano sila magsusuportahan sa entry nila sa darating na 50th MMFF kung saan ang The Kingdom ang eksperimento ni Bossing Vic para magbigay ng kakaibang panoorin sa mga tao na ang sinasabi’y mas may kabuluhan!

I’m sure isa sa mga captive market nito ay ang mga kabtaan na lagi namang nakasuporta sa anumang pelikula ni Bossing Vic!
Again, we have high hopes for The Kingdom para rin mas ma-encourage pa si Bossing Vic Sotto na gumawa ng mga pelikula na lilihis sa kanyang comfort zone pero susuportahan pa rin ng publiko!
Harinawa! Kapit-bisig tayo riyan!!!
Read: Vic Sotto, hindi nakipag-bonding kay Piolo Pascual sa shooting
