JERRY OLEA
Ginalingan!
Ang galing-galing ng ABS-CBN sa crisis management!
Iyan ang sumaisip ko matapos ang magkasunod na public apology nina Maris Racal at Anthony Jennings nitong Disyembre 6, 2023, Biyernes.
Disyembre 3, Martes, nagserye ng Instagram stories ang ex ni Anthony, na si Jamela “Jam” Villanueva, kaugnay sa last three months ng seven-year relationship nila.
Hitik, siksik, liglig, at nag-uumapaw ang iconic lines sa screenshots ng conversations ng MaThon, na nagawan agad ng kanta.
Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

Maski ang Pambansang Bayani na si Jose Rizal ay naikonek sa “that was so hot” issue.
Ang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere (1887) ay nasa wikang Latin, na ang kahulugan sa English ay “Touch Me Not.”
Jose Rizal is to "Touch Me Not" as Maris Racal is to "I’ll Touch Myself Na Lang."
Ang legal opinion ng mga eksperto na inalingawngaw ng mga uzi, puwedeng kasuhan ni Maris o Anthony si Jam ng paglabag sa Data Privacy Act.
Sakaling ginawa iyon ni Maris o Anthony, it would have been such a jam!
Parang sila na mismo ang nagpukpok ng huling pako sa kani-kanyang kabaong! O kaya’y binuhusan ng gasolina ang maalab na usapin para lalong lumagablab!
ANO ang dapat gawin ng Kapamilya management upang maapula ang “sunog”?
At KAILAN dapat iyon isakatuparan?
Read: Jamela Villanueva, lumabag ba sa Data Privacy Act?
Maris & anthony: HANASH NG MGA "NAGMAMAR" AT "NAGMAMAG"
Disyembre 5, Huwebes ng gabi, ang grand mediacon ng pelikulang And The Breadwinner Is… kung saan tampok sina Maris at Anthony.
May mga nagmamar (as in nagmamarunong) at nagmamag (as in nagmamaganda) na ang hanash, dapat tanggalin ang mga eksena nina Maris at Anthony sa movie.

Dapat daw i-reshoot. Ipalit daw si Fyang kay Maris. Bahala na raw kung sino ang ipalit kay Anthony.
HELLO love goodbye?! HELLO love again?!
Oo, kasama si Anthony Jennings sa dalawang KathDen movies pero HELLO young lovers!
Nakaka-HILO ang ganyang mungkahi! Hindi feasible!
Sa Disyembre 25 na ang umpisa ng golden edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Wala nang oras para mag-reshoot.
Read: Maris at Anthony, di dadalo sa presscon ng And The Breadwinner Is
crisis management: THE KIT THOMPSON INCIDENT
Matatandaan na noong Marso 2022, pumutok ang bugbugan issue nina Kit Thompson at Ana Jalandoni.
All set na ang streaming sa Puregold YouTube channel ang online series na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask, kung saan si Kit ang leading man ni Herlene Budol aka Hipon Girl.
Itinapon lahat ng eksena ni Kit. Ni-reshoot ni Joseph Marco.
Maging sa Kapamilya series na Flower of Evil, tsinugi ang mga eksena ni Kit. Ni-reshoot ni JC de Vera.
Read: Kit Thompson, kumpirmadong pinalitan sa dalawang proyekto matapos masangkot sa isyu

Sa kaso ng And The Breadwinner Is…, gahol na sa oras. Hindi puwedeng mag-reshoot.
It’s a no-brainer, baby kisses — hindi dapat masilayan ang anino nina Maris at Anthony sa grand mediacon ng And The Breadwinner Is…
Inaprubahan ng management na matanong ang bidang si Vice Ganda kaugnay sa participation ng MaThon sa movie.
Sa pagtatapos ng open forum ay binanggit pa rin ng Unkabogable Superstar na kasama sina Maris at Anthony sa cast.
Read: Vice Ganda on Maris-Anthony teamup: "Charming naman talaga sila."
At kinabukasan, magkasunod na binasag nina Maris at Anthony ang kani-kanyang nakabibinging katahimikan.
Pareho silang nag-sorry. Kapwa umamin na nagkamali. Pero mas ginawang kontrabida ang lalaki kesa sa babae siguro dahil mas patatawarin ng publiko ang lalaking nagtwo-timing kesa sa babaeng nang-agaw.
Ngayon ay inaasahan ng management nilang mananahimik na ang lahat.
Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex
Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva
THE LOLIT SOLIS INCIDENT
Naalala ko si Manay Lolit Solis. Hindi lang national kundi international issue ang Manila Film Festival Scam noong Hunyo 1994.
Sa awards night ng Manila Film Festival tatlong dekada na ang nakalipas, ini-announce ng presenters na ang best actor at best actress ay sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez, respectively, para sa pelikulang Loretta.
Pero ang tunay na winners ay sina Edu Manzano at Aiko Melendez.
Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz

Galit na galit noon ang taumbayan kay Manay Lolit, na siyang talent coordinator sa nasabing awards night.
Take note na noong Hunyo 1994 ay hindi pa uso ang internet sa Pilipinas.
Hindi pa rin uso noon ang cellphone. Wala pang social media.
Ang mayor noon ng Maynila ay si Alfredo Lim, at ang vice-mayor na si Lito Atienza ay naatasang mamuno sa imbestigasyon.
Eventually ay naging mayor ng Maynila si Lito Atienza for three terms, at naging magkaibigan sila ni Manay Lolit.

