GORGY RULA
Kahit may ilang local fims na sablay pa rin sa takilya, punung-puno pa rin ng pag-asa ang film producers na makakaahon ang local movie industry basta maganda ang mga pelikulang gagawin.
Kagaya ng sampung pelikulang kalahok sa nalalapit na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), very positive ang producers na maganda ang pagtanggap dito ng mga manonood at umaasang mahigit isang bilyong piso ang kikitain nito.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries
Isa sa excited sa magiging resulta ng MMFF 2024 ay si Senator Bong Revilla.
Nang sandali ko siyang nakatsikahan nung Martes, December 3, sinabi nitong nakakagana ngayong gumawa ng pelikula dahil nakikita niyang interesado pa rin ang sambayanan sa mga pelikula natin, basta gandahan lang ito.
BONG REVILLA PHOTO SHOOT
Pero hindi ako sinagot ni Bong kung ano ang kanyang plano sa ginawa niyang photo shoot kung saan isinuot niya ang costume ng ilan sa pinasikat niyang characters sa pelikula at tinangkilik ng kanyang supporters.
Nasilip ko ang ibang mga kuha niya sa isang pictorial ng mga karakter na ginawa niya — Agimat, Panday, at Alyas Pogi.
Itong Alyas Pogi 4 sana ang gagawin niya, pero naudlot ito dahil sa pagkaaksidente niya na naging sanhi ng pagkaopera ng kanyang Achilles tendon.
Read: Senator Bong Revilla, posibleng maoperahan dahil sa napunit na Achilles heel
Pero meron pa siyang na-shoot sa chroma ng Panday at Agimat.
Ang buong akala ko ay mga luma niyang kuha, yun pala ay kailan lamang niya ito nai-shoot.
Okay na okay na rin kasi ang paa niya.
Abangan na lang daw kung alin ang una niyang gagawing pelikula, pagkatapos ng eleksyon.
Sinubukan lang daw niyang gawin ito sa pictorial para matiyak na okay na okay na ang kanyang paa pagkatapos operahan.
WALANG MATIGAS NA PULIS SEASON 3
Sa ngayon ay magpo-focus muna si Bong sa promo ng Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magsisimula na sa December 22, Linggo ng 7:15 P.M., sa GMA-7.
Read: Bong Revilla, inanunsiyo ang Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis
“May mga action scenes na ako dito, pero may emosyon. Mas maganda ito sa Season 1 at 2 kasi binuo talaga ang kuwento nina Tolome at Gloria,” pakli niya.
Misis ni Tolome si Gloria, na ginagampanan ni Beauty Gonzalez.
Masaya si Bong na itong Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis… ang naging kapalit ng naudlot niyang Alyas Pogi 4 na isasali sana niya sa Metro Manila Film Festival.

TOLOME'S AMAZING NA PASKO DANCE CHALLENGE
Siyangapala, ongoing ang registration sa Tolome’s Amazing na Pasko Dance Challenge kung saan may chance ang kalahok to win up to PH300,000.
Sumayaw gamit ang “Amazing Na Pasko” music ngayong taon at i-upload ang video sa inyong feed or reel at i-tag ang Facebook page na Ramon Bong Revilla Jr.
Nasa FB page na iyon ang details at links sa pakontes na ito. Ang deadline ng registration ay sa December 14, 2024, at ang announcement of winners ay sa December 21.
Sumali, sumayaw, at manalo!
JERRY OLEA
Bukod pa riyan, mas may sapat na panahon si Senator Bong Revilla upang makasama ang buong pamilya ngayong Pasko, dahil marami raw silang dapat ipagdiwang.
Isa na rito ang anak niyang bagong doktor, si Dra. Loudette Bautista, na kasusumpa lang sa PICC bilang full-fledged physician.
“Nakakataba ng puso, yung ibang mga magulang na nagme-message sa akin na masaya raw sila para sa amin ni Lani, dahil parang naka-relate din daw sila.
“Ang sarap daw sa pakiramdam ng isang magulang na meron nang napagtapos na doktor, at meron din daw silang napagtapos na abogado,” nakangiting pahayag ni Bong.
Read: Bong Revilla at Lani Mercado, may "certified doktora" nang anak
NOEL FERRER
Narinig ng PEP Troika na may binabalak si Bong Revilla na i-remake ang ilan sa mga pinasikat niyang karakter sa mga blockbuster hit movies niya.
Pero posible ring magkaroon ng iba pang reunion movies, kagaya ng matagal nang gustong gawin nina Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Claudine Barretto, at Angelu de Leon.
Read: Claudine Barretto reveals beef with Angelu de Leon
JOHN LLOYD, PAOLO, PATRICK REUNION
May ideya ring posibleng magsama muli ang Tabing Ilog co-stars na sina John Lloyd Cruz, Paolo Contis, at Patrick Garcia.
Ang dami kasing nagtanong kung meron bang binabalak na project silang tatlo nang ipinost ni Patrick sa kanyang Instagram accout ang kuha nilang tatlo na may caption na “SOON..”
View this post on Instagram
Natawa si Paolo nang tinanong ng PEP Troika kung meron ba silang binabalak na film project.
Wala pa naman daw.
Na-miss lang daw nila ang isa’t isa kaya napahaba ang kuwentuhan nila, nagkakumustahan, at napag-usapan ding magsama-sama silang tatlo sa isang film project.
Si Patrick daw ang nagyayang mag-lunch silang tatlo para mag-catch up lang silang magkakaibigan.
“Si Patrick just planned our lunch together, tapos humaba na siyempre ang usapan.
“Hindi rin siyempre maiwasan mapag-usapan yung working again together, so ayun.
“Siyempre, we would love to work again na magkakasama,” text ni Paolo sa PEP Troika.
Read: Kaye Abad at Patrick Garcia, tuluy-tuloy na ang pagbabalik sa pag-arte?
