JERRY OLEA
Sinamahan ni Rico Blanco ang girlfriend niya noong si Maris Racal nang ipalabas ang pelikulang Marupok AF (Where is the Lie?) bilang opening ng Cinemalaya 19: Iluminasyon noong Agosto 4, 2023.
“Parang RM [road manager] ni Maris si Rico,” sabi ng katotong Ogie Narvaez-Rodriguez.
Aliliga noon si Rico sa pagtatanong sa staff kung saan ba dapat uupo sila ni Maris.

Pagbabalik-tanaw ni Ogie, “Di ba, super alalay si Rico at pag may nag-iinterbyu, ibinibigay ni Rico ang spotlight kay Maris, lumalayo siya?”
Present sa nasabing screening ang kaibigan ni Maris na si Karylle, at wala pa noon ang SnoRene/MaThon tandem nina Maris at Anthony Jennings.

Oktubre 16, 2023-Mayo 10, 2024 umere sa Kapamilya Channel ang teleseryeng Can’t Buy Me Love, kung saan nagpakilig sa fans ang characters nina Anthony at Maris na sina Snoop at Irene.
Read: SnoRene hilarious bardagulan moments
Sa reunion concert ng Rivermaya noong Pebrero 17, 2024 sa SMDC Festival Gounds, present si Maris.

Facebook post ng ABS-CBN News noong Pebrero 18: “Supportive girlfriend. Nagpaka-fan girl ang aktres na si Maris Racal sa ‘oppa’ at nobyo niyang si Rico Blanco, na miyembro ng OPM band na Rivermaya.
“Kasama ni Racal na dumalo sa reunion concert ng banda ang ‘Can't Buy Me Love’ co-stars niya na sina Kaila Estrada at Darren Espanto. Nandoon din ang ilang bituin gaya nina Jolina Magdangal, RK Bagatsing, at Jane Oineza.”
Magkapatid ang characters nina Maris at Kaila sa Can’t Buy Me Love, kung saan pinakabida sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
MARIS ADMITS BREAKUP WITH RICO
Hulyo 12, sa Star Magic presscon, luhaang inamin ng 26-anyos na si Maris na hiwalay na sila ng 51-anyos na si Rico makalipas ang limang taon nilang relasyon.
Bahagi ng pahayag ni Maris, “I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life. I had visions of who I want to become, and how I want to evolve.
“I'm so curious about the world and the truth is, I am going through changes.
"And alam naman natin yung change is either good or bad. But what I hate about change is it's inevitable.
"Hindi mo siya matatakasan. Wala ka nang puwedeng ibang gawin but to confront it and face it.
"So, yeah, I told Rico about it. I told him my problems and my issues.
"And he took it like a man. He took it like a man."
Read: Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco
Nanatiling tahimik si Rico kaugnay sa paghihiwalay nila ni Maris.
ANTHONY JENNINGS ON BREAKUP WITH JAMELA VILLANUEVA
Pumayag si Rico na gamitin ang kanta niyang "Liwanag sa Dilim" para sa teleseryeng Incognito kung saan kabilang sina Maris at Anthony sa pitong mga pangunahing taon.
Umokey rin si Maris na gamitin iyong kanta ng ex-boyfriend niya para sa Incognito.
Nag-presscon ang Incognito noong Nobyembre 29, Biyernes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.
Maliban sa MaThon, present din doon ang lima pang bida ng Incognito na sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.

“Maayos naman ang presscon,” sabi ng Kapamilya insider na nakatsikahan ko noong gabi ring iyon.
“Nagtatawanan naman. Mabilis lang. Si Anthony Jennings ang pinakakalog sa lahat, saka si Ian Veneracion.”
Sa nasabing Incognito mediacon, inusisa ng vlogger na si Allan Sancon (StarsPhotog) si Anthony kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng girlfriend niyang si Jamela Villanueva.
Tugon ni Anthony: “Well, oo, yes, hiwalay na kami and ngayon ko lang din sasabihin. Kasi yes, matagal, months ago na rin kaming hiwalay ni Jam.
“And personal din kasi yung reasons niya. Si Jamela naman kasi, hindi naman siya artista. So, kini-keep kong pribado yung personal kumbaga.
“And request ko lang din sa lahat siyempre na alam nyo, huwag niyo nang guluhin yung tao, si Jamela, kasi hindi naman siya artista.
“Pribado yung buhay niya. And sa akin naman yun. Ako yung may pagkukulang dun. Ahhm problema ko yun.
“And dapat kong ayusin mag-isa. And yun nga, sa mga nanggugulo din sa dalawa, kay Maris din — magkaibigan lang po kami.
“And sana matigil na yung mga ganyang issues.”
Read: Anthony Jennings confirms breakup with non-showbiz girlfriend
JAMELA VILLANUEVA'S INSTAGRAM STORIES BECOME MEMES
Disyembre 3, Martes, nagserye ng Instagram stories si Jamela kaugnay sa last three months ng kanilang seven-year relationship ni Anthony.
NKKLK ang screenshots at revelations. Pasabog ang ilang phrases, clauses and sentences, na pinagpistahan sa memes, at ginamit sa mga online promo.
Read: Anthony Jennings, Jamela Villanueva, Maris Racal: The unfinished tale of a messy breakup
Halimbawa, sa Lazada, “You forgot your sweater na 70% off sa Lazada.”

Sa programang Unang Hirit, “MARIZ, LOYAL SA UNANG HIRIT! Araw-araw tumutok sa inyong pambansang morning show kung saan 25 taong laging una ka sa balita, serbisyo, at saya.”
Sa Rico’s Lechon, “You Miss My Body?”