Sa pa-Christmas lunch ng BUHAY Partylist nominees na sina Mayor Lito at Caloy Sario noong Disyembre 4, Miyerkules, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City kung saan dumalo si Manay Lolit, ginunita ni Mayor Lito ang ilang kaganapan kaugnay sa MFF Scam.
Aniya, upang hindi mabatukan si Manay Lolit ay pinalibutan ito ng mga bodyguard at pinadaan sa sikretong lagusan sa Manila City Hall.
Inako ni Manay Lolit ang pagiging mastermind sa filmfest scam. Nag-sorry siya.
May mga kuwestiyon noon sa public apology ni Manay Lolit, kung paanong may mga kuwestiyon ngayon sa public apology ni Maris. May mga butas sa kuwento.
Humupa noon ang galit ng taumbayan kay Manay Lolit, at naging host ito ng Kapuso showbiz talk show na Startalk mula Oktubre 1995 hanggang Setyembre 2015.
Nag-umpisa ang Startalk na ang hosts ay sina Manay Lolit, Boy Abunda, at Kris Aquino.
Nag-over da bakod sa ABS-CBN si Kuya Boy at Kris, at kung sinu-sino pa ang naging hosts ng Startalk pero nanatiling bahagi ng programa si Manay Lolit.
Balik-Kapuso na si Kuya Boy, at sa programa niyang Fast Talk with Boy Abunda ay may puna siya sa public apology ni Maris.
Susundan kaya ni Maris o ni Anthony ang mga yapak ni Manay Lolit?
Makailang ulit sinabi ni Manay Lolit na mapagpatawad ang mga Pilipino basta marunong kang umamin ng pagkakamali.
Nagtangkang magpakamatay si Manay Lolit noong kasagsagan ng usapan sa filmfest fiasco, pero nakaligtas siya at namayagpag kapagkuwan sa telebisyon.
What the smoke then f*ck?!
Read: Lolit Solis looks back on Manila Film Festival 1994 scam she masterminded
NOEL FERRER
Nag-sorry na si Maris Racal nang maayos.
At si Anthony Jennings na sana, taos. Malaki ang inaasahan sa kanyang pagbabago.
Ano pa ang expectation ng publiko?
Wala na silang dapat ipaliwanag. Personal na nilang mga hakbang ang dapat pairalin.
Tayo naman, buhay na natin ang dapat atupagin.
Case in point: si Rico Blanco nga na sangkot sa masalimuot na relasyon noon ay nagawang manahimik at mamuhay nang maayos, tayo pa bang onlookers ang may K na sumawsaw sa isyu?
If we demand maturity from these celebs, di ba tayo, kailangang mag-exhibit din ng parehong maturity na ine-expect natin sa mga artista’t public figures?
Read: Rico Blanco, walang inilalabas na statement sa isyu ni Maris
GORGY RULA
Iyon naman talaga dapat, e.
Harapin ang isyu. Magsalita. Huwag iwasan.
Bilang isang celebrity na mayroong tumitingala sa iyo at iniidolo ka, dapat ipakita mo rin kung paano mo haharapin at iha-handle ang ganitong sitwasyon.
Hindi puwedeng iwasan. Hindi puwedeng ipakiusap sa interviews na huwag itanong. Hindi ganoon!
May ginawa kang kasalanan at nalaman ito ng mga tao. Dapat mong ipakita sa lahat kung paano mo ito ireresolba at tatapusin.
Dito sa isyu ng MaThon, hindi naman sa kanila lang ito nangyari.
Kahit sa mga simpleng tao ay may gumagawa rin nito. Baka nga mas malala pa. Hindi nga lang interesado ang publiko.
Pero kung may pagkakataong mabago, ihingi ng tawad at huwag na sanang gawin uli, may dating yun sa tao.
Nagsalita na sina Maris at Anthony.
Puwedeng tapusin na ito. Maging abala na tayo sa darating na Pasko.
Next issue, please!
Ewan ko kung puputok ang isang panibagong eskandalo kung hindi maayos ito ng dalawang taong involved.
Huwag lang sana umabot sa demandahan.
Iyan ang ating aabangan! Stay tuned, baby kisses!
Read: Maris Racal apology video, mas nag-iwan ng katanungan sa publiko