PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janice, ayaw makisawsaw sa rumored split nina John at Priscilla

Janice, inaming apektado ang mga anak sa rumored breakup nina John at Priscilla.
by PEP Troika
Published Dec 13, 2024
janice de belen avignon
Janice de Belen on being single: “OK na ako. I know it’s weird to hear but I think I’m good. I’m good na kasi. Sarili ko yung oras ko. Nagagawa ko lahat ng gusto ko na ako lang ang nagdedesisyon. Wala akong pagpapaalaman. Siguro I’m over it! Wala na."
PHOTO/S: Courtesy of Avignon Clinic

GORGY RULA

Nag-react si Janice de Belen tungkol sa pagbabansag na “anak ng cheater” kay Kaila Estrada nang pumutok ang isyu nina Anthony Jennings at Maris Racal.

Magkakasama sina Kaila, Maris, at Anthony sa upcoming Kapamilya teleserye na Incognito, kung saan tampok din sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, at Baron Geisler.

Si Kaila ay isa sa apat na anak ni Janice sa dati niyang asawa na si John Estrada.

Read: Janice, umalma sa bansag kay Kaila na "anak ng cheater"

JANICE ON JOHN-PRISCILLA RUMORED BREAKUP

Pero ang isa pa sa pinag-usapan namin ni Janice sa media conference ng MMFF 2024 entry na Espantaho ng Quantum Films at Cineko Productions ay ang isyung hiwalayan umano ni John at current wife nitong si Priscilla Meirelles.

Read: John Estrada at Priscilla Meirelles, matagal nang hiwalay?

Tinanong ng PEP Troika si Janice kung apektado rin ang mga anak niya sa isyung kinasasangkutan ng kanilang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya: “Of course, mga anak sila. They will always be affected.

"Kasi, hindi naman kabarkada lang, e. Barkada nga, naa-affect ka e,.

“We talked about it because nasasabi nila kung ano yung nararamdaman nila.

"But then again, they’re adults already, maraming bagay na silang naiintindihan from the past and the present.

"So, I think they’re handling it well."

Maingat si Janice sa mga sagot niya, dahil personal daw itong nararamdaman ng mga anak niya.

“I am not allowed to talk about their feelings. Tatay pa rin nila yun,” sabi pa ni Janice.

Read: Janice de Belen does not meddle in love life of children

NOEL FERRER

Pagdating sa isyu nina John at Priscilla, wala raw siya sa lugar para magkomento.

“Wala na po ako diyan, hindi ko po buhay yan. It’s not my place to even give my two-cents worth because it’s not my life,” sambit ni Janice.

Okay naman daw sila ni John bilang magulang ng kanilang mga anak. At least, ngayon ay hindi na raw sila nag-aaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na raw nila kailangang mag-usap para sa kanilang mga anak dahil malalaki na ang mga ito.

“Wala na, kasi nung malilit pa yung mga bata, kailangan yun, kasi may mga anak kaming pag-uusapan.

“But now, you know, our kids are all adults. Kung may kailangan silang sabihin, sila na. Kaya na nila,” sabi ni Janice.

Read: Janice de Belen reacts to rumored breakup of John and Priscilla

JERRY OLEA

Wala nang lovelife si Janice de Belen. Wala na siyang special someone.

“OK na ako diyan. Graduate na ako. Kasi, after a while… wala na, parang wala na … OK na akong mag-isa,” kaswal na saad ni Janice.

“OK na ako. I know it’s weird to hear but I think I’m good. I’m good na kasi. Sarili ko yung oras ko.

“Nagagawa ko lahat ng gusto ko na ako lang ang nagdedesisyon. Wala akong pagpapaalaman.

"Siguro I’m over it! Wala na."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

IS JANICE STILL LOOKING FOR PARTNER IN LIFE?

Pero hindi niya isinasara ang puso sa posibilidad na makatagpo pa siya ng katuwang sa buhay?

“I’m not praying for it. I’m not asking for it. I’m not looking for it.”

Pero puwedeng dumating sa kabila ng lahat…

“Hindi galing sa akin yon pagka may dumating. Medyo ipinagpe-pray ko, sana walang dumating!” bulalas ni Janice.

“Kasi feeling ko, andami kong maling desisyon nang dahil diyan.”

Na-trauma siya?

“Hindi naman dahil sa na-trauma. But feeling ko, quomota na ako sa hurt, e.

"Feeling ko, baka hindi bagay sa akin na may karelasyon,” pagmamatwid ng beteranang aktres.

Paliwanag ni Janice, “Kasi, hindi nagwo-work, e. Ilang beses mo pa ba uulitin?

"Ilang beses ko pa ba isa-subject yung sarili ko sa joy sa umpisa, tapos lungkot sa bandang dulo? Ayoko na nun!”

Read: Janice de Belen has no patience for young stars who forget their lines: “Ume-exit ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANICE ON CHEATING ISSUES

Ano ang reaksiyon niya kapag may nababalitaan siyang cheaters sa relasyon? Mga ganoong isyu…

“As long as hindi ako kasama sa isyu,” pagbuntong-hininga ni Janice.

Ayaw niyang makiusyoso o makialam?

Pagngiti ng aktres, “Silence is golden.”

So, happy siya being single?

“Yes, I’m happy being single. Alam mo, yung happy ko, hindi yung YAHHH YAHHHH na happy all the time,” pagtatapat ni Janice.

“Siyempre may mga araw na malungkot ka. Hindi ka malungkot dahil mag-isa ka. Malungkot ka lang kasi, wala, malungkot ka.

“Pero tanggapin mo, kasi part iyon ng journey. I mean, you’re not always going to be joyful. There are times na iisipin mo, ‘Tama ba ang mga desisyon ko sa buhay?’

“Tapos mga in five minutes — oo, tama yung mga desisyon ko sa buhay!” natatawang sabi ni Janice.

Mabuti at hindi malungkot si Janice. Iyong iba kasi, pag walang lovelife, parang empty ang buhay. Siya, very positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman empty porke wala kang lovelife. Kasi ang love, hindi naman nanggagaling sa isang tao lang,” sey ni Janice.

“Ang love comes from my children, comes from yourself, di ba? Yun ang pinakaimportante. At saka yung mga aso ko.”

Siyam ang mga alagang aso ni Janice. Bukod sa dogs, anu-ano pa ang nagpapasaya sa kanya nowadays?

“My craft. Mahilig akong mag-craft kasi. Mahilig akong gumawa ng mga cards. So, ine-enjoy ko yon.

“Plus siguro kasi, kung gumigising ako sa umaga noon, abala ako sa pag-iisip kung anong ila-lunch ng mga tao sa bahay. Kung may grocery pa ba yung laman ng pantry ko.

“Ngayon, mas relaxed na ako nang konti. Kasi it’s just me, my youngest son, and my dad.

“So, basta gumising ako, OK si Daddy, OK si Yuan, OK na ako. Di ba?"

Kabilang sa co-stars ni Janice sa Espantaho sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Eugene Domingo, JC Santos, Mon Confiado, Tommy Abuel, Nico Antonio, Kian Co, Archi Adamos, at Donna Cariaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
espantaho stars
(From left): Eugene Domingo, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Chanda Romero, and Janice de Belen
Photo/s: Jerry Olea

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janice de Belen on being single: “OK na ako. I know it’s weird to hear but I think I’m good. I’m good na kasi. Sarili ko yung oras ko. Nagagawa ko lahat ng gusto ko na ako lang ang nagdedesisyon. Wala akong pagpapaalaman. Siguro I’m over it! Wala na."
PHOTO/S: Courtesy of Avignon Clinic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results