GORGY RULA:
Hindi matutuloy ang preliminary hearing sa December 3, 2024, Martes, ng complaint na Acts of Lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela sa Bacoor Prosecutor’s Office laban kay Archie Alemania.

PRELIMINARY HEARING MOVED TO DECEMBER 10
On leave pala ang fiscal, kaya inilipat na nila ito ng December 10.
Doon ay isusumite ni Archie ang kanyang counter affidavit, kaya inaasahan ang pagdalo nito para sumpaan ito.
Hindi naman daw kailangang nandoon si Rita, pero kailangang i-represent ito ng legal counsel niya at makakuha ng kopya.
Pagkatapos nitong basahin ng kampo ni Rita, sasagutin nila ito sa susunod na hearing na nakatakda naman sa December 17. Tingnan natin kung magtatagpo roon sina Rita at Archie.
Si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang legal counsel ni Rita, at siya rin ang nagre-represent sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz na sinampahan naman ni Sandro Muhlach ng kasong Rape Through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness.
Nasa korte na ito ng Department of Justice na natagalan ang arraignment nito. Nag-submit ng request si Atty. Maggie para rebyuhin ang kaso.
Nag-motion daw sila ng defer arraignment, kaya na-move na ito ng January 28, 2025.
Nagpiyansa na muna sina Nones at Cruz ng tig-120 thousand pesos para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Read: Rita Daniela speaks up after filing complaint vs Archie Alemania
NOEL FERRER:

ATTY. GARDUQUE, MAGIGING BUSY SA MAGKAIBANG KASONG HINAHAWAKAN
Mananatili tayong updated sa dalawang magkaibang kaso na hinahawakan ni Atty. Maggie Garduque.
Tanong nga ng ibang showbiz observers, maaabot kaya ni Atty. Maggie ang status at kasikatan ni Atty. Persida Acosta o Atty. Fedie Topacio sa pagde-defend ng unpopular cases?
Sana, hindi mapagod si Atty. Maggie! As in!!!
JERRY OLEA:
Iba-iba ang parusa sa kasong acts of lasciviousness, maging sa attempted rape, at sa consummated rape — depende sa circumstances.
Mas matindi siyempre kapag menor de edad ang biktima.
Sa kaso nina Rita Daniela, Sandro Muhlach at unnamed talent ng TV5, pawang nasa hustong edad na sila.
Base sa pagtatanung-tanong natin, ang parusa sa acts of lasciviousness ay nasa pagitan ng arresto mayor (1 month and 1 day to 6 months) hanggang prision correccional (6 months and 1 day to 6 years) — depende sa circumstances, halimbawa’y paggamit ng puwersa, o kung minor ang biktima.
Kung ang akusado ay hindi nag-file ng counter-affidavit sa kasong acts of lasciviousness, ibig bang sabihin ay handa siyang makulong nang six months to six years?
Read: Archie Alemania, maghahain din ng reklamo laban kay Rita Daniela?
