PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2024 Parade of Stars: Bawal nang maghagis ng giveaways

MMFF 2024 Parade of Stars, bawal na maghagis ng giveaway items
by PEP Troika
Published Dec 19, 2024
don artes mmff 2024
MMDA chairman and MMFF ExeComm chairman Atty. Don Artes presents to the media some of the plans for the MMFF 2024 Parade of Stars and awards night.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tatlong libong marshall ang ide-deploy para sa MMFF 2024 Parade of Stars sa Disyembre 21, Sabado ng 3:00 P.M. sa lungsod ng Maynila.

“Iyong usual na ginagawa natin na may nakapalibot kaming tao sa mga float para huwag dumugin, to avoid accidents,” sabi ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes.

“And then iyong mga production companies, iyong mga artista, pinagbabawalan po nating maghagis ng kahit ano.

“Kasi mahirap pag may inihagis, like shirt, bumagsak malapit sa float, baka lusubin. Mag-agawan, masagasaan. So, ipinagbabawal po natin.”

Ipinahayag iyan ni Chair Don Artes sa media briefing nitong Disyembre 18, Miyerkules ng hapon sa MMFF Auditorium ng New MMDA Bldg., Julia Vargas Extension, Pasig City.

Read: MMFF 2024 Parade of Stars Ultimate Guide: Routes, Floats, Stars

atty. don artes
MMDA chairman Atty. Don Artes
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO THROWING OF GIVEAWAY ITEMS

Usually, ang mga nasa float ay naghahagis ng poster, kalendaryo, kendi, T-shirt, at kung anu-anong merchandise o giveaway. First time na ipinagbawal iyon sa Parade of Stars?

“Well, ngayon po, ipinagbabawal talaga natin. Magiging strict po tayo dahil nga po, we want to avoid accidents,” pagmamatwid ni Chair Don Artes.

“Kasi kung makikita ninyo yung ruta, matataong lugar po ito, e. As in sobrang daming tao.

“Pag ginawa po natin iyan, mahihirapan po kaming ikontrol yung crowd na huwag lapitan yung float.

“Kaya rin po kung mapupuna niyo, yung floats natin, pinatataasan din namin para maiwasan yung pag-abut-abot ng kamay ng mga artista. Hanggang wave lang.

“Dahil nga po may possibility po na magkaroon ng aksidente pag ganun.”

RAIN OR SHINE

Tuloy ba ang parada ng mga bituin sa Sabado ng hapon kahit medyo maulan dahil nagbabanta ang bagyong Querubin?

“Yung pong bagyo, chineck namin, nasa Mindanao and Visayas,” tugon ni Chair Don Artes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kulimlim lang naman po yung panahon and hopefully by Saturday, mawala po yung bagyo.”

Required ba ang lahat ng mga bida ng official entries ng MMFF 2024 na lumahok sa Parade of Stars?

Mabilis na sagot ni Chair Don Artes, “Yes! Nag-confirm naman po lahat ng mga bida na dadalo po sila sa parade.”

Manggagaling pa si Piolo Pascual sa GenSan. Ihahagad si Papa P mula sa airport para maka-participate sa Parade of Stars.

Ang cash prize para sa best float ay P200,000.

“May mga nagsasabi na sa akin na talagang pinaghandaan nila yung kanilang float.

“Talagang pabonggahan daw,” sambit ni Chair Don Artes.

Read: MMFF Chair Don Artes: "This is the best lineup so far ng MMFF."

NOEL FERRER

Labindalawang kilometro ang babagtasin ng parada ng mga bituin. Maximum na dalawa’t kalahating oras ang tagal nito.

Ang opening ceremony ay sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall, kung saan may group photo ang mga artista at direktor na kasama sa parada.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang hosts ay sina Enchong Dee at DJ Jhai Ho.

Ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa parada — The Kingdom, Topakk, Uninvited, Isang Himala, Hold Me Close, Espantaho, My Future You, And The Breadwinner Is…, Green Bones, at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Babagtas ang parada sa Natividad Lopez Street — kakanan sa P. Burgos — didiretso sa Jones Bridge — Quintin Paredes — Reina Regente Street, daraan sa Recto Avenue Abad Santos Avenue Tayuman Street Lacson Avenue España Boulevard Nicanor Reyes St. (Morayta) C.M. Recto Avenue Legarda Street P. Casal Street Ayala Boulevard Taft Avenue T.M. Kalaw Street Roxas Boulevard P. Burgos Avenue daraan sa Jones Bridge Magallanes Drive hanggang makarating sa Manila Central Post Office.

mmff 2024 parade of stars
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Chair Don Artes ang disenyo ng entablado sa Manila Central Post Office kung saan magpo-promote ang mga artista ng bawat pelikula.

Iyong pillars ng gusali ay may vertical LED screens kung saan ire-reflect ang mga pelikula. Sa magkabilang gilid ay may malaking rectangular screens.

“Yung backdrop ng stage, ilaw. So makikita niyo, mas maganda siya sa gabi,” sambit ni Chair Don Artes.

mmff 2024 parade of stars
The stage design of MMFF 2024 Parade of Stars
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May musicfest afterwards, kung saan kabilang sa performers sina Bamboo, Sheryn Regis, Klarisse de Guzman, VXON, Jason Dy, Mark Carpio, at Marielle Montellano & JM de la Cerna ng "Tawag ng Tanghalan."

Read: Metro Manila Film Festival 2024: Entries, lead cast, synopses

bamboo mmff parade of stars

GORGY RULA

Ipinakita rin ni Chair Don Artes sa media briefing ang disenyo ng entablado sa Gabi ng Parangal, na gaganapin sa Disyembre 27, Biyernes, sa Solaire Resort sa Parañaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mmff 2024 gabi ng parangal stage
The stage design of MMFF 2024 Gabi ng Parangal
Photo/s: Jerry Olea

“Ang balak kasi dun sa awards night ay parang Oscars — seated, may food. Good for 900 persons,” sabi ni Chair Don Artes.

“We’d also like to invite yung previous winners ng MMFF, yung mga naging best actor, best actress, even yung sa technical aspect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We want them to participate or attend, parang reunion na rin ng MMFF.

“Kung natatandaan ninyo, in-announce namin before, sa Metropolitan Theater sana. Pero noong nag-inspect, around 250… 300 maximum ang puwedeng um-attend.

“Which is sa production company pa lang, kung sampu ang pelikula natin, puno na! Wala nang ibang makaka-attend.

“As I’ve said, gusto sana naming maging parang reunion ito. So, mag-i-invite kami ng previous winners.”

Pararangalan si dating Presidente Joseph “Erap” Estrada sa awards night bilang founder ng MMFF.

“Siya po talaga ang nagsulong nito kay President [Ferdinand] Marcos, so may special award po tayo na ibibigay sa kanya,” sabi ni Chair Don Artes.

Strictly invitational ang Gabi ng Parangal!

Read: MMFF chairman, tinawanan ang intrigang may pinapaborang entries

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA chairman and MMFF ExeComm chairman Atty. Don Artes presents to the media some of the plans for the MMFF 2024 Parade of Stars and awards night.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results