PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gandarang aktres, may bagong property sa isang exclusive village

Aktres, pakakasalan na ng maimpluwensiya at mayamang personalidad?
by PEP Troika
Published Nov 29, 2024
blind item, gandaramg aktres
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

Wow!!! Lalong bumobonggacious si gandarang aktres sa usaping investment.

Napabalita ang bonggaderang bahay niya somewhere in the north ng Metro Manila, na pinagbuhusan ng pawis ni gandarang aktres.

Bukod sa malaki at yayamaning bahay, nakakamangha rin ang interiors na ang tsika ng mga manang badiday, imported. Pang-alta, mamita!

Read: Yayamaning aktor at gandarang aktres, hiwalay na

Pero ewan ko ba? Kahit nakikitang malaki ang kinikita ni gandarang aktres, marami pa ring hindi kumbinsido na galing lang ito sa kinikita niya bilang celebrity.

Matagal na siyang nali-link sa napakayaman at maimpluwensiyang personalidad, pero pawang haka-haka pa lang ang mga iyon.

Read: Kaaya-ayang aktres at guwapong boyfriend, mahilig sa kandungan

LATEST PROPERTY NI GANDARANG AKTRES SA SOUTH

Ang latest kay gandarang aktres, may bago siyang property somewhere in the south naman.

Matatagpuan ito sa isang exclusive village na 1,500 square meters daw ang area. Oh-la-la!

Napakabonggacious ni gandarang aktres na kahit hindi na tumanggap ng mga projects, buhay na buhay na siya at ang kanyang buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na ako magugulat na any moment, magkakaroon na rin siya ng bonggang bahay somewhere in the west, at siyempre, somewhere in the east.

Read: Poging aktor at seksing aktres, nag-"taste test" sa taping?

GORGY RULA

Kaya kumalat ang tsismis na ito ay dahil daw sa taong nag-ayos ng bahay ni gandarang aktres.

Parang nagkaproblema raw si gandarang aktres sa unang kausap niya, kaya naghanap siya ng kapalit.

Na-impress daw si gandarang aktres sa gumawa kaya pinangakunan niyang ito na rin ang gagawa sa isa pa niyang bahay somewhere in the south.

Ang sabi raw ni gandarang aktres ay halfway house daw niya ito.

Ang bongga-bongga talaga ni gandarang aktres, at napaka-blessed niya, dahil bukod sa napakaganda niya, mabait siya lalo na sa pamilya.

Kaya tuluy-tuloy ang blessings, at ang taong wagas na nagmamahal sa kanya.

Totoo kayang willing ang taong ito na pakasalan siya? Seryoso na raw ang relasyon ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktres, hindi pa rin ipinagtatapat ang pagbubuntis sa publiko

NOEL FERRER

For sure, pag-uusapan nang husto sakaling pakasalan ni napakayaman at maimpluwensiyang personalidad si gandarang aktres.

Gaano katotoo na nakipag-dinner recently si gandarang aktres sa ex niyang dakilang aktor?

Batid kaya iyon ni napakayaman at maimpluwensiyang personalidad?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results