PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga, na-hurt ba sa naging rebelasyon ni JC de Vera?

JC, nag-sorry na ba kay Alex?
by PEP Troika
Published Nov 23, 2024
JC de Vera recalls being offended by Alex Gonzaga's question
Alex Gonzaga (kanan), na-hurt ba sa naging rebelasyon ni JC de Vera (kaliwa) kamakailan na na-offend daw ang aktor sa tanong ni Alex noon tungkol sa kanyang shades? Hinaing ng ilang taong malapit kay Alex, bakit daw kasi kinalkal pa ang insidenteng iyon na 14 years nang nakaraan, at dahil nga rito ay nalagay na naman siya sa alanganin dahil kung anu-ano na naman ang sinasabi ng netizens tungkol sa kanya.
PHOTO/S: Alex Gonzaga on Instagram

JERRY OLEA:

Ilan sa mga taong malapit sa pamilya ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang nakausap ng PEP Troika na na-offend sa interview kay JC de Vera ng isang podcast program ng One News PH na hino-host nina Janno Gibbs at Stanley Chi.

Pino-promote ni JC ang pelikula niyang Huwag Mo ‘Kong Iwan na magso-showing na sa Nobyembre 27, Miyerkules.

JC de Vera recalls being offended by Alex Gonzaga's unexpected question
JC during his interview with comedian-TV Stanley Chi for One News PH last November 15, 2024.
Photo/s: Screengrab One News PH on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang haba ng panayam na iyun na kung saan ay napag-usapan ang mga karanasan ng Kapamilya actor sa mga artistang nakatrabaho niya sa iba’t ibang TV network.

Tinanong si JC ni Stanley Chi kung meron din bang artistang nakatrabaho niya sa TV5 na nag-attitude.

Ibinahagi ng aktor ang naranasan niya kay Alex Gonzaga. Pero sinabi naman niyang, “Eto, nakakatawang pag-attitude yun.”

Kinuwento niyang nagkasama sila ni Alex sa Lokomoko sa TV 5 at nangyari raw iyon sa isang out-of-town shoot nila kung saan ay deretsahan siyang tinanong ni Alex kung original ba iyong suot niyang shades.

“First time kong nakilala si Alex Gonzaga. Hindi ko siya kilala personally,” bahagi ng kuwento ni JC.

“Natawa ako kasi hindi ko alam kung maiinis ba ako o maasar ako sa kanya. Pero definitely, na-offend ako. Pero alam ko namang hindi niya mini-mean kasi yun nga, hindi naman kami talaga magkakilala o close.

“Hindi ko rin alam kung intentionally ba niyang gustong punahin kung totoo ba yung shades ko o fake.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang daming pumik-ap sa interbyung iyun, at ang ikinalungkot ng mga taong malapit kay Alex, napahamak na naman ang actress/vlogger.

Bakit daw kinalkal pa ang insidenteng iyon na 14 years na ang nakaraan?

Ang bata pa raw nila noon na parang friendly banter lang daw iyun, at sinabi pa nga ng aktor na nakakatawang pag-attitude iyon ni Alex.

JC, NAG-SORRY NA BA KAY ALEX?

Kaya lang, nadiin na naman si Alex at kung anu-ano na namang puna ang inabot niya.

Ang ikinadismaya ng mga taong malapit kay Alex, bakit naman daw idinamay pa ang actress/vlogger gayung wala naman itong ano mang involvement sa pelikulang pino-promote ni JC.

Alam daw nilang nasaktan si Alex sa ginawa ng aktor, pero mas gusto na lang daw nitong manahimik.

Sana, nag-sorry na lang daw si JC o ipinaliwanag niyang wala na iyun, dahil pagkatapos nilang magkatrabaho sa TV5, nagkasama pa sila sa pelikulang The Entitled (2022) at naging magkaibigan silang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: JC de Vera recalls being offended by Alex Gonzaga's question

GORGY RULA:

Gusto sana naming hingan ng reaksyon si Alex kaugnay sa isyung ito, pero sabi ng ilang kaibigan niya, tiyak na hindi na raw niya ito papatulan o ayaw na niyang palakihin pa.

ALEX, AYAW NANG PALAKIHIN ANG ISYU?

Pero alam daw nilang nasaktan ito sa nangyari, dahil kaibigan daw ang turing nito kay JC.

Napag-alaman naming nag-reach out si JC kay Alex, pero hindi lang namin tiyak kung sinagot siya o nagkausap silang dalawa.

Siguro sa susunod, maging maingat na lang sa mga ganoong interview dahil baka hindi tayo aware na may nadadamay na tayong ibang tao na wala namang kinalaman sa pino-promote natin.

Kailan pa ba nangyari iyon? Kailangan pa bang halukayin ang mga matagal nang isyu para lang may mapag-usapan?

Okay lang siguro kung magkasama sila sa pino-promote na pelikula, at harap-harapan nila itong pinag-usapan. Pero wala roon ang taong nabanggit para maipagtanggol o maipaliwanag niya ang kanyang panig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya minsan, maingat din ang ibang film production sa mga media conference na ini-screen ang mga ibinabatong tanong, dahil iniiwas na lang nilang maging maintriga pa ang pag-uusap lalo na kung may ibang nananahimik na mga taong nadadamay.

Mahirap kasing merong taong sumasama ang loob dahil baka maging pabigat pa ito sa promo ng isang proyekto.

Maganda pa naman ang pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan ni Direk Joel Lamagan, at mas mabuting mga positibong bagay na lang ang pinag-uusapan, hindi iyong mga nagdadala ng negative vibes.

Huwag Mo 'Kong Iwan movie poster
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alex Gonzaga: missteps, misjudged?

NOEL FERRER:

Sa premiere night ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan na ginanap sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City noong nakaraang Huwebes, November 21, kaagad na umalis si JC de Vera pagkatapos ng screening.

Hindi na siya nakasama sa dinner ng producer ng BenTria Productions na si Engr. Benjie Austria.

Kaya hindi siya nahingan ng pahayag o kung gusto ba niyang magpaliwanag sa mga sinabi niya sa interbyung iyun.

Sana, mabigyan pa siya ng chance na magpaliwanag.

Ang leksyon lang dito, maging maingat lang sana sa mga interviews lalo na sa mga ganoong nakakaintrigang tanong, dahil nadadamay ang ibang taong walang kinalaman sa pelikulang pino-promote mo, o mas mabuting huwag na lang magbanggit ng pangalan at manatili na lang blind item.

Naging katrabaho ko pareho sina Alex at JC, at sa tingin ko, nag-mature na ang dalawa at madali lang namang magkaintindihan iyan kung sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag na sanang palakihin ito, at parehong masaya na sila sa kani-kanyang buhay kaya love-love-love na lang sana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga (kanan), na-hurt ba sa naging rebelasyon ni JC de Vera (kaliwa) kamakailan na na-offend daw ang aktor sa tanong ni Alex noon tungkol sa kanyang shades? Hinaing ng ilang taong malapit kay Alex, bakit daw kasi kinalkal pa ang insidenteng iyon na 14 years nang nakaraan, at dahil nga rito ay nalagay na naman siya sa alanganin dahil kung anu-ano na naman ang sinasabi ng netizens tungkol sa kanya.
PHOTO/S: Alex Gonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results