JERRY OLEA:
Ngayong Nobyembre 30, 2024, Sabado ang ika-161 kaarawan ni Andres Bonifacio, ang Presidente Supremo (Kataastaasang Pangulo, Supreme President) ng Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).
Ngayon din ang unang anibersaryo ng pag-amin ni Kathryn Bernardo at ng Supreme Idol na si Daniel Padilla na buwag na ang KathNiel makalipas ang labing-isang taon.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Kahapon, Biyernes, Nobyembre 29, ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City ang grand mediacon ng Kapamilya series na Incognito, kung saan tampok si Daniel bilang Andres Malvar, at si Richard Gutierrez bilang Jose Bonifacio.

Sa Enero 17, 2025, Biyernes mag-uumpisang mag-streaming sa Netflix ang advance episodes ng Incognito.

Kinabukasan, Enero 18, mapapanood ang Incognito sa iWantTFC. At Enero 20, Lunes magsisimula itong umere sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Channel, TV5, at A2Z.
Maliban kina Daniel at Richard, ang lima pang bida sa Incognito ay sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal, at Anthony Jennings, sa direksyon ni Lester Pimentel Ong.

INCOGNITO CAST shake-up
Napabalita noon na kasama sa cast si Enrique Gil, pero later on ay umatras ito.
Dahil ba ayaw ni Enrique na maging support kay Daniel? O hindi nito kaya ang maaaksyong eksena?
“Honestly, hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Enrique kung bakit siya nag-back out,” pahayag ng Kapamilya insider na nakausap ng PEP Troika.
Ang ipinalit kay Enrique, si Baron?
“Nung napalitan sa casting si Enrique, in-adjust iyong role para kay Baron.”
Bahagi rin ng cast ng Incognito sina Belle Mariano, Jane de Leon, Elijah Canlas, Aljur Abrenica, Ryan Eigenmann, Dino Imperial, Jestoni Alarcon, Polo Ravales, Art Acuña, Eddie Gutierrez, at marami pang iba.
Read: Updates sa INCOGNITO - may mga BIGATING stars na papasok?
GORGY RULA:
Nakalatag sa 26 weeks ang kuwento ng Incognito. Sasakop iyon sa Semana Santa, kaya malamang na walang episode para sa Huwebes Santo at Biyernes, kagaya ng DonBelle series na Can’t Buy Me Love (CBML).
148 episodes ang nasabing serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na umere mula Oktubre 16, 2023, Biyernes hanggang Mayo 10, 2024, Biyernes.
Kaya iyong Incognito ay 128 episodes lamang ang nakatakda para mag-finale sa araw ng Biyernes.
Good for six to eight weeks na ang na-shoot ng Incognito sa El Nido (Palawan), Matera (Southern Italy), at Atok (Benguet).
INCOGNITO CAST, WALANG ARTE SA LOCATION SHOOTS
“Sa El Nido, ang nakakatuwa, wala silang arte. Kasi, merong eksena na lumusong sila sa baha, as in baha,” kuwento ng Kapamilya insider.
“Dahil baha, andoon na yung mga poops, pero wala silang pakialam. Wala silang kaarte-arte kesehodang live na umuulan.
“Ang lakas ng ulan pero continuous sila ng pagti-taping. Wala kang reklamong maririnig sa kanilang lahat.
“Ang maganda sa kanila, bago pa man magsimula ang taping ng Incognito, may four months na silang training.
“Dahil may four months na silang pagsasama, nandoon na iyung rapport. So magkakaibigan na talaga sila somehow nung nagsama-sama sila.
“So buo ang bonding nung nasa Italy na sila. In fairness sa kanilang lahat, wala ni isang nag-attitude o pa-superstar. Wala!
“Iyon ang nakakatuwa talaga. Happy set lang talaga ang Incognito.”
NOEL FERRER:
Present si Karla Estrada sa grand mediacon ng Incognito bilang suporta sa anak na si Daniel.
Sabi nga ni Daniel, “Ma, ano ako, bata?!” Siyempre, bonding lang iyon ng mag-ina.
Ang istorya ng Incognito ay tungkol sa second chances. Swak na swak iyon kina Daniel, Richard, Baron at Maris.
“So second chances ba ito para sa mga… nagkamali?” napangiting sambit ng Kapamilya insider.
“Baron is having his second chance. Naiyak nga si Baron sa presscon.”
Theme song ng Incognito ang "Liwanag sa Dilim," na kinanta ng ex ni Maris na si Rico Blanco.
“Pumayag si Maris na gamitin, in fairness. Pumayag din naman si Rico.”
Read: Daniel Padilla, balik-teleserye pagkatapos ng dalawang taon
