JERRY OLEA
Bigo na naman ang Pilipinas na ma-shortlist sa kategoryang best international feature ng Academy Awards o Oscars.
Ligwak ang documentary ni Ramona Diaz na And So It Begins sa lipon ng labinlimang international films na shortlisted para sa 97th Oscars.
Read: Direk Joey Reyes explains why And So It Begins was chosen as Philippine entry to Oscars

Walumpo’t limang (85) bansa ang nagsumite ng aspiring entry.
Academy members from all branches were invited to participate in the preliminary round of voting and must have met a minimum viewing requirement to be eligible to vote in the category.
In the nominations round, Academy members from all branches are invited to opt in to participate and must view all 15 shortlisted films to vote.
Read: Award-giving bodies sa Pilipinas, nawala na nga ba ang kredibilidad at integridad?
THE 15 SHORTLISTED FILMS FOR BEST INTERNATIONAL FEATURE
Ang mga pelikulang na-shortlist, listed in alphabetical order by country, ay ang mga sumusunod:
Brazil, I’m Still Here
Canada, Universal Language
Czech Republic, Waves
Denmark, The Girl With the Needle

France, Emilia Pérez
Germany, The Seed of the Sacred Fig
Iceland, Touch
Ireland, Kneecap

Italy, Vermiglio
Latvia, Flow
Norway, Armand
Palestine, From Ground Zero

Senegal, Dahomey
Thailand, How to Make Millions Before Grandma Dies
United Kingdom, Santosh

EARLY FAVORITES
Inihayag ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) ang listahan na iyan nitong Disyembre 17, 2024, Martes (Miyerkules sa Manila time).
Labing-isa sa shortlisted films ay mula sa Europe.
Dalawa lang ang mula sa Asia, ang feel-good comedy na How to Make Millions Before Grandma Dies ng Thailand, at ang From Ground Zero ng Palestine.
Isa ay mula sa Africa, ang documentary na Dahomey ng Senegal.
Isa rin ay mula sa Americas, ang Universal Language ng Canada.
Early favorites na maso-shortlist ang Emilia Pérez ng France, The Girl With the Needle ng Denmark, The Seed of the Sacred Fig ng Germany, at I’m Still Here ng Brazil.

Matunog din na maso-shortlist ang animated feature na Flow ng Latvia, ganoon din ang mga paborito mula sa festival circuit na rap comedy na Kneecap ng Ireland, at historical thriller na Waves ng Czech Republic.
Nominations voting begins on Wednesday, January 8, 2025, and concludes on Sunday, January 12, 2025.
Nominations for the 97th Academy Awards will be announced on Friday, January 17, 2025.
The 97th Oscars will be held on Sunday, March 2, 2025, at the Dolby Theatre at Ovation Hollywood and will be televised live on ABC, streamed live on Hulu and airs live in more than 200 territories worldwide.
Read: Oscars 2024: Oppenheimer, Poor Things lead nominations
NOEL FERRER
Anyare sa Philippine entry?
What is there to be learned sa choice natin na ipadala sa Oscars?
Ano ang dapat na proseso at suporta para sa pelikulang ipapadala natin sa ganitong awards para sa susunod ay mapasama man lang tayo sa shortlist — and later sa nomination at sana talaga, makopo ang award mismo?
Talaga bang ang And So It Begins ni Ramona Diaz ang pinaka-may fighting chance tayo sa mga pelikula last year para magtagumpay?
Sana, matuto na tayo sa ating mga kakulangan at pagkakamali.
Read: Iti Mapukpukaw di nakasama sa shortlist para sa Best International Feature Film ng Oscars 2024
GORGY RULA
Marami nang nagsasabing maganda ang Emelia Perez ng France. Nag-enjoy ang mga kabadingan sa pelikulang ito.
Pero ang pelikulang How To Make Millions Before Grandma Dies ng Thailand ang laging binabanggit, na kaya rin naman ng Pinoy filmmakers ang ganitong klaseng pelikula.
Napakasimple, Pinoy na Pinoy ang takbo ng kuwento.
Ito ang pinu-push ng mga stakeholders natin ngayon — mga simpleng pelikula pero maganda ang pagkakagawa.
Magagaling pa naman daw ang mga artista natin, basta mabigyan lang ng magandang material.
Ang pagpasok sa global market ang gusto na nilang ma-achieve ngayon, na isa sana sa pakay ng pagbuo ng Manila International Film Festival (MIFF) na sinimulan noong nakaraang taon.
Ito ang isa sa binanggit ng organizers ng MIFF, na mapasok ang Oscars, pero tila wala silang nagawa.
Ngayon kaya ay may magagawa rito ang MIFF na ang dinig namin ay iba na ang hahawak?
Nagbuo pa ng Cine Gang, Inc. kaya sana may mangyari na talaga ngayon dahil mismong si First Lady Liza Araneta-Marcos ang nagpahayag ng suporta rito.
Read: Movie industry leaders, nakipagpulong kay First Lady Liza Marcos
