JERRY OLEA
Facebook post ng writer, composer, at musical director na si Vincent de Jesus nitong Disyembre 19, 2024, Huwebes ng hapon:
“Hi everyone, ‘Isang Himala’ has only 31 cinemas so far.
“We’ve been told it’s because of the genre and our lack of ‘box office stars.’ Hope you can give our film a chance, and if you like it, your support will go a long way in convincing more cinemas to screen us.
“Please pre-book your tickets here!”
Read: Isang Himala producers "hopeful" amid strong competition in MMFF
Nag-comment sa nasabing post ang MMFF 2023 best actor na si Cedrick Juan, “Ramdam ko ito kuya Vincent A. DeJesus, ganitong-ganito sitwasyon ng GOMBURZA last year.
“Laban lang! Naniniwala ako na marami ang gugustuhin mapanood ito!”
May special participation si Cedrick sa MMFF 2024 entry na The Kingdom, starring Vic Sotto and Piolo Pascual.
Read: Mike Tuviera explores uncolonized Philippines in The Kingdom
CAST OF THEATER ACTORS