PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Paulo Calma, hindi insecure sa bagong members ng Magic Voyz

Juan Paulo Calma, suportado ng pamilya ang pagpapaseksi.
by PEP Troika
Published Nov 29, 2024
juan paulo calma
Juan Paulo Calma on his fmily's reaction to his daring movies: “Mas support sila sa akin dahil ako lang sa family namin ang nasa showbiz. Sa side ng tatay ko, kumbaga kasi, mayayaman sila, e. Ka-close ko sila. Proud sila sa akin, natutuwa naman. Tapos kung may magtanong man na anak nila, pamangkin ko, sinasabi naman namin at napapaliwanagan na namin.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Ang harut-harot ng mga kulitan ng Magic Voyz na pino-post sa socmed. Andiyan ang sabay-sabay nilang pagsa-shower.

Meron silang pa-Felix Bacat paglabas ng steam room. Meron ding landian habang naliligo sina Juan Paulo Calma at Jhon Mark Marcia.

Read: Jhon Mark Marcia, ipinagtanggol ang Vivamax movies

“For content lang po yun,” napangiting sambit ni Juan Paulo nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 15, 2024, Biyernes, sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

MAGIC VOYZ NEW MEMBERS

Maliban sa VMX hunk actors na sina Juan Paulo at Jhon Mark, members ng Magic Voyz sina Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane, at ang bagong dagdag na si Asher Diaz.

Na-insecure ba si Juan Paulo sa bagong dagdag na member ng kanilang sing-and-dance group?

Mabilis na tugon ni Juan Paulo, “Ay! Hindi naman po. As long as na mas magaling sa akin, mas doon ako, e. Natututo ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinasanay ko pa po ang sarili ko sa pagsayaw at pagkanta. Tinututukan pa ako ng coach namin sa voice lessons.

“Hindi ko pa kasi alam yung ibang mga teknik para mas ma-improve pa yung voice ko.

“Sa pagsasayaw, hanggang ngayon, pinapakuluan ako ni Nay Lito [de Guzman]. Pero kahit papaano naman, nage-gets ko naman ang sayaw. Pinapalambot pa, e. Ha! Ha! Ha!

“Matigas pa yung katawan ko. Pero at least kahit papaano, nakakabuo na ako ngayon ng kanta. Nakadalawa na nga ako, e! Yun bang ang sarap sa feeling!

“Siyempre hindi ko siya ginagawa buong buhay ko. Buong buhay ko, wala akong nabuong kantang ganyan.”

Kumusta ang samahan nila sa Magic Voyz? Paano sila nagba-bonding?

“Ang bonding po namin dun, yung kunyari may assignment ako na ako yung tututukan. Then pupunta ako kung nasaan sila habang wala pang praktis, and pagkatapos ng praktis,” lahad ni Juan Paulo.

“May extra effort po akong ginagawa. Tapos, yun pong mga shoot namin for content, na meron pong sponsor na spa kaya anytime puwede kaming mag-relax, or mag-jacuzzi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then pa-massage, and facial.”

Nagkakainggitan ba sila?

“Inggitan? Wala naman po siguro. Sa akin, ha, personally. Kung sila, ayun lang, dapat sabihin nila,” sey ni Juan Paulo.

“Pero sa amin, sa nangyayari ngayon, wala naman.”

May concert muli ang Magic Voyz ngayong Nobyembre 29, Biyernes, sa Viva Cafe na nasa Ground Level, Cyberpark, Araneta City, Cubao, Quezon City.

Guests dito sina Marianne Saint, Krista Miller, Yda Manzano, Megan Marie, Jo and Dholynotes, at Ram Castillo.

Read: Newbie actors weigh in on stars speaking up about sexual abuse

magic voyz concert
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Masaya si Juan Paulo Calma na na-nominate siya sa 39th PMPC Star Awards for Movies bilang New Movie Actor of the Year para sa pelikulang La Traidora (2022).

Ang nasabing pelikula ay nag-streaming sa AQ Prime, na mahigit isang taon nang inactive. May natapos pa siyang movie para sa nasabing streaming platform.

Ngayong 2024 ay nakalimang pelikula na siya sa VMX (dating Vivamax). Ang mga ito ay Sisid Marino, Ang Pintor at Paraluman, Kiskisan, Donselya, at Kabitan.

Naka-relate si Juan Paulo sa role niya sa Kabitan.

Sa totoong buhay, hindi niya alam na iyong naging girlfriend niya ay may dyowa na pala.

Kuwento ni Juan Paulo, “Siyempre, ayoko naman ding magtanong, ‘Single ka ba?’ Baka doon pa lang, mabasted na ako.

“So, parang alam namin, ‘Uy! Gusto namin ang isa’t isa,’ ganyan. Then habang tumatagal, siguro ayun, nakahalata na yung ano niya na hindi ko naman alam, biglang may nag-text na ganito, ganyan, tigilan ko daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, kailangang tigilan ko na. Baka kung mapaano pa tayo diyan. Hindi ko rin naman alam na meron siyang dyowa.”

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

GORGY RULA

Calma talaga ang apelyido ni Juan Paulo, pero hindi raw niya kamag-anak si Toffee Calma.

Tanggap ng mga kapamilya ni Juan Paulo na naghuhubad siya sa pelikula.

Aniya, “Mas support sila sa akin dahil ako lang sa family namin ang nasa showbiz. Sa side ng tatay ko, kumbaga kasi, mayayaman sila, e. Ka-close ko sila.

“Proud sila sa akin, natutuwa naman. Tapos kung may magtanong man na anak nila, pamangkin ko, sinasabi naman namin at napapaliwanagan na namin.”

Read: Juan Calma lets it all hang out in his first two movies: "Laban lang!"

Pumanaw na ang tatay ni Juan Paulo. Five years from now, ano na sa tingin niya ang estado ng kanyang showbiz career?

“Nakikita ko lang sa sarili ko, siguro kahit papaano, as an actor, siyempre makatawid tayo sa mainstream, sa TV network,” tugon ni Juan Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangarap ba niya talagang mag-artista?

“Siyempre nandito na ako, di ba? Saka yung opportunity na ito, hindi naman ito naio-offer sa ibang tao,” sabi ni Juan Paulo.

“Iilan lang kami dito, bakit hindi pa ako umano ng mas mataas?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Paulo Calma on his fmily's reaction to his daring movies: “Mas support sila sa akin dahil ako lang sa family namin ang nasa showbiz. Sa side ng tatay ko, kumbaga kasi, mayayaman sila, e. Ka-close ko sila. Proud sila sa akin, natutuwa naman. Tapos kung may magtanong man na anak nila, pamangkin ko, sinasabi naman namin at napapaliwanagan na namin.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results