PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

April Boy Regino, nagparamdam sa shooting ng kanyang Idol biopic?

John, kinilabutan nang isuot ang damit ni April Boy
by PEP Troika
Published Nov 23, 2024
john arcenas plays April Boy Regino in IDOL
John Arcenas, nagkuwento tungkol sa shooting ng April Boy Regino biopic: “Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot. Tapos, may isang eksena po doon na pinasuot po sa akin yung totoong damit ni April Boy Regino. So habang sinu-shoot po yon, talagang kinikilabutan ako. Nilalamig po talaga ako literal."
PHOTO/S: PR

GORGY RULA:

Nagparamdam ba si April Boy Regino habang sinusyuting ang pelikulang Idol: The April Boy Regino Story?

april boy regino biopic
OPM icon April Boy Regino

“Alam nyo po, may kuwento po ako,” sabi ni John Arcenas sa premiere night ng movie nitong Nobyembre 22, 2024, Biyernes sa Grand Duchess ballroom ng Great Eastern Hotel, Quezon Ave., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
John Arcenas
Kate Yalung 
Marynette Gamboa
Efren Reyes Jr.
(L-R) John Arcenas, Kate Yalung, producer Marynette Gamboa, Director Efren Reyes Jr.
Photo/s: Jerry Olea

Idol: The April Boy Regino Story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo/s: PR

Ang baguhang aktor na si John ang gumanap bilang title role sa nasabing pelikula, kung saan leading lady ang baguhan ding si Kate Yalung na gumanap bilang Madeline na misis ni April Boy.

John Arcenas
Kate Yalung
Idol movie lead stars John Arcenas and Kate Yalung
Photo/s: PR

APRIL BOY, SINANIBAN SI JOHN?

Pagpapatuloy ni John, “Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos, may isang eksena po doon na pinasuot po sa akin yung totoong damit ni April Boy Regino.

“So habang sinu-shoot po yon, talagang kinikilabutan ako. Nilalamig po talaga ako literal.

“And yun po, sabi po nung kasama po namin na aktres, si Tita Irene Celebre, na hindi niya nakikita si John Arcenas.

“Kita lang niya mismo si April Boy Regino, and kinikilabutan siya.”

Sukat sa kanya iyong damit ni Idol?

“Yes, sakto nga po, e!”

Palabas sa mga sinehan ang Idol: The April Boy Regino Story umpisa Nobyembre 27, Miyerkules.

Isinulat at idinirek ito ni Efren Reyes Jr., at executive producer si Marynette Gamboa ng WaterPlus Productions.

Maliban kina John, Kate, at Irene, nasa cast ng movie sina Rey PJ Abellana, Tanya Gomez, Dindo Arroyo, JC Regino, at Jaudencio Yago.

NOEL FERRER:

JOHN ARCENAS, NAGDALAWANG-ISIP ISUOT ANG DAMIT NI APRIL BOY

Nagdalawang-isip ba si John Arcenas na isuot ang damit ni April Boy Regino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo po, ano, nung una, kinakabahan talaga ako,” pag-amin ni John.

Singit ng katabi niyang si Kate Yalung, “Tumitingin siya sa akin…”

Dagdag ni John, “Sa totoo lang, susuutin ko ba talaga yun? Kasi, I mean, respect din kay Sir April Boy, di ba?

“And siyempre, yun nga, kinakabahan talaga ako. Pero ang nagsabi naman po, yung asawa niya po.”

Feeling niya, sumanib sa kanya si April Boy?

Tumango si John, “Sumanib po talaga. Totoo po.”

Read: April Boy Regino biopic, blessing ba na di nakasama sa MMFF?

JERRY OLEA:

Nabalitaan ng talent manager na si Tyronne James Escalante ang paghahanap sa magbibida sa biopic ni April Boy Regino.

Pinag-audition ni Tyronne ang alaga niyang actor-singer na si John Arcenas, at ito ang napili.

John Arcenas
John Arcenas
Photo/s: Tyronne James Escalante on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako makapaniwala. Kasi siyempre, di ba, para mabigyan ka po ng responsibility na ganun, ng role na April Boy Regino,” sabi ni John.

“Hindi po talaga ako makapaniwala, and sobrang blessed ko. Nag-pray agad ako. Sabi ko, ‘Lord, pagbubutihin ko ito. Kayo na po yung bahala.’”

Idolo ng tatay niya si April Boy. Laking kanto siya kaya aware siya sa mga kanta nito.

Bilang paghahanda sa role ay pinanood niya ang movies at interviews ni April Boy, pati videos ng pagkanta nito.

“May mga interviews siya bago siya mamatay, and meron siyang interview na bulag na siya,” lahad ni John.

“Yun talaga yung ano, kinuwento niya yung buhay niya. Kinuwento po niya yung mga naging sakit niya, mga challenges niya sa buhay.”

Ano ang pinaka-nagustuhan niya sa life story ni April Boy?

“Pinaka-nagustuhan ko po, siguro kung paano siya naging inspirational. Kasi, alam natin na napaka-inspirational ng mga songs niya, e,” pahayag ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero hindi po natin alam kung gaano ka-inspirational yung buhay niya. Kaya dito sa pelikulang ito, makikita po natin kung gaano ka-inspirational yung buhay niya, and yun po yung tumatak sa akin.”

Read: April Boy Regino biopic, nagsimula na ng shooting

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcenas, nagkuwento tungkol sa shooting ng April Boy Regino biopic: “Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot. Tapos, may isang eksena po doon na pinasuot po sa akin yung totoong damit ni April Boy Regino. So habang sinu-shoot po yon, talagang kinikilabutan ako. Nilalamig po talaga ako literal."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results