JERRY OLEA
Pangungunahan ni Bamboo ang musicfest pagkatapos ng MMFF 2024 Parade of Stars sa Sabado ng gabi, Disyembre 21, 2024, sa Manila Central Post Office.
Libre ito, at 3:00 P.M. pa lang ay mag-o-open na ang gate, kaalinsabay ng opening ceremony ng parada sa Kartilya ng Katipunan, malapit sa City Hall.
Twelve kilometers ang babagtasin ng parada ng mga bituin, na tinatayang tatagal ng dalawa’t kalahating oras.
Kaya by 6:00 P.M., malamang na isa-isa nang dumarating sa Manila Central Post Office ang mga artista, na magpo-promote ng kani-kanilang festival entry.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars: Bawal nang maghagis ng giveaways
ORDER OF FLOATS AT MMFF 2024 PARADE OF STARS
Ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa parada, at ang mga bidang artista ng mga pelikula:
The Kingdom — Vic Sotto, Piolo Pascual, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero.

Topakk — Arjo Atayde, Julia Montes, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Sid Lucero.

Uninvited — Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Elijah Canlas, Gabby Padilla, Mylene Dizon, Tirso Cruz III, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez.

Isang Himala — Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra.

Hold Me Close — Carlo Aquino, Julia Barretto.

Espantaho — Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado, Eugene Domingo.

My Future You — Francine Diaz, Seth Fedelin.

And The Breadwinner Is… — Vice Ganda, Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Kokoy de Santos, Malou de Guzman.

Green Bones — Dennis Trillo, Ruru Madrid.

Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital — Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa.

Abangan natin kung lalahok sa Parade of Stars ang kontrobersiyal na sina Maris Racal at Anthony Jennings na kasama sa cast ng And The Breadwinner Is…
Naisip ko noong isang araw, ano kaya kung tampok si Rico Blanco sa musicfest ng MMFF 2024, at makaharap niya ang MaThon sa makasaysayang Manila Central Post Office?
That’s moot and academic na.
Maliban kay Bamboo, ang iba pang artists sa musicfest ay sina Sheryn Regis, Klarisse de Guzman, VXON, Jason Dy, Mark Carpio, at Marielle Montellano & JM de la Cerna ng "Tawag ng Tanghalan."
Wala sa lineup si Rico Blanco.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars Ultimate Guide: Routes, Floats, Stars
NOEL FERRER
Sa Sabado ay manggagaling pa sa GenSan si Piolo Pascual. Kaya ihahagad siya mula airport para umabot sa parada.
Tingnan natin kung makakalipat ng float yung may mga dalawang entry, tulad nina Eugene Domingo, Sid Lucero, at Kokoy de Santos.
Natuwa ang fans ng OG Mara Clara nang magtagpo sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes sa grand media and fan con noong Disyembre 6 sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Read: Judy Ann at Gladys, magkaibigan pero magkatapat sa MMFF 2024
SHARON-HILDA-LORNA REUNION
Nakakatuwa rin na present sina Sharon Cuneta, Hilda Koronel, at Lorna Tolentino sa Konsyerto Sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino noong Disyembre 15 sa Malacañang.
Nagkasama sina Sharon at Hilda sa mga pelikulang Babangon Ako’t Dudurugin Kita (1989) at Crying Ladies (2003).
Tampok sina Hilda at Lorna sa mga pelikulang Evening Class (1980) at Sana, Bukas Pa Ang Kahapon (1983).
Nagkasama naman sina Sharon at Lorna sa pelikulang Nakagapos Na Puso (1986).
Sa pelikulang ito galing ang classic line na "Oo Ate! Oo Ate!, puro na lang ako Oo Ate! Daig ko pa ang makinang de susi. nakagapos na nga ang paa at kamay ko, pati ba naman puso ko, nakagapos pa din?"
Present din sa concert sa Kalayaan Grounds ng Malacañang si Robin Padilla, na nakatambal ni Sharon sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man (1991), Di Na Natuto: Sorry Na, Puwede Ba? (1993), Pagdating ng Panahon (2001), at Unexpectedly Yours (2017).
Read: Konsyerto Sa Palasyo: highlights and sidelights
Magagalak naman ang fans ng BL series na Gameboys (2020) kapag nag-bonding ang GavReel/EliKoy (Elijah Canlas at Kokoy de Santos) sa Parade of Stars!
Ang saya!!!
GORGY RULA
Maraming aabangan sa parada. Kaabang-abang ang mga posibleng eksenang makukunan natin.
Sa MMFF 2022 Parade of Stars, ang ganda ng pagkikita nina Vice Ganda (Partners in Crime) at Toni Gonzaga (My Teacher).
Ang kaabang-abang naman ngayon ay kung magtatagpo ba sina Judy Ann Santos (Espantaho) at Piolo Pascual (The Kingdom).
Ang saya sana pag magkita rin sina Vilma Santos at Lorna Tolentino, di ba?
Pati na sina Vic Sotto at Vice Ganda na magkatapat din ang kinabibilangang noontime shows.
Nagkasama sina Ate Vi at LT sa mga pelikulang Sinasamba Kita (1982) at Muling Buksan Ang Puso (1985).
Ang isa pang gusto rin naming makita sa parada ay ang MaThon loveteam nina Maris Racal & Anthony Jennings.
Sa tingin ko, makakatulong pa sila sa promo ng And The Breadwinner…, kahit napapag-usapan pa rin ang isyu ng cheating.
Read: ABS-CBN crisis management in full display sa Maris-Anthony mess
