PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy films Huwag Mo 'Kong Iwan at Idol, limitado ang mga sinehan

MMFF 2024 official entries, nagsisimula na ang mga pasabog.
by PEP Troika
Published Nov 27, 2024
huwag mo kong iwan idol now showing
Two local films are showing in cinemas on November 27, 2024: Huwag Mo 'Kong Iwan starring JC de Vera, Rhian Ramos, and Tom Rodriguez (left) and Idol: The April Boy Regino Story starring newcomer John Arcenas.
PHOTO/S: Jerry Olea / File

JERRY OLEA

On its third week na ang KathDen reunion movie na Hello, Love, Again ngayong Miyerkules, Nobyembre 27, 2024.

On its second week naman ang musical fantasy film na Wicked, kung saan “defying gravity” sina Elphaba Thropp (Cynthia Erivo) at Galinda Upland (Ariana Grande).

Read: Hello, Love, Again nalampasan na ang box-office record ng Rewind

NEW MOVIES THIS WEEK

Pitong pelikula ang opening sa local cinemas today.

Magpapayanig ang animated musical adventure film na Moana 2, tampok ang voices nina Auli’i Cravalho at Dwayne Johnson.

Iyong box-office bomb na Here ay tuloy na ang showing today. Last week pa sana ito, pero naudlot.

Exclusive na showing sa SM cinemas ang remastered Shutter, The Quintessential Quintuplets Specials 2, at Baekhyun: Lonsdaleite [dot] In Cinemas.

Dalawang Pinoy films ang kasalpukan ng mga ito — Huwag Mo 'Kong Iwan at Idol: The April Boy Regino Story.

now showing november 27 2024
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIMITED THEATERS FOR HUWAG MO 'KONG IWAN

Ilang sinehan kaya ang pagpapalabasan ng dalawang pelikulang Pinoy na ito?

Facebook post ni Dennis C. Evangelista ngayong Wednesday morning, “We have limited theaters. We need your support for this well made commercial film. Now showing !!!”

Si Dennis ang line producer ng Huwag Mo 'Kong Iwan kung saan bida sina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read: Local films, kumusta kaya pagkatapos ng Hello, Love, Again?

huwag mo kong iwan poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa susunod na Miyerkules, Disyembre 4 ay palabas na sa local cinemas ang isa pang tentpole film, ang Gladiator II.

Kasabay nito ang showing ng Celestina: Burlesk Dancer ni Yen Durano.

butlesk dancer

MMFF 2024 OFFICIAL ENTRIES

Nararamdaman na natin ang mga pasiklab ng official entries sa golden edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last week ay engrande ang launch ng Uninvited sa Solaire North, Quezon City.

Pinangunahan iyon ng mga bidang sina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Present din sa Uninvited mediacon sina Tirso Cruz III, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, RK Bagatsing, Ron Angeles, Direk Dan Villegas, at executive producer John Bryan Diamante.

Formal black ang attire ng karamihan sa mga “gatecrasher” sa Uninvited pauga.

Read: Vilma Santos "binantaan" si Aga Muhlach sa kanilang reunion movie

uninvited toast
Uninvited cast
Photo/s: Mentorque Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Wednesday, Nobyembre 27, ay grand mediacon ng My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa Nobyembre 29, Biyernes, naman ang “State of The Kingdom Address ng Kaharian ng Kalayaan.”

Mediacon iyon ng pelikulang The Kingdom kung saan bida sina Vic Sotto at Piolo Pascual.

Bilin sa paanyaya, “Magsuot ng iyong pinakamagarbong evening formal attire at sumama sa isang gabi ng karangyaan at pagdiriwang ng diwa ng ating malayang kaharian sa makabagong panahon.”

Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

Sa Disyembre 3, Martes, ang MMFF Celebrity Golf Tournament. Ang ceremonial tee off ay pangungunahan ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes.

Sa susunod na Miyerkules, Disyembre 4, ang patawag ni Elsa (Aicelle Santos) para sa Isang Himala.

KONSYERTO SA PALASYO

Hindi po tuloy ang MMFF 2024 Parade of Stars sa Disyembre 15, Linggo. Sa halip, gaganapin sa araw na iyon ang Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Interesting kung sinu-sinong artista ang dadalo sa strictly invitational concert na ito sa Malacañang. Ang attire ay smart casual.

Iyong MMFF 2024 Parade of Stars ay sa Disyembre 21 na gaganapin, with Manila as host city.

GORGY RULA

Mahirap din talaga kapag bagong producer ka at wala pang power mag-demand ng mga sinehan.

Ang mga malalaking producer at kung ano ang okay sa malalaking malls, kagaya ng SM, ang mas nabibigyan ng priority. Magtitiyaga ka na lamang sa kung ano ang puwedeng ibigay sa iyo.

Hindi pa rin talaga nagbabago ang sistema. Kung maliit kang producer, least prioritized ka, dahil uunahin muna ang malalaking producer na nakakapag-demand.

Mabuti na lamang at may iba pang platform na bukas sa lahat ng producers. Basta maganda ang pelikula mo ay bibilhin nila at diyan sila nakakabawi sa ipinuhunan nila.

Diyan na lang umaasa ang mga pelikulang kagaya ng Huwag Mo ‘Kong Iwan at Idol: The April Boy Regino Story, dahil napagkaitan sila ng sapat na sinehan para sa kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakabawi sila sa TV rights, streaming services, at iba pang platforms basta maganda lang ang pelikula.

Sabi nga ni Direk Efren Reyes Jr. ng Idol: The April Boy Regino Story, “Dapat talaga gandahan mo ang pelikula mo para sulit naman ang mga ibinayad ng mga tao. Huwag na tayong gumawa ng basura.”

Basta maganda lang ang pelikula mo, may paglalagyan naman iyan.

Read: Pelikula, musika, at teatro: Mga dapat abangan ngayong Nobyembre

idol april boy regino movie
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Interesting ang activities leading up to the 50th MMFF.

Sana, ma-sustain ito at mag-mount ito talaga sa napakainteresante at masayang pagsuporta natin sa sampung pelikulang ipapalabas sa Pasko!

Puspusan ang pagpo-promote ng mga pelikula ng mga producer at artista, sana tayong mga manonood ay suportahan ang mga pelikulang pinaghirapan nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two local films are showing in cinemas on November 27, 2024: Huwag Mo 'Kong Iwan starring JC de Vera, Rhian Ramos, and Tom Rodriguez (left) and Idol: The April Boy Regino Story starring newcomer John Arcenas.
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results