PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Un/Happy For You, nine days nang nangunguna sa Netflix PH

Samantala, ang Pulang Araw naman...
by PEP Troika
Published Nov 24, 2024
Un/Happy For You scene with Joshua Garcia and Julia Barretto
Patuloy sa pamamayagpag sa Neflix PH ang Un/Happy For You nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Nag-umpisa itong mag-stream sa Netflix, isang araw matapos ipalabas sa mga sinehan ang Hello, Love Goodbye.
PHOTO/S: Netflix PH

JERRY OLEA

Nine consecutive days nang nangunguna ang Un/happy For You sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — mula Nobyembre 16, 2024, Sabado, hanggang Nobyembre 24, Linggo.

Un/Happy For You on Netflix PH
Photo/s: Netflix PH

Nag-umpisang mag-Netflix streaming ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto noong Nobyembre 14, Huwebes, isang araw matapos ipalabas sa mga sinehan ang KathDen reunion movie na Hello, Love, Again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Nobyembre 15, Biyernes bumalik sa Top 10 Movies ng Netflix PH ang 2019 film nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.

Nag-see-saw ito sa pang-apat at pangatlong puwesto. Pero kahapon at ngayon ay nasa fifth place na ito.

Noong Nobyembre 21, Huwebes pa nag-streaming sa Netflix ang Whispers in the Wind nina Carlo Aquino at Barbie Imperial, pero ngayong Linggo lang ito pumasok sa Top 10 list.

Sa talaan naman ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, taas-baba, taas-baba ang rank ng Lavender Fields nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales. Bumalik ito sa top spot noong Nobyembre 21 at 22, Huwebes at Biyernes.

Sa pamamayagpag ng pelikulang Hello, Love, Again kung saan lead actor si Alden Richards, ang Kapuso series niyang Pulang Araw ay naliligwak naman sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.

Na-extend nang two weeks ang airing ng Pulang Araw sa Kapuso primetime. Sa halip na Disyembre 13, ang finale episode nito ay mapapanood sa Disyembre 27.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana naman, bago magwakas ang Pulang Araw ay tangkilikin ito nang lubos ng mga manonood sa Netflix.

Naligwak ang Pulang Araw sa Top 10 TV Shows ng Netflix noong Oktubre 3, 13, 19, at 20, ganoon din noong Nobyembre 18, 19, 20, 22, 23, at 24.

Apat na araw ng Oktubre na nalaglag ito sa Top 10 TV Shows, at anim na araw na ng Nobyembre na natanggal ito sa talaan. Tsk! Tsk! Tsk!

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:

1. Un/happy For You
2. GT Max
3. Ready or Not
4. The Hunt
5. Hello, Love, Goodbye
6. The Lost Children
7. Spellbound
8. A Place Called Silence
9. Conquer Lahad Datu
10. Whispers in the Wind

Top 10 Movies in Netflix PH
Photo/s: Netflix PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:

1. Dan Da Dan
2. Mr. Plankton
3. Lavender Fields
4. The Story of Pearl Girl
5. A Man on the Inside
6. Arcane League of Legends
7. Beyond Goodbye
8. Don’t Come Home
9. Our Oceans
10. Marry You

Top 10 shows in Netflix PH
Photo/s: Netflix PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Naligwak man sa top 10 ang Pulang Araw, nakaka-proud pa ring nakagawa ang GMA-7 ng ganito kagandang serye na tumatalakay sa ating kasaysayan.

Inaasahan naming babalik ito sa top ten, dahil mas kapana-panabik na ngayon ang takbo ng kuwento.

Gusto pa rin siguro ng mga tao ang soap na soap na kuwento at predictable kagaya nitong Lavender Fields.

Nakakawindang itong huling episode na napanood namin dahil bongga ang pagiging stalker ni Bernard Palanca na gumaganap bilang loyal na tauhan ni Vittorio Benavidez (Edu Manzano).

Kahit saan magpunta si Tyrone (Jericho Rosales) ay nasusundan niya at nakukunan ng video pag nagtatagpo sila ni Lavender (Jodi Sta. Maria).

Hindi ba siya nahahatala ni Tyrone na may sumusunod sa kanya?

Hindi naman kalayuan si Bernard sa kanila, hindi siya nakikita na kinukunan sila ng video?

Pero sabi nga ng ilang artistang kasali sa mga sinusubaybayang teleserye, huwag nang maghanap ng logic sa kuwento ng isang teleserye, lalo na kung patuloy itong pinapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kahit nasa streaming na, oras ang problema natin ngayon.

Ang dami nang ganap ngayong palapit na ang Pasko, kaya imbes na mapirmi sa Netflix, busy tayo sa mga nagaganap sa buhay-buhay.

Thirty-one Days Before Christmas — and it’ll get busier!!!

MMFF na siguro ang susunod na big event sa atin, maliban sa mga Christmas parties at reunions.

Good luck sa mga pelikulang palabas, sa sinehan man o sa online.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy sa pamamayagpag sa Neflix PH ang Un/Happy For You nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Nag-umpisa itong mag-stream sa Netflix, isang araw matapos ipalabas sa mga sinehan ang Hello, Love Goodbye.
PHOTO/S: Netflix PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results