JERRY OLEA
Nasa beautiful friendship level pa lang sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Iyong friendship na iyon, puwede bang mag-level up na?
Read: Francine Diaz, "nagwala" nang makasama sa MMFF 2024 ang My Future You
“Sa tingin ko naman, opo,” tugon ni Seth sa mediacon ng MMFF 2024 official entry na My Future You nitong Nobyembre 27, Miyerkules, sa Valencia Events Place, Quezon City.
“Magiging totoo lang po, may possibility naman talaga dahil palagi kaming magkasama sa trabaho.
“Pero magiging totoo rin po ako, sa lahat ng pinagdaanan din po namin ni Francine, priority po namin is yung trabaho po namin. Lalo na sa panahon ngayon.
“Trabaho namin, pamilya namin, pag-aaral. And siguro, yung friendship na meron kami ni Francine, mas naggu-grow siya.
“Mas nandun na ako sa tipo na kaya ko na siyang protektahan… Kaya ko nang magsalita rin.
“Yun ang sinabi ko kanina, di ba, huwag magsalita. Pero meron din dapat panahon na magsalita ka sa tamang tao na ipaglalaban mo.
“So, ganun yung meron akong nararamdaman para kay Francine. Kaya ko na siyang mas ipagtanggol ngayon. Kaya ko na ngayong mas panindigan.
“Mas kaya ko nang tumayo. Ako na yung nasa harap ni Chin [palayaw ni Francine], sa likod lang siya. So yun.”
FRANSETH: BEST FRIENDS
Pangiti-ngiti si Francine na tila kinikilig sa paninindigan ni Seth. “Thank you,” mabining sambit ni Chin.
“Kasi po, ano, e, best friends kami. So it’s really nice po talaga to have someone na nandiyan para protektahan ka.
“At ganun din naman po ako sa kanya. Yun lang po, ayaw ko lang pong pahabain, kasi, sa amin na lang yon. Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis ni Francine.
Read: Seth Fedelin explains sweet moments with Francine Diaz

NOEL FERRER
Kailan huling kinilig ang FranSeth sa isa’t isa?
Napangiti si Francine, “Kanina, kanina po. Bukod sa sinagot niya po kanina… mas kinilig ako dun sa pagdating niya, bumati siya sa akin. Yun.”
Sagot ni Seth, “Kagabi. Masayang magkausap kami sa telepono, parang sinabi niya sa akin na, ‘Huwag mong isipin na masama ka. Masyado ka lang mabait kaya ginaganyan ka nila.’
“Walang pinapatamaan. Walang pinapatamaan… pinaalala niya sa akin na nakikita niya yung effort ko. Nakikita niya.
“Kasi sinasabi niya sa akin na minsan, sobrang alalahanin niya na… ako kasi, mas gusto ko na pag sa trabaho, kahit ako lang mag-drive, OK lang.
“Kahit wala akong kasama, basta alam ko kung saan ako pupunta, alam ko yung gagawin ko.
“Tapos wala, parang nagsabi lang siya out of nowhere ng appreciation message sa akin, na nakikita niya yung ginagawa ko, sobra siyang proud sa akin bilang kuya, bilang kapatid, bilang anak.
“Tapos iniisip ko lang na oo nga, ano? Parang sa dati kong trip sa buhay, anlayo na.
“Parang ngayon, kaya ko nang pumunta, kaya kong humarap sa mga tao. Kaya kong gawin itong mga ganitong bagay.
“And na-feel ko na, wow, may nakakita at may nagsabi sa akin.”
DO THEY SAY "I LOVE YOU" TO EACH OTHER?
Nagsasabihan ba sina Francine at Seth ng “I love you” sa isa’t isa?
Sabi ni Seth, “Siguro ano po, ahhmm, walang ‘I love you.’ Walang ‘I love you,’ halimbawa na lang po, mas nandun kami sa, ‘Good morning, kumain ka na? Kung hindi pa, kain ka…’
“Tapos pag good night naman, ‘Good night, sweet dreams! See you in my dreams.’ Walang ‘I love you.’ Mas more on sweet message lang.”
