GORGY RULA
Ganoon pa rin ang sagot ng mga taga-GMA 7 na nakausap ng PEP Troika kaugnay sa pangungulit namin tungkol sa renewal ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa Kapuso network.
Hanggang sa pagpa-follow up namin nitong Martes, Disyembre 10, 2024, sinabi nilang "under negotiation" pa rin daw ito.
Ongoing pa rin daw ang negotiation, sabi rin ng senior vice-president ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Read: It's Showtime, under negotiation pa ang renewal sa GMA Network
Ang isa raw sa mga dahilan kaya nade-delay ang negotiation ay ang data ng November 2024 na last week lang daw nila nakuha.
Pagkatapos nilang makuha ang data ng November 2024, saka raw sila babalik para ituloy ang negotiation.
Wala pang katiyakan kung magkakaroon ba ng renewal ang It’s Showtime.
Hanggang end of December 2024 na lang ang kontrata ng Kapamilya noontime show.
Dapat, sa January 2025 ay malinaw na kung anong pantanghaling programa ang mapapanood natin sa GMA-7.
Ang It's Showtime ay ang 15-year-old noontime show ng ABS-CBN na nagsimulang umere sa GMA-7, bilang blocktimer program, noong April 6, 2024.
Ang programang hinu-host nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, at marami pang iba, ang pumalit sa timeslot na inokupa ng Tahanang Pinakamasaya (dating Eat Bulaga!) ng TAPE, Inc.
Ang TiktoClock naman ang station-produced variety program ng GMA-7 na hinu-host nina Pokwang, Kim Atienza, Jayson Gainza, Faith Da Silva, at Herlene Budol.
Nagsimula itong umere, bilang pre-programming ng original Eat Bulaga!, noong July 25, 2022.
Read: Kim Atienza: "Network wars bring nothing but hatred between fans."
KUYA KIM ATIENZA ON RUMOR TIKTOLOCK WILL TAKE OVER IT'S SHOWTIME TIMESLOT
Tamang-tama namang humarap si Kim Atienza sa ilang miyembro ng entertainment media nang mag-renew siya ng kontrata bilang endorser ng Sante Barley nitong Martes.
Sa posibleng pagsalo ng TiktoClock sa timeslot ng It’s Showtime, sumagot pero pa-safe si Kuya Kim.
Aniya, “As far as TiktoClock is concerned, ang TiktoClock is… we do our best every day.
“Siguro kaya nasasabi na kami ang papalit et cetera, dahil yung hitsura ng show, parang noontime ang dating e. Kasi pre-noontime show siya, e.
“As far as kami ba ang papalit o hindi, we know that everything is under negotiation. Our bosses are talking.
“The bosses of ABS, the bosses of GMA are talking. Everything is under negotiation.
“And us in TiktoClock, we don’t know how the negotiations are.
"We wish the best for everyone and for the television. Hindi namin alam.”
Sinasabi ng ilang taga-TiktoClock na happy na sila sa kanilang timeslot ngayon. Mas less ang pressure at stress kumpara kung maging noontime show sila.
“Lagi naman kaming happy, e. Ang selling point ng TiktoClock, masaya kami palagi.
“Basta happy kami palagi,” nakangiting sabi sa amin ni Kuya Kim.
Ang ganda pa naman ng title ng bagong show ni Kuya Kim na Ang Dami Mong Alam, Kuya Kim.
Pero pagdating dito sa isyu ng It’s Showtime at TiktoClock, tila wala siyang masyadong alam.
Read: It's Showtime, papalitan ng TiktoClock sa GMA-7 noontime slot?
JERRY OLEA
Magpi-58 years old na si Kim Atienza sa Enero 24, 2025.
Malapit-lapit na siyang maging senior citizen. Mag-i-slow down na ba siya sa pag-e-exercise?
“Nagbago ang diet ko because I didn’t want to have another stroke,” pahayag ni Kuya Kim.
“Pag nagka-stroke ka, ayaw mo nang maulit. And way to avoid it is really preventive. Good lifestyle, a lot of exercise, rich in fiber food which is Sante Barley.
“Good nutrition. And controlled eating. I control my sugar also, e.
“And then as far as exercise is concerned, it’s old thinking to say na pag matanda ka na, therefore you have to slow down your exercising. That’s not true.
“Hindi! That’s not true! Kapagka habang tumatanda tayo, the more we should exercise para bumagal ang pagiging matanda natin.
“But we just have to be smart about our exercising. Pag edad natin, late 50s, edad ko, late 50s, kinakailangan strength, mobility, flexibility ang focus.
“Para… alam mo, yung ibang matatanda, hukluban, kasi wala nang core. Dapat ang core natin, pinalalakas natin. Kaya yung matatanda na fit, mukhang bata among other things.
“More functional, more mobile, more flexible. The older we get, the more we should exercise — but smarter.
“Hindi na tayo puwedeng tumalon doon sa gym at magbuhat kaagad. Mas mahaba na ang warm up natin.
“Ang form natin, mas conscious tayo dahil hindi tayo puwedeng magkamali, pero ang intensity natin, mas mataas.
“Yung sinasabing, ‘Baka magkasakit ka sa puso,’ mas magkakasakit ka sa puso kung hindi ka mag-e-exercise.”
Read: Kim Atienza defends daughter's involvement in protests

NOEL FERRER
Happy lang si Kuya Kim Atienza sa magaganda niyang shows sa GMA-7, at tuluy-tuloy pa rin ang mga endorsement na ipinagkatiwala sa kanya.
Aniya, “As far as what I’m feeling, I’m feeling blessed dahil ang trabaho ko ay napakaganda at napakadalas.
“I’m feeling blessed because may Sante family ako, Sante endorsement, and other endorsements that have been quite good as well.
“I’m feeling blessed because my family will be together, we will be going to the States to meet my two kids who are in America.
“We’ll spend Christmas together. So God has been good to me. I’m feeling good.”
Read: Why Kuya Kim Atienza wears beret in new GMA-7 show
NOT RETIRING FROM TELEVISION, SAYS NO TO POLITICS
Ayaw ni Kuya Kim na tumigil sa pagtatrabaho kahit mag-retire na siya.
Sabi ni Kuya Kim, “I still want to be in television and in the public eye in my waning years. Maybe I’ll lessen the frequency, maybe I’ll have one TV show.
“Or a podcast. I have to keep on doing this. I love television. And I’d love to be on television as long as I can.”
Minsan pang inayawan ang pagbabalik niya sa larangan ng pulitika. Twenty years ago pa raw sinabi ni Kuya Kim na tapos na siya roon.
“When I started out on television, si Leah [Salterio] asked me and other people as well, my friends in the press, ‘Baka naman ginagamit mo lang ang telebisyon dahil magpupulitiko ka?’
“It’s been 20 years, yun pa rin ang tanong hanggang ngayon. When people ask me whether I want to be in politics — I do not like politics.
“I come from a family of politicians, I like to watch politics, I’m a good political analyst because I come from a political family.
“I know how things are going to go because I was once immersed in it. But as to get into it again, I’d rather be your Kuya Kim than your Mayor Kim or Congressman Kim or Senator Kim.
“Mas masarap. At mas tunay ang samahan.”
Ang ama ni Kuya Kim ay ang dating mayor ng Maynila na si Lito Atienza.
