JERRY OLEA
Gaganapin ang MMFF 2024 Parade of Stars sa Disyembre 21, 2024, Sabado ng 2:00 P.M., sa Lungsod ng Maynila.
Ang opening ceremony ay sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall.
Magtatapos ang parada sa Manila Central Post Office, kung saan magkakaroon ng concert.
Hindi na dadaan ang parada sa Roxas Boulevard. Naunang napabalita na ang ending ng parada ay sa National Museum.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars Ultimate Guide: Routes, Floats, Stars

Bakit nabago ang ruta ng parada?
“Meron kasing challenge doon sa lugar,” sabi ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes.
Nagpaunlak si Atty. Don Artes ng panayam sa PEP Troika bago ganapin ang Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino nitong Disyembre 15, Linggo ng gabi, sa Malacañang Palace.
Pagpapatuloy ni Chair Don Artes, “Unang-una, we need to close iyong major thoroughfare, which is on a Saturday medyo mahirap dahil it will create monstrous traffic as compared doon sa harap ng Post Office na parang park talaga yun, e.
“So we don’t need to close a major road.”
Read: MMFF chairman, tinawanan ang intrigang may pinapaborang entries
May lineup na ba kung anu-anong banda ang magpe-perform sa Manila Central Post Office matapos ang parada ng mga bituin?
"Hindi ko pa alam, e, pero we’ll announce. We’ll announce kung sino yung mga kakanta.”
FIRST DAY-LAST DAY ENTRIES?
Paano iyong mga pelikulang hindi masyadong patok sa first day ng filmfest?
Maa-assure ba na may matitira pa ring mga sinehan para sa kanila?
"Basta we can assure now, if ever magbawas ng sinehan sa mga pelikulang hindi masyadong tinatao, hindi sila mawawalan ng cinemas,” sabi ni Chair Don Artes.
"And gradual iyong pagbabawas. And on a particular area, we’ll make sure na kung kayang i-accommodate, meron silang butas or sinehan."
Read: Konsyerto Sa Palasyo: highlights and sidelights

GORGY RULA
Sa nakalap naming impormasyon mula sa mga taga-MTRCB, ang gaganda raw talaga ng official entries sa golden edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Reaksiyon ni Chair Don Artes, “Wala pa ho akong napanood pero ang feedback nung Selection Committee pa lang, lagi ko naman pong mino-monitor yon, ang feedback talaga is napakagaganda po ng pelikula.
"Talagang lahat, quality. Lahat, star-studded.
"So, talaga pong maipagmamalaki daw po itong lineup na ito, na so far, this is the best lineup of movies.
"Yung complete lineup, ha, at least—hindi yung individual movie. Pero kumbaga, collectively."
Ang sampung opisyal na kalahok sa MMFF 2024 ay ang mga sumusunod: And The Breadwinner Is..., Espantaho, Green Bones, Hold Me Close, Isang Himala, My Future You, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, The Kingdom, Topakk, at Uninvited.
Kapansin-pansin na wala talagang pambatang pelikula sa 50th MMFF. Walang fantasy adventure.
Wala kasing nag-submit na pambata talaga, yung purely pambata like fantasy," sabi ni Chair Don Artes.
"Wala po, e. So we try to balance it naman. For commercial purposes din, dahil para yung genre na pambata, pero wala po kasing nag-submit ng talagang pambata.
Read: Metro Manila Film Festival 2024: Entries, lead cast, synopses
NOEL FERRER
Naka-focus ngayon ang MMFF 2024 ExeComm sa next big event ng filmfest, ang Parade of Stars sa Disyembre 21, Sabado ng 2:00 P.M. sa Lungsod ng Maynila.
Inaayos din siyempre ang Gabi ng Parangal sa Disyembre 27, Biyernes, sa Solaire Resort sa Parañaque City.
"Yung awards night, we want to make it grand talaga,” sabi ni Chair Don Artes.
Read: Tatlong Santos, dalawang Julia kabugan sa MMFF 2024 best actress