Facebook joke ni Dolly Anne Carvajal, “Just for fun: I thought only BELO touches Maris’ skin.Her Tv ad w/ Anthony must be changed 2 Mang INASWANG”

Himutok ng netizens, “Mabuti pa ang tsismis, may resibo pero ang confidential funds…”
Naikumpara pa sina Maris at Anthony kina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagkatambal sa Kapuso primetime series na Marimar (Agosto 2007-Marso 2008).
Ang kasintahan noon ni Dingdong ay si Karylle.
Read: Anthony Jennings, Jamela Villanueva, Maris Racal: The unfinished tale of a messy breakup
AND THE BREADWINNER IS... MEDIACON
Ngayong Disyembre 5, Huwebes ng 6 P.M. ang mediacon ng MMFF 2024 entry na And The Breadwinner Is…, kung saan tampok sina Maris at Anthony.
Ligwak na ang MaThon sa mediacon.
Read: Maris Racal at Anthony Jennings, hindi dadalo sa presscon ng And The Breadwinner Is...
Maliban kay Vice Ganda, ang iba pang artistang tampok sa mediacon ay sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Malou de Guzman, Kokoy de Santos, Via Antonio, MC & Lassy, Kiko Matos, at Argus.

Dahil sa isyu kina Maris, Anthony at Jamela, natabunan ang isyu ng paglaya ni Neri Naig.
Read: Neri Naig released from hospital; hoping for fair trial
Siyanga pala, ang Liwanag sa Dilim musical — kung saan tampok ang mga awit ni Rico Blanco — ay itatanghal sa Marso 2025 sa RCBC Plaza sa Makati City.
Iyon ay sa panulat at direksiyon ni Robbie Guevarra.
Na-disapprove ng MTRCB ang title ng movie ni Maris na Marupok AF, kaya naging Marupok A+ iyon nang mag-showing sa local cinemas noong Hulyo 10, 2024 — dalawang araw bago luhaang inamin ni Maris ang paghihiwalay nila ni Rico.
Read: Marupok AF ni Maris Racal, urong-sulong ang playdate
NOEL FERRER
Kahapon ng umaga, Disyember 4, pa lang ay nag-post na ako… na be the one who breaks the cycle. Kung ikaw ang jinujudge, choose understanding….
Nung pinagpipyestahan ng lahat ang issue nina Maris, Anthony, at Jam, ang sabi ko, may mali — na yung personal na isyu, naging for public consumption talaga.
Kung napapansin ninyo, may discomfort talaga ako… habang comment at punchline na ang lahat!
Read: Maris Racal at Anthony Jennings, inuulan ng batikos dahil sa posts ng ex ng aktor
JAMELA MAY BE LIABLE TO CYBERLIBEL AND VIOLATION OF DATA PRIVACY ACT
Maganda ang tinuran ni Atty. Joji Alonso sa Facebook post niya nitong Disyembre 5, Huwebes ng madaling-araw:
“Assuming that all the screenshots are legit, the fact remains that Maris and Anthony have committed NO crime.
“Their actions may be regarded as morally wrong, but they were never married to their respective partners.
“Jamela, on the other hand, may have committed at least 2 crimes with her actions -- cyber libel and violation of data privacy.
“She cannot hide her actions under the guise of ‘moving on.’ Yes, she may have experienced pain and betrayal, but this does NOT give her the license to violate the law.
“Nemo jus sibi dicere potest.”

Can kindness and goodness prevail here?
Read: Jamela Villanueva, posibleng ireklamo sa paglabag sa Data Privacy Act
GORGY RULA
Ayon sa Google, ang “nemo jus sibi dicere potest” ay "no one should judge themselves."
Sabi pa nito, “It is a principle of natural justice that states that no one should judge a case in which they have a vested interest.”
Naalala ko rin ang laging sinasabi ng namayapang veteran entertainment journalist Atty. Billy Balbastro, huwag kang sumulat kapag galit o masyado kang emotional.
Pero ang ka-Troika niya dati na namayapa na ring si Tito Alfie Lorenzo, ang galing-galing magsulat kapag galit o meron itong kinagagalitan.
Leksyon uli ito na huwag magpadala sa sobrang emosyon kapag meron kang isinusulat o ipinu-post sa social media.
Kapag humupa na ang galit, maiisip mong sana, hindi ko na ito ipinost.
Malaki ang nagagawa ng panalangin para kumalma at makapag-isip nang maayos.
Pero dahil sa nilikhang gulong ito ng dating girlfriend ni Anthony, nataranta raw kahapon ang ABS-CBN at Star Magic.
Magkakasabay pa naman ang promo ng MaThon loveteam, na bahagi sa MMFF 2024 entry na And The Breadwinner Is…, at sa Incognito na sa Enero 17, 2025 nakatakdang mag-umpisa ang streaming sa Netflix.
Ang latest na nasagap ko, tinanggal na ang MaThon sa lahat ng promo ng And The Breadwinner Is...
Baka raw magsalita si Vice Ganda tungkol dito sa mediacon ng pelikula mamaya.
Ang hindi pa maganda rito, nadadamay ang ibang walang kinalaman sa isyu. May mga naakusahan pang "cheater" kasama si Anthony.
May ilan ding artistang nakahinga nang maluwag dahil hindi na sila napapansin sa ngayon at na-spare sa bashing at pang-aalipusta.
Pero ang isa sa aabangan natin sa mga susunod na araw, may magsasampa ng complaint sa korte dahil sa pagpu-post ng panghuhusga sa karakter ng ibang hindi naman dapat madamay.
Read: Did Vice Ganda react to Jamela Villanueva's exposé on Instagram?