PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX actor Victor Relosa: "I was raped by a priest."

Victor Relosa, hindi na nagsisimba dahil sa nangyari sa kanya.
by PEP Troika
Published Dec 5, 2024
victor relosa underarm
Victor Relosa on being a rape victim at a young age: "Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e. Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon? Parang it will take you time talaga. Matagal! Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit dun sa tao, sa nangyari."
PHOTO/S: Victor Relosa Facebook

Trigger Warning: Mention of rape, sexual abuse

JERRY OLEA

Dalawang taon na sa VMX (dating Vivamax) si Victor “VR” Relosa.

Kabilang sa mga proyekto niya sa VMX ang Litsoneras, Kamadora, Kabit, Kahalili, Lagaslas, Paluwagan, Palipat-lipat, Papalit-palit, Sila Ay Akin, Rita, Secret Campus, Halo-halo X, at ang Mama’s Boy na mag-i-streaming sa Disyembre 31, 2024.

mama's boy vmx
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tuwi-tuwina ay naka-plaster si Victor sa maseselang eksena, maliban doon sa Kabitan kung saan naka-prosthetic na ari siya.

Read: Victor Relosa na-weirduhan sa paggamit ng prosthetic sa pelikula

May nag-take advantage ba sa kanyang babaeng kaeksena?

“Wala naman po, wala naman po,” tugon ni Victor nang makatsikahan ng PEP Troika sa Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong Disyembre 2, Lunes, sa Rampa drag club, Quezon City.

“So far, close ko naman lahat ng nakatrabaho ko. Nakakabiruan ko naman lahat. Wala namang mga awkward.”

Dahil sa paghuhubad niya sa VMX, may mga bading bang fans na humaharot sa kanya?

“Madami po. Sa social media po, minsan pag sobrang aggressive yung approach nila, actually minsan hindi ko na lang po nire-reply-an,” lahad ni Victor.

“In person naman po, ano lang, hindi ko naman sila iniisnab pero siguro naglalagay lang po ako ng konting wall.

“Na parang siguro dinadaan ko na lang sa biro para mawala po yung awkwardness, na parang eto lang ako, masaya, bibiruin kita ng ano ba, yung naughty na joke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gagawin kong joke yung naughtiness niya. Ganun lang po.”

Read: Victor Relosa-Benz Sangalang silent feud over Vivamax King title

VICTOR RELOSA ALSO A VICTIM OF SEXUAL ABUSE

Isiniwalat nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, Enzo Almario, at isang unnamed talent ng TV5 na hinalay umano sila ng mga bading na taga-TV industry.

May ganoon ba siyang karanasan na naging biktima siya ng pang-aabuso?

“Sa industry, so far, wala pa naman po. Kasi ewan ko, feeling ko, parang lahat sa industry, kaibigan ko,” pagtatapat ni Victor.

“Wala pong nag-a-attempt na gawin. Siguro sa umpisa parang magiging naughty yung approach sa akin.

“Pero parang pag nakakausap ko na, parang wala, nagiging kaibigan ko po lahat.

“Pero before ako pumasok sa pag-aartista, opo, meron. Actually po… sabihin ko ba? Ahhhh… the reason why hindi po ako…

“Ano po ako, Christian po ako pero hindi po ako nagtse-church. Kasi, I was raped by a priest.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Mga kaso ni Sandro at ng TV5 researcher, umakyat na sa DOJ

victor relosa
Photo/s: Victor Relosa Facebook

NOEL FERRER

Nagse-serve dati si Victor Relosa sa simbahan.

Taong 2011 nang molestiyahin umano siya ng pari.

“Grade 6 or first year high school po yata ako noon,” malumanay na pagsisiwalat ni Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s the reason kung bakit hindi na po ako pumupunta ng simbahan. Pero nagdadasal po ako. Maka-Diyos po ako, hindi lang po ako maka-simbahan.”

Nagsumbong ba siya noon? Nagreklamo?

“Mahirap po pag bata ka, lalo na po independent po ako. So, wala po akong matakbuhan.

“Wala po akong malapitan. So, sinarili ko na lang,” sabi ni Victor.

Nasaan ang ama at ina niya noon? Ang kanyang pamilya? Sino ang kasama niya sa buhay?

“Independent po ako since 12, e. Wala na po akong kasama. May kani-kanya na pong family yung parents ko,” saad ni Victor.

“Sila naman po ang nagbabayad sa tinutuluyan ko. Simula 12 years old, mag-isa na po ako.”

Wala siyang mapagsumbungan noon?

“Wala po. Kahit relatives, pinsan, tito, tita, wala po akong kakilala, e. Mom and dad ko lang po yung kakilala ko,” sabi ni Victor.

“Kasi parang hindi OK yung sides nila, so inilayo nila ako sa lahat. So, lumaki akong silang dalawa lang ang kakilala ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nung naghiwalay sila, wala po akong relatives na nalalapitan.”

Read: Enzo Almario, umaming biktima ng rape sa edad na 12

GORGY RULA

Na-trauma ba siya sa panghahalay ng pari noong bagets pa siya? Kung na-trauma siya, paano niya iyon nalampasan?

“Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e,” sagot ni Victor Relosa.

“Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon?

“Parang it will take you time talaga. Matagal! Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit dun sa tao, sa nangyari.

“So, hindi ko na din po alam pero kasi ako, sobra akong mapagpatawad na tao. Kaya ayun na lang po siguro.

“Parang nakalimutan ko na lang siya over time. Pero hindi na talaga ako nakabalik ng simbahan.

“Parang feeling ko, pag pumupunta ako ng simbahan, lalo lang akong napapalayo sa Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

PART OF HIS UGLY PAST

Naisip ba niyang ireklamo iyong pari ngayong nasa edad na siya?

Si Gerald Santos, 15 anyos lang daw siya nang halayin ng musical director na si Danny Tan labinsiyam na taon na ang lumipas.

Si Enzo Almario, dose anyos pa lang daw nang paulit-ulit umanong abusuhin noon ni Danny Tan, pero umamin lang matapos pag-usapan ang sinapit nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at isang unnamed talent ng TV5.

Hahabulin pa ba niya iyong pari? O tapos na iyon para sa kanya?

“Para sa akin po, masyado po akong busy sa lahat ng blessings na dumadating po sa buhay ko para balikan pa iyong mga pait ng nakaraan,” pagngiti ni Victor.

“So OK na po. Napatawad ko naman na po siya.”

Read: Lloyd Samartino reveals past experience of sexual harassment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Victor Relosa on being a rape victim at a young age: "Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e. Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon? Parang it will take you time talaga. Matagal! Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit dun sa tao, sa nangyari."
PHOTO/S: Victor Relosa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results