JERRY OLEA
Waley sina Maris Racal at Anthony Jennings sa Konsyerto Sa Palasyo (KSP) para sa Pelikulang Pilipino na ginanap nitong Disyembre 15, 2024, Linggo ng gabi, sa Kalayaan Grounds ng Malacañang.
Ang representatives ng MMFF 2024 entry na And The Breadwinner Is… sa nasabing KSP event ay sina Vice Ganda, Gladys Reyes, Kokoy de Santos, at Direk Jun Robles Lana.
OK lang na absent ang MaThon sa concert na dinaluhan nina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Congressman Sandro Marcos.
Read: Konsyerto sa Palasyo, napapanahong pagpugay at suporta ng gobyerno para sa local film industry

THE STARS WHO GRACED KONSYERTO SA PALASYO
Andoon naman sina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Maricel Soriano, Hilda Koronel, Helen Gamboa, Boots Anson Roa-Rodrigo, Christopher de Leon, Sandy Andolong, at Lani Mercado.

Dumating din sina Direk Laurice Guillen, Senator Kiko Pangilinan, Lyn Ynchausti Cruz, Ronald Arguelles, Direk Paolo Villaluna, FDCP Chairman Jose Javier Reyes, at MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Don Artes.

Present sina Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Network, Carlo Katigbak ng ABS-CBN, at Manny V. Pangilinan ng TV5.


Sa dami ng mga dumalo sa concert, hindi lahat ay namataan namin.
Kabilang sa nasilayan naming representatives ng iba pang entries sa golden edition ng Metro Manila Film Festival ay sina:
Francine Diaz at Seth Fedelin, Regal producers Roselle Monteverde and Keith Monteverde, Direk Crisanto Aquino ng My Future You;


Lorna Tolentino, Chanda Romero, JC Santos, Nico Antonio, Quantum Films producer Atty. Joji Alonso ng Espantaho;


Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Ron Angeles, Mentorque producer Bryan Diamante ng Uninvited;

Arjo Atayde, Julia Montes, Nathan Studios producer Sylvia Sanchez ng Topakk;

Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero, Mark Rivera, Dylan Menor, producer Jojo Oconer ng The Kingdom;


Aicelle Santos, Direk Pepe Diokno, producer Madonna Tarrayo ng Isang Himala;

Enrique Gil, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, Raf Pineda ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital;

Ruru Madrid ng Green Bones;

At Julia Barretto ng Hold Me Close.

Talap-talap ang fudz sa cocktails before the concert!
Merong pancit Malabon, bibingka, pandesal with palaman, mini chicken empanada, fish ball, squid ball, kakanin, at dalandan juice.
Read: Metro Manila Film Festival 2024: Entries, lead cast, synopses
GORGY RULA
Napakaayos ng pag-iistima sa amin sa Malacañang.
Magalang ang lahat na staff, at higit sa lahat, ang sarap ng food na inihanda.
Sa mga maagang dumating, nag-enjoy sa heavy merienda na inihanda. Pero yung mga late dumating, hindi na nakakain.
Habang nagko-concert, may umiikot na nag-aalok ng snacks at drinks. May beer!
THE CONCERT
Wala pang isang oras ang mismong concert kung saan lima ang mga mang-aawit — sina Zsa Zsa Padilla, Gian Magdangal, Jon Joven, Molly Langley, at Dane Mercado.
Movie theme songs ang inawit nila, kabilang ang "Hahabol-habol," "Estudyante Blues," "Alabang Girls," "Bituing Walang Ningning," "Kailangan Kita," "Bakit Labis Kitang Mahal?," "Mula Sa Puso," "May Minamahal," Kahit Na," "Pasko Na Sinta Ko," at "Kumukuti-kutitap."
Medyo nabitin kami sa concert dahil halos isang oras lang ito, pero okay na rin dahil hindi siguro kailangan pang patagalin pa ang performance nina Dane at Molly.
Okay naman sina Gian at Jon, at mabuti na lang may Zsa Zsa na special guest.

Pero sa dami ng mga binati ni Zsa Zsa na dumalo roon, nakaligtaan niyang banggitin sina President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ewan ko kung sinadya ni Zsa Zsa o baka hindi niya nakitang nakaupo sa harapan.
Kaagad na napansin sa social media ang pagdalo ni Sharon Cuneta kasama ang mister niyang si former Senstor Kiko Pangilinan.

MIA AT KSP
Bago natapos ang konsyerto, tinawag ang cast ng sampung entries sa 50th Metro Manila Film Festival.
May ilang nabanggit na artista na wala naman doon kagaya nina Aga Muhlach, Piolo Pascual, at Vic Sotto.
Kahit si Senator Lito Lapid na isa sa imbitado ay hindi rin nakadalo. Pero nabanggit siya sa isa sa mga haligi ng movie industry.
Wala rin sina Vilma Santos, Judy Ann Santos, Nadine Lustre, Carlo Aquino, Eugene Domingo, at Dennis Trillo.
Marami ring mga nandoon pero hindi sila binanggit. Ang iba ay umakyat pa rin ng stage.
Pero si Mylene Dizon na bahagi ng Uninvited ay dumating pero hindi siya tinawag ng host.
Kasama rin si Tirso Cruz III na nasa Uninvited din ay hindi rin tinawag. Pero in-acknowledge na si Pipo bago nagsimula ang concert.
Ganundin si Direk Mike Tuviera ng The Kingdom ay maaga pa lang ay nandoon na, pero hindi rin siya binanggit, kaya hindi na siya umakyat ng stage.
Sana, tinawag na lang ang buong cast ng bawatpelikula, para umakyat na lang lahat.
Pero hindi naman talaga ang konsyerto ang talagang handog ng administasyong Marcos, kundi ang pangako nilang suporta sa entertainment industry na personal na hinaharap din ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries
NOEL FERRER
Ang susunod na major event ay ang Parade of Stars sa Sabado, December 21, na talaga namang mas bobongga pa sa ginawang selebrasyon sa Malacañang!!!
Read: MMFF 2024 Parade of Stars Ultimate Guide: Routes, Floats, Stars
Of course, it should get better until magsimula na ang 50th MMFF!
Mas maraming sinehan ang open para sa MMFF 2024. Malalampasan kaya ang record-gross na itinala ng 49th MMFF last year?
Ang sagot ni MMDA Chair Atty. Don Artes, “Well, nagho-hope kami na ma-surpass yung last year.
“Pero ako, personally, mas gusto ko na kesa to surpass or to break the record last year, mas gusto ko na kumita lahat yung pelikula, na walang maiwan.
“Yun yung mas gusto ko.”
