JERRY OLEA
Record-breaking ang kinita ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) last year, kung saan nanguna sa takilya ang DongYan film na Rewind.
Nilagpasan ng Rewind ang kinita ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye (2019) bilang pinakamalakas na pelikula sa kasaysayan.
Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Nitong Nobyembre 13, 2024 nag-showing ang KathDen reunion movie na Hello, Love, Again, at nakuha nito ang trono sa Rewind.
Read: Hello, Love, Again nalampasan na ang box-office record ng Rewind

Pumangalawa sa takilya ng MMFF 2023 ang horror movie nina Piolo Pascual at JC Santos na Mallari, na prinodyus ng Mentorque Productions.

Naghati sa major awards ng MMFF 2023 ang GomBurZa at Firefly.
Ang GomBurZa ay tinampukan nina Cedrick Juan, Dante Rivero, Enchong Dee, Elijah anlas, at Ketchup Eusebio, sa direksiyon ni Pepe Diokno.

Ang Firefly ay pinagbidahan nina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, at Dingdong Dantes, sa direksiyon ni Zig Dulay.
Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

PEPE DIOKNO-ZIG DULAY "REMATCH"
“Magtutuos” muli sina Direk Pepe at Direk Zig sa golden edition ng MMFF.
Ang entry ni Direk Pepe ay ang rock musical na Isang Himala, tampok si Aicelle Santos at iba pang taga-teatro.

Ang panlaban ni Direk Zig ay ang prison drama na Green Bones, kung saan tampok sina Dennis Trillo, Ruru Madrid, at Alessandra de Rossi.

Isang common denominator ng Green Bones at Isang Himala ay ang scriptwriter na si National Artist Ricky Lee.
Si Jun Robles Lana na nagdirek ng Becky at Badette nina Eugene Domingo at Pokwang last year, may entry na naman ngayong MMFF 2024.
Siya ang direktor ng And The Breadwinner Is… kung saan pangunahing artista sina Vice Ganda at Eugene.

May isa pang entry si Eugene sa 50th MMFF, ang horror movie na Espantaho na tampok din sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, at JC Santos, sa direksiyon ni Chito S. Roño.

MMFF 2023 AWARDS NIGHT
Sa 11-person jury ng 49th MMFF ay si Direk Chito ang chairperson, at si Lorna ang vice chair. Isa rin ako sa mga hurado.
Read: Explainer: Ang detalyadong proseso ng MMFF 2023 jury sa pagpili ng winners
Tinanghal na best supporting actor si JC Santos para sa Mallari.
Ang best actor ng MMFF 2023 ay si Cedrick Juan para sa GomBurZa.
May special participation si Cedrick sa MMFF 2024 entry nina Vic Sotto at Piolo Pascual na The Kingdom.
Ang best actress ng MMFF 2023 ay si Vilma Santos para sa pelikulang When I Met You In Tokyo, kung saan tampok din sina Lotlot de Leon, Tirso Cruz III, at Christopher de Leon.
VILMA AND NORA IN MMFF 2024
Para sa MMFF 2024 ay bida naman si Vilma sa Uninvited na produced ng Mentorque (nagprodyus ng Mallari).
Nasa cast din ng Uninvited sina Lotlot at Tirso, pati sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Elijah Canlas, at Ketchup Eusebio.
May special participation naman si National Artist Nora Aunor sa Isang Himala.
Read: Elsa ni Aicelle sa Isang Himala, iba sa Elsa ni Nora sa Himala
Kung ang most awarded film ng MMFF 2023 ay ang GomBurZa kung saan kasama sina Elijah Canlas at Ketchup Eusebio, sumunod kaya sa mga yapak niyon ang Uninvited na kasama ang dalawang aktor?

Aba! Si Enchong Dee na nasa GomBurZa last year, nasa maaksyong Topakk naman ngayong 2024.
Remember, may special participation din si Piolo Pascual sa GomBurZa!
NOEL FERRER
Tatlong Santos at dalawang Julia ang may laban para best actress sa MMFF 2024.
Vilma Santos sa Uninvited, Judy Ann Santos sa Espantaho, at Aicelle Santos sa Isang Himala.
Julia Montes sa Topakk, at Julia Barretto sa Hold Me Close.
Dark horse sa pagka-best actres sina Francine Diaz ng My Future You, at Jane de Leon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
If ever, saang kategorya ba dapat ilagay si Vice Ganda ng And The Breadwinner Is… best actress o best actor?
Balita namin, mas choice ni Vice na sa lead actor ilagay… at parang good choice dahil grabeng tindi ng laban sa lead actress, ha?!
Read: Judy Ann Santos prefers box-office hit movie over acting award
BEST ACTOR RACE
Si Ruru Madrid ng Green Bones, saan kaya ika-categorize, best actor o best supporting actor? Malamang sa supporting.
Ang mga malamang na makipagtagisan pa bilang best actor ay sina Aga Muhlach ng Uninvited, Dennis Trillo ng Green Bones, Vic Sotto at Piolo Pascual ng The Kingdom, Arjo Atayde ng Topakk, at Carlo Aquino ng Hold Me Close.

Dark horses sina Enrique Gil ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, at Seth Fedelin ng My Future You.
Ako, sana, hindi lang isa ang mag-pull away na kumita sa box office kundi sana, karamihan.
O mas OK pa, lahat ng mga pelikula!!!
Level up naman kasi ang entries ngayon, kaya they all deserve a good return of investment para mas ma-inspire ang producers na gumawa ng mas magaganda pang pelikulang Filipino!!!
Read: MMFF chairman, tinawanan ang intrigang may pinapaborang entries
GORGY RULA
Nakausap namin nitong Disyembre 13, Biyernes ng gabi, sa programa namin sa DZRH ang isa sa board members ng MTRCB na si Dra. Ali Gui.
Ayon kay Dra. Ali, nakakatuwa ang sampung official entries na na-review nila dahil pawang positibo ang feedback ng board members na nag-review.
Tatlumpo silang board members at hinati-hati raw sa kanila ang pagre-review sampung pelikula.
“Madaming board members na iba-ibang kaalaman, iba ang ginagawa. So, lahat kami nadi-divide sa mga movies na in-assign sa amin.
“And we don’t know what movie that they will assign to us, ha? They will assign the movie to review, random lang,” pakli ni Dra. Ali Gui.
Siya ang head sa committee on heath and wellness, at ang isa pang concern niya ay proteksiyon sa mga panonoorin ng mga bata. Kaya nasisilip din niya ang iba pang pelikula at napaka-impressive daw.
“Last year, maganda. I am sure our Filipino people, the public would like the movies right now.
“Kasi, sa movies na na-review namin, maganda talaga. Wala kaming maitapon kasi all of them maganda and worth watching po. Whatever ratings po, they are worth watching.
“Talagang kitang-kita mo na nag-level up tayo mga Filipinos sa ang ganda, puwedeng pang-Netflix o ang sabi ko na talagang nag-level ang acting, ang lahat maganda.
“You know the content maganda, at maganda ang pagkagawa,” saad ni Dra. Ali Gui ng MTRCB.
Kaya tama lang na ito ang mga pelikulang napili para sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival.
Hindi naman siguro makukuwestiyon kung aling pelikula o kung sino ang magwawagi dahil magaganda pala ang lahat ng entries.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars Ultimate Guide: Routes, Floats, Stars
