PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hello, Love, Again, lagpas na sa PHP1 B-mark ang worldwide gross

Post ng ABS-CBN, Star Cinema, at GMA Films: "We love you a billion times."
by PEP Troika
Published Nov 24, 2024
Hello Love Again social media post by Star Cinema, ABS-CBN Studios, and GMA Films.
Post ng Star Cinema at GMA Films sa kani-kanilang social media accounts ang picture ang artcard na ito na nagbabando ng bagong achievement ng pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
PHOTO/S: Star Cinema Facebook

JERRY OLEA

“Thank you for the love and we love you a billion more.”

Ipinost iyan ng Star Cinema at GMA Pictures sa Twitter, Instagram, at Facebook ngayong Nobyembre 24, 2024, Linggo ng umaga kalakip ang pagbabandong lumagpas na sa PHP1B-mark ang worldwide gross ng KathDen reunion movie na Hello, Love, Again.

Nagpadala rin ng email ang ABS-CBN Corp. Comm sa PEP Troika, na nagsasabing, “The record-breaking Hello, Love, Again movie led by Kathryn Bernardo and Alden Richards has earned P1.06 billion as of Nov. 23, becoming the first Filipino film to surpass the P1 billion mark at worldwide box office.

“This latest milestone follows the film’s series of box office achievements, earning the biggest first-day ticket sales of P85 million last Nov. 13, achieving the highest single-day gross of P131 million last Nov. 16, breaking into the US Top 10 box office at no. 8, and becoming the highest-grossing Filipino movie of all time as of Nov. 22.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bali-balita noon ay umabot sa P1.2B ang worldwide gross ng MMFF 2023 entry na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pero nilinaw ng Star Cinema mismo na ang global gross ng DongYan movie ay P924M.

Ang worldwide gross ng unang KathDen movie na Hello, Love, Goodbye (2019) ay P880.5M, samantalang ang worldwide gross ng huling KathNiel movie na The Hows of Us (2018) ay P845M.

Noong Nobyembre 20, Miyerkules ay nag-showing na sa local cinemas ang Wicked nina Cynthia Erivo at Ariana Grande.

Sa walong sinehan ng Power Plant Mall sa Rockwell Center, Makati City ay anim ang inilaan sa Wicked, isa ang natira para sa Hello, Love, Again, at sa isa pa ay hati ang Red One at Conclave.

Noong Sabado ay halos AST (all seats taken) ang screenings ng Wicked sa Power Plant Mall.

Nakapanood ako sa 6:50 PM screening ng Wicked sa Cinema 6 ng Power Plant Mall, at ang nakuha kong upuan ay sa dulo, R1.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Behaved ang audience sa nasabing screening, hindi nagkantahan. Merong mga nagpalakpakan.

Nitong Nobyembre 22, Biyernes ay sabay na nag-open sa North America ang Wicked at ang Gladiator II, kaya tingnan natin kung pasok pa rin ang Hello, Love, Again sa Top 10 ng takilya sa US at Canada for this weekend (November 22-24).

Sa Nobyembre 27, Miyerkules ay showing na sa Pilipinas, maging sa North America at iba’t iba pang bansa ang Moana 2, na inaasahang magpapayanig din sa takilya.

Kasabay ng Moana 2 na magso-showing sa bansa ang Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera, pati ang Idol: The April Boy Regino Story nina John Arcenas at Kate Yalung.

Sa Disyembre 4 naman mapapanood sa local cinemas ang Gladiator II, kasabay ang VMX movie ni Yen Durano na Celestina: Burlesk Dancer.

Nakapuwesto sa December 11 playdate ang Kraven the Hunter, at nasa December 13 playdate ang animated film na The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Sa pagkaalala ko nga ay napabalitang umabot din ng mahigit PHP1B ang kinita ng 49th MMFF (Metro Manila Film Festival) movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Rewind.

Pero ayon sa Google, “Rewind eventually earned a total of 924 million in its theatrical run.” Kaya tama ngang ang Hello, Love, Again (HLA)na ang nangunguna ngayon sa lahat na Pinoy films.

Kahit sa North America ay patuloy pa rin daw itong humahataw sa mga sinehan, at ang sipag din nina Alden at Kathryn mag-meet and greet doon.

Sana, magkaroon din ng time doon ang dalawa na magkasarilinan sila at magkadebelopan na. Para sa lalong ikasasaya ng KathDen fans.

Pero pinasaya naman ng HLA ang box office, kaya ang dami nang mga tao sa sinehan.

Sumunod pa ang Wicked na dinagsa rin ng mga manonood, kaya ang sigla sa mga sinehan at sana, tuluy-tuloy na ito.

Nakakalungkot kung biglang bagsak na naman pagdating ng mga susunod na magso-showing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mataas ang expectations sa Moana 2, at sana kahit paano ay makabawi naman ang susunod na mga local films, itong Idol: The April Boy Regino Story ng Waterplus Productions, at ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ng BenTria Productions.

Kinakarir nila na magkaroon ng mga block screenings mula sa mga supporters at mga kaibigan.

NOEL FERRER

Ito na ngang Hello, Love, Again ang mukhang tatagal sa sinehan hanggang mag-Metro Manila Film Festival na.

Congratulations and we wish the movie greater success para makagawa pa ang producers nito ng susunod pang magagandang pelikula.

Pero of course, one box-office film does not make up a whole industry.

Kailangan pa natin magkaroon ng iba pang pelikulang magba-box-office hit mula sa iba pang local producers.

Sana, sana talaga!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Post ng Star Cinema at GMA Films sa kani-kanilang social media accounts ang picture ang artcard na ito na nagbabando ng bagong achievement ng pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
PHOTO/S: Star Cinema Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results