GORGY RULA
Napanatiling mataas ang ratings ng dalawang singing competitions sa GMA-7 hanggang sa finals ng mga programang ito.
Nitong nakaraang Sabado, Disyembre 14, 2024, ang finals ng Season 6 ng The Clash.
Ang hinirang na champion ay si Naya Ambi.
Read: Rex Baculfo, itinadhana ang pagkapanalo sa The Clash 2023

Sa totoo lang, noong nag-perform ang apat na finalists sa nakaraang Christmas party ng GMA-7 para sa media, lutang na lutang na si Naya.
Ramdam naming siya ang magwawagi. Ayun!
Naka-11.9% ang finals ng The Clash.
Mukhang magkakaroon pa ito ng Season 7 dahil consistent na mataas ang ratings nito.
THE VOICE KIDS GRAND FINALS
Noong Linggo, Disyembre 15, 2024, naman ang finals ng The Voice Kids na nasa Season 6 na rin; ang unang limang seasons nito ay sa ABS-CBN umere.
Ang The Voice Kids Season 6 winner ay ang pambato ng Tropa ni Pablo na si Nevin Adam Garceniego.
Magaling talaga ang batang ito.
At ang bongga ni Pablo ng SB19 dahil ngayon pa lang siya napasok bilang coach sa The Voice, pero wagi agad ang mini-mentor niya.
Read: Nevin Adam Garceniego crowned The Voice Kids grand champion

Naka-13.6% ang rating ng finale episode ng The Voice Kids.
Mataas ang ratings at talagang pinapanood ang mga singing competition, kaya mukhang masusundan pa ang mga ito.
Pagkatapos ng The Voice Kids, ang pagbabalik ng action-comedy na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ni Senator Bong Revilla ang papalit sa timeslot nito tuwing Linggo ng 7:15 P.M.
JERRY OLEA
Narito ang primetime ratings noong Disyembre 14, 2024, Sabado…
Ang 24 Oras Weekend ay naka-7.4%, samantalang ang TV Patrol Weekend ay 1%, at ang Frontline Pilipinas Weekend ay 1.9%.
Ang Ang Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento ay 8.8%, kontra sa Rated Korina na naka-3.8%.
Ang finale ng The Clash ay 11.9%, while ang Rainbow Rumble ay 5%.
Read: Sofronio Vasquez hailed as first Asian winner of The Voice USA
NOEL FERRER
Noong Disyembre 15, Linggo, ang 24 Oras Weekend ay naka-6.9%, samantalang ang TV Patrol Weekend ay 1.2%.
Ang BBL Gang ay 9.7%, at ang Tao Po ay 1.7%.
Ang finale ng The Voice Kids ay 13.6%, while ang Rainbow Rumble ay 3.6%, at ang PBA G2 ay 2.4%.
