PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal, nadagdagan ang appeal sa kalalakihan dahil sa issue

Judy Ann Santos, sanay sa loveteams na nagkakainlaban.
by PEP Troika
Published Dec 12, 2024
maris racal judy ann santos
Maris Racal's (left) showbiz career may take a different path after her controversy with loveteam partner Anthony Jennings; Judy Ann Santos (right), on the other hand, empathizes with new generation of loveteam partners because of the presence of social media and gadgets.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

May malisya ang dating sa akin ng sinabi ng isang sikat na aktor na okay lang na makasama niya si Maris Racal sa susunod na pelikulang gagawin niya.

Ayon sa sikat na aktor, parang iba na ang dating ngayon ni Maris pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Anthony Jennings.

Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex

Kasi sa totoo lang, ayon sa mga kalalakihang nakausap ko, parang umuusok ang kaseksihan ni Maris, lalo na noong napanood nila ang trailer ng Incognito na naka-two-piece bikini siya na kuha sa Italy.

maris racal incognito
Maris Racal in Incognito
Photo/s: ABS-CBN Entertainment YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang lakas daw ng dating ng kontrobersiyal na aktres at parang nadagdagan ang sensuality nito.

Sa mata ng ilang kalalakihan ay iba ang kaseksihan ni Maris.

Kaya posibleng mabago ang takbo ng showbiz career ni Maris at maging positibo ang buwelta ng negatibong isyung kinasangkutan niya.

Kung ma-handle lang siguro nang maayos, posibleng makabawi si Maris dito, at makatulong pa ito sa kanyang career.

Ano sa tingin ninyo, mga ka-Troiks?

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

JUDY ANN SANTOS: ON lOVETEAMS WHO TURN INTO LOVERS

Napag-usapan namin ni Judy Ann Santos sa nakaraang media conference ng Espantaho ang tungkol sa mga loveteam na nagkaka-debelopan at nagkakainlaban.

Matagal siyang napatingin sa akin.

“Ako pa ba ang hindi makakaintindi diyan? Nakailang beses kang… ay tapos na yun?” bulalas ni Juday.

“Mapagdadaanan niyo talaga yun, e. Kasi wala kayong choice.

"You always see each other. Nagpo-promote kayo. And then yung network will have to tell you na, 'O kailangan mas-sweet pa kayo, ha?' May ganun!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I mean, let’s be blunt. Kasi binebenta niyo yung pelikula niyo, hanggang sa maging natural na yung sweetness niyo kasi kayo na ang nagkikita araw-araw.”

Ayaw na lang daw balikan pa ni Judy Ann ang naranasan niya noon sa pakikipag-loveteam, kung saan na-in love siya at meron ding tila umasa lang siya.

Ang ilan sa mga naka-loveteam noon ni Judy Ann ay sina Wowie de Guzman, Rico Yan, at Piolo Pascual.

Read: '90s Love Teams: Where are they now?

judy ann santos for espantaho
Judy Ann Santos in Espantaho
Photo/s: courtesy of Rommel Gonzales
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang kaibahan siyempre ng mga loveteam nina Judy Ann Santos noon ay walang mga chat na nai-screen grab.

Walang video o pictures na bigla na lang nabubunyag sa publiko at pinagpipiyestahan ng lahat.

“Wala! Ano lang yun! Pocketbell lang at saka Easy Call, beeper lang. E, yung beeper, hindi ka naman puwede magsabi ng mga malalaswang salita,” saad ni Juday.

“Oh yes! I feel for this generation now, you really have to be very careful.

"Kasi, anything can really happen. You have to be very disciplined.

"Alam mo dapat ang ginagawa mo at kaya mong panindigan kung ano man yung mangyari.

“It’s just that… sabi ko pag nag-uusap kaming magkakaibigan, nakakatakot na itong panahong ito.

“Dati yung blind item… hindi na nga mabubuntis yun, kasi magazine at tabloid, di ba? Wala namang ise-search.

"Ngayon pag tinayp mo na, dayyyy, nakaka-tense nakakapag-palpitate. Pero sana, di ba? Let’s all be kind!” natatawang pahayag ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Judy Ann Santos recounts overcoming a tough chapter in her life

JERRY OLEA

Kabilang sa Calendar 2025 Beauties sina Julie Anne San Jose, Kim Chiu, at Janine Gutierrez.

Mukha bang mas masabaw at mas kahali-halina kesa sa kanila si Maris Racal?

Related Stories:

Sa public apology ni Maris noong Disyembre 6, Biyernes, kung saan lumagaslas ang kanyang luha, ang suot niya ay white turtleneck sweater.

Ang kulay na puti ay sumisimbolo sa purity, innocence, chastity, cleanliness, honesty, sacrifice, or exactitude.

Sa ilang kultura sa Asya, iyon din ay kulay ng pagluluksa.

maris racal speaks up
Photo/s: ABS-CBN YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong turtleneck sweater ni Maris ay nagpapaalala sa suot ng personified emotion na Sadness sa animated movie na Inside Out (2015), at sa sequel nitong Inside Out 2 (2024).

Subliminal message, anyone?

Read: ABS-CBN crisis management in full display sa Maris-Anthony mess

sadness inside out
Sadness of Inside Out

Seksing-seksi at harut-harutan ang suot ni Maris sa mediacon ng Incognito noong Nobyembre 29, Biyernes, sa Dolphy Theater, tapos balot na balot siya nang mag-public apology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MATHON LOVETEAM EXCLUDED FROM AND THE BREADWINNER IS PROMO

Sa grand media day ng MMFF 2024 entry na And The Breadwinner Is… na ginanap sa Dolphy Theater, ligwak sina Maris at Anthony Jennings.

Conspicuous din ang absence ng MaThon sa pauga ng And The Breadwinner Is… ngayong Disyembre 12, Huwebes, sa Riverbanks Center ng Marikina City.

Waley rin ang MaThon sa payanig ng And The Breadwinner Is… sa Disyembre 14, Sabado, sa plaza ng Biñan, Laguna.

At least, nang ihayag ng producers na rated PG ng MTRCB ang pelikula, andoon sa artwork ang MaThon.

Kailan magpapakita muli sa publiko nang magkasama sina Maris at Anthony?

Dadalo ba sila sa Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino na nakatakda sa Disyembre 15, Linggo, sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace?

Aba! Doon sa artwork ng rampang promo ng And The Breadwinner Is…, e, andoon sina Maris at Anthony, ah?!

Disyembre 16, Lunes, sa Star Mall ng San Jose del Monte, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Disyembre 17, Martes, sa Arena ng Dasmariñas, Cavite.

Disyembre 18, Miyerkules, sa Sumulong Park ng Antipolo City. Meron ditong motorcade.

Disyembre 20, Biyernes, sa KCC Mall ng GenSan City.

At siyempre pa, sa pinakaaabangang MMFF 2024 Parade of Stars sa Disyembre 21, Sabado, sa lungsod ng Maynila!

Read: Vice Ganda on Maris-Anthony teamup: "Charming naman talaga sila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal's (left) showbiz career may take a different path after her controversy with loveteam partner Anthony Jennings; Judy Ann Santos (right), on the other hand, empathizes with new generation of loveteam partners because of the presence of social media and gadgets.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results