Sambot ni Francine, “What he said. Kung nag-a-‘I love you’? Hindi po, hindi po. Parang mas ano po talaga, appreciation sa isa’t isa.
“Kumustahan ng araw, kuwentuhan paglubog ng araw. Laging, ‘OK, pahinga ka na, see you tomorrow.’ Mas ganun po.”
Read: Seth Fedelin, kinakabahan sa unang pagsali sa MMFF
GORGY RULA
Natagpuan na ba nila iyong gusto nilang makasama sa future?
Hinay-hinay na tugon ni Seth, “Hindi ko masabi na siya ang future ko, e. Ang sigurong gusto kong masabi, e, sana siya ang future ko.
“So kung ang tanong, natagpuan ko na ba? Hindi ko masasabi. Hindi natin masasabi kung sino yung soulmate natin.
“Pero ang nasa isip ko, sana siya ang future ko.”
QUALITIES THEY WANT FOR A FUTURE PARTNER
Anu-ano ba ang mga katangian ng gusto niyang maging partner sa future?
Sey ni Seth, “Ako ngayon, masasabi ko, at peace ako. Masasabi ko na masaya ako, kuntento ako, so baka nga… siya!
“So yun, pero wala namang ano pa, hindi masyadong nagmamadali. Hindi kami tumatakbo. Hindi kami nakikipagkarera.
“Ano lang kami, ine-enjoy namin ang oras. Ine-enjoy namin yung time. Kasi gusto ko, tuluy-tuloy.
“May problema man, pero malakas yung pundasyon namin. Pinagtitibay namin yung pundasyon namin.
“Kasi, pag mahina ang pundasyon, naku po! Magiging mahirap din. Kasi gusto kong kaming dalawa, gusto kong hindi lang hanggang ‘My Future You’ yung puwede naming gawin.
“Gusto ko na marami pang taon na puwedeng magsama kami. So nag-i-invest kami ngayon sa pundasyon ng samahan namin kung paano kami magsimula.
“Kung dadalhin man kami sa panahon na siguro, pagdating ng araw na magiging kami, e, bilang lalaki rin, mini-make sure ko na siya na talaga.
“Mini-make sure ko yung sarili ko na mamahalin ko itong babaeng ito nang buung-buo. Kasi deserved niya.
“Bilang lalaki, isa rin sa natutunan ko yun. Isa rin sa natutunan ko — magmamahal ako ng babae, at pag nagmahal ako, ibubuhos ko lahat.
“Ibubuhos ko, mamahalin ko siya nang deserved niya. Kung paano siya gustong mahalin, ibibigay ko yun.
“Kasi sa nakikita ko, e, deserved ni Francine na mahalin siya. Yes!”
Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, paano nagkakampihan sa bashers?
Anu-ano iyong qualities na gusto niya sa makakatuwang sa buhay?
Sagot ni Seth, “Unang-una, may pananampalataya. Tapos, takot sa magulang.
“Kasi naniniwala ako na pag ang babae, takot sa magulang, ibig sabihin, isang malaking puntos yun… ang respeto sa sarili.
“Marunong rumespeto. Yun ang gusto ko. Na hindi kailangang mambastos. Na hindi nakakalimutan yung nararamdaman ko. Hindi palaging sa kanya nakatutok yung nararamdaman.
“Hindi palaging ang bina-valid lang, yung emotions niya. Gusto ko sa babae ang nagtatanong kung OK ka lang.
“Kasi mas maganda na nagtanong kesa magkukuwento ako. Mas parang masarap sa pakiramdam na kahit hindi ka nagkuwento, biglang may nagtanong, ‘Uy! Ayos ka lang ba?’
“Kesa, ‘Hoy, halika, usap tayo. May gusto akong sabihin, wala akong mapagsabihan.’
“Parang mas maganda yung marunong magtanong, marunong makiramdam. So, yun po ang gusto ko sa magiging future ko.”
