JERRY OLEA
Kaakit-akit si Maris Racal at sakdal kisig si Anthony Jennings sa mediacon ng Kapamilya series na Incognito noong Nobyembre 29, 2024, Biyernes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City.
Noong gabing iyon ay sinagot ni Anthony ang tanong ng vlogger na si Allan Sancon (StarsPhotog) kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kasintahang si Jamela “Jam” Villanueva.
Read: Anthony Jennings confirms breakup with non-showbiz girlfriend
Nag-post ang Star Creatives sa Facebook, “Step into the world of INCOGNITO with Maris Racal in a role brimming with charm and mystery. Don’t miss your chance to see her in action — it’s a performance you won’t want to forget.”

Disyembre 1, Linggo, poster reveal ng MMFF 2024 entry na And The Breadwinner Is… sa Enchanted Kingdom.
Facebook post ng Star Magic, isang enchanted evening iyon para kina Maris, Anthony, at iba pang cast members ng movie.

Disyembre 3, Martes, nagserye ng Instagram stories si Jamela kaugnay sa last three months ng seven-year relationship nila ni Michael (tawag niya kay Anthony).
May screen shots. Payanig ang ilang parirala, sugnay, at pangungusap. Nakakapanginig. Makadurog-puso.
Read: Anthony Jennings, Jamela Villanueva, Maris Racal: The unfinished tale of a messy breakup
Facebook post nina Atty. Jesus Falcis at Atty. Joji Alonso, maaaring may nilabag na batas si Jamela sa paglalathala ng screenshots ng private conversations nina Maris at Anthony.
Read: Jamela Villanueva, lumabag ba sa Data Privacy Act?
Shoutout ni Paolo Paraiso sa FB, “Cyber libel & data privacy violation ang katapat nun… Kaya think before you click mga beh.”
May mga nag-uudyok na idemanda nina Maris at Anthony si Jamela.
Sakaling kasuhan ni Maris o Anthony si Jamela, siguradong lalong magliliyab ang isyu.
ELEPHANT IN THE ROOM
Hayan nga at naligwak sina Maris at Anthony sa grand mediacon ng And The Breadwinner Is… nitong Disyembre 5, Huwebes, doon din sa Dolphy Theatre.
Read: Maris at Anthony, di dadalo sa presscon ng And The Breadwinner Is
Conspicuous ang kanilang absence. Parang isang adult elephant sa loob ng venue.
Bago ang open forum ay ipinalabas ang AVP (audio-visual presentation) ng reveal ng official poster ng movie. Andoon sina Maris at Anthony.
Ipinalabas din ang full trailer, at andoon din ang MaThon.
Sa Q&A, binasa ng host na si MJ Felipe ang pre-approved questions. Pinalusot ang tanong kay Vice kung ano ang masasabi niya sa MaThon tandem.
Habang nagsasalita si Vice tungkol kina Maris at Racal, seryoso ang iba pang nasa panel.
Anu-ano kaya ang naglalaro sa kamalayan nina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Kokoy de Santos, Via Antonio, Malou Crisologo, MC & Lassy, at Direk Jun Robles Lana?
Nagme-method acting ba sila?
Tumakbo ba, lumakad, sumirko o gumapang sa balintataw nila ang iconic lines ni Maris?
“Sarap/ But I’ll touch myself na lang/ Haha”
Sa pagtatapos ng open forum, binanggit muli ni Vice ang names nina Maris at Anthony.
Ngayong Disyembre 6, Biyernes, ay nagsalita na si Maris kaugnay sa isyu.
Magsasalita rin kaya si Anthony?
Read: Maris Racal breaks silence after expose of Anthony Jennings' ex-girlfriend
MARIS AND ANTHONY TO SKIP MMFF 2024 ACTIVITIES?
Inaasahan nating absent din sina Maris at Anthony sa general presscon ng MMFF 2024 ngayong Biyernes sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
What about sa Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino sa Disyembre 15, Linggo, sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace?
E, sa MMFF 2024 Parade of Stars sa Disyembre 21, Sabado, na mag-uumpisa sa Kartilya ng Katipunan malapit sa City Hall, at magtatapos sa National Museum?
At sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal sa Disyembre 27, Biyernes, sa Solaire Hotel sa Parañaque?
FB shoutout ni Khalid Ruiz, “Yung kaibigan kong ang daming ambag na opinion about sa cheating issue ni Maris. Eh kung yung Screenshot ng utang mo ang ilabas ko?”
GORGY RULA
Samu’t sari ang opinyon ng sambayanan, na akala mo national issue at keber na sila sa totoong mga problema ng bansa.
Marami ang nagbibigay ng komento kahit hindi nila kilala sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Pero ayon sa mga napapagtanungan ko, kapansin-pansin na raw ang closeness at sweetness ng dalawa sa set ng taping sa Incognito, at kahit sa shooting nila sa And The Breadwinner Is…
Nakakantiyawan na raw silang dalawa at alam ng lahat na hindi pa break sina Anthony at ang non-showbiz girlfriend, at kabi-break lang noon ni Maris kay Rico Blanco.
Naikukumpara tuloy silang dalawa sa tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco.
Bakit maayos naman daw ang relasyon nila bilang magka-loveteam, at nanatili pa ring maganda ang totoo nilang karelasyon?
Read: John Arcilla, Rica Peralejo react to Maris-Anthony controversy
NOEL FERRER
People would always like to think that they’re better than everyone else kaya they’re so quick to throw comments like those.
Nakakalungkot lang kasi imbes na maayos at mapabuti ang lagay ng mga bagay-bagay, mas nagagatungan at napapalala pa.
Malinis tayo, teh?
Kung wala rin lang tayong maidadagdag sa pagpapalinaw at pag-aayos ng isyu, paunlarin na lang natin at ayusin ang ating mga buhay. Sana.
Read: Maris-Anthony-Jamela-Rico issue, pinagpipistahan ng netizens
