PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga at Mikee Morada, priority pa rin ang magka-baby

Alex Gonzaga, kinukumbinsing makipag-collab si Gretchen Barretto.
by PEP Troika
Published Dec 8, 2024
alex gonzaga mikee morada
Mikee Morada on wife Alex Gonzaga's vlogging: “Ako, natutuwa ako, minsan sumasama ako e. Parang yung kay Joseph the Explorer sa Bohol. Kasi, yung friendship niya… mahilig itong makipagkaibigan, e. So more than the collab, yung relationship niya, nae-establish niya. Ang dami niyang nagiging kaibigan.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Matagal nang hindi nakakatsikahan ng media si Alex Gonzaga.

Mabuti at dumalo sila ng husband niyang si Mikee Morada sa Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong December 2, 2024, Lunes, sa RAMPA drag club.

“Thank you at naimbitahan kami dito. At least ngayon, kasama ko ang asawa ko, di ba?” sambit ni Alex.

“First time ko yatang naipakilala siya sa mga taga-SPEEd, sa mga press people, sa editors ang asawa ko.

“Kasi nagpakasal kami, pandemic!”

Sambit ni Mikee, “2020, sa bahay lang.”

Read: Alex Gonzaga recounts pain of recurrent miscarriage after IVF

ALEX GONZAGA AS A SUPPORTIVE WIFE

Mas focus ngayon si Alex sa…

“As a wife. As a wife, sa gabi rin.

"Sa umaga, as a supportive wife. Sa gabi, as a supportive wife!” bulalas ni Alex habang pangiti-ngiti ang kayakap na hubby.

Mas behaved na ba ngayon si Alex, considering na pumapasok sa pulitika si Mikee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, siyempre, behaved na nga ako,” sey ni Alex.

Sundot ni Mikee, “Kasi si Alex will always be Alex, 'no. I think mas careful naman siya ngayon. Wala naman, OK lang yon.”

Hirit ni Alex, “Sa kanya na lang ako nagiging naughty! Hi! Hi! Hi! Oo, ganun!”

Read: Alex Gonzaga: missteps, misjudged?

GORGY RULA

Gaya ng kanyang ate na si Toni Gonzaga, mas nagpo-focus ngayon si Alex Gonzaga sa pagba-vlog.

Tinanong ng PEP Troika si Alex kung meron ba silang collaboration ni Gretchen Barretto.

“Hopefully, sana ma-convince ko na talaga si La Greta na mag-vlog kami. Pero nag-start na kami na magkausap.

“Tapos nag-invite ng una muna merienda, tapos kasunod dinner. Pero ano naman, nagulat ako na sobrang down-to-earth ni Ms. Gretchen, sobrang bait.

“Akala ko kasi… tinext niya ako, ‘I’ll call you after my workout.’ Sabi ko, ‘Ay! Baka hindi na ito tumawag.’

“Tapos nagulat ako, tumatawag talaga. Hala! ‘Naku, Ms. Gretchen nahihiya po akong kausapin ka.’ ‘No, ano ka ba, kausapin kita,’ sabi niya,” masayang tsika ni Alex.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maliban kay Gretchen, marami pang gustong maka-collab si Alex.

Read: Alex Gonzaga reveals she got a nose job

MIKEE MORADA AS A SUPPORTIVE HUSBAND

Natutuwa si Mikee dahil nabubuo ni Alex ang magandang friendship sa mga nakaka-collab nito.

Pagtatapat ni Mikee, “Ako, natutuwa ako, minsan sumasama ako e. Parang yung kay Joseph the Explorer sa Bohol.

“Kasi, yung friendship niya… mahilig itong makipagkaibigan, e. So more than the collab, yung relationship niya, nae-establish niya. Ang dami niyang nagiging kaibigan.”

Ang isang ikinatuwa ni Alex nang lubos sa kanyang asawa, parang reporter daw ito sa galing mag-search ng mga bagong isyu.

Minsan ay ifinorward daw sa kanya ni Mikee Morada ang nai-post sa Facebook na "Best Lifestyle Vlogger." No. 3 daw si Alex sa kategoryang Collaboration.

Hindi kami tiyak kung legit ang survey na yun. Pero happy si Alex sa ganoong suporta ng kanyang asawa.

Nakikita raw ni Alex kung gaano ka-proud si Mikee sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Mikee, “Kasi nakita ko kung papano niya inumpisahan yung vlog, e, nung nanliligaw pa lang ako. Yun ang pinakauna niyang vlog hanggang ngayon.

“Siya pa rin ang nag-e-edit, inuupuan niya lahat. Pag nakita mo yun, talagang mapa-proud ka talaga sa kanya.”

ALEX AND MIKEE STILL TRYING TO HAVE A BABY

Dahil sa pagba-vlog ay medyo namimili ng projects si Alex. Maraming offers ang tinanggihan niya?

Pahayag ni Alex, “Siyempre thankful pa rin tayo [sa offers] pero ang iniisip ko na rin ngayon is kunyari yung aalis, siyempre yung asawa ko.

“Iisipin ko lagi ang asawa ko saka siyempre, we’re trying to have a baby.”

Singit ni Mikee, “Yun ang priority talaga.”

Dagdag ni Alex, “So, ayokong mawala sa focus. So yun muna… starting a family, building a family. So medyo mahirap pa talaga pagsabayin lalo na sa mga circumstances.”

Read: Alex Gonzaga details Mikee Morada's reaction after learning about their failed IVF

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa vlogging muna naka-focus si Alex Gonzaga, at gusto rin niyang maglaan ng oras sa kandidatura ni Mikee bilang vice-mayor sa Lipa City, Batangas.

Saad ni Alex, “Si Mikee naman kasi, pag alam niya meron akong gagawin sa vlog, pag busy ako, pag kailangan ako sa ano namin sa family, hindi naman siya ma-demand din.

“Kaya mas gusto mo siyang tulungan kasi hindi siya ma-demand. So, mas kusa kong gustong pumunta ng Lipa, tulungan siya.”

Katiket ni Mikee si Vilma Santos at ang mga anak nitong sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Read: Vilma Santos, sinagot ang isyu ng political dynasty

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Morada on wife Alex Gonzaga's vlogging: “Ako, natutuwa ako, minsan sumasama ako e. Parang yung kay Joseph the Explorer sa Bohol. Kasi, yung friendship niya… mahilig itong makipagkaibigan, e. So more than the collab, yung relationship niya, nae-establish niya. Ang dami niyang nagiging kaibigan.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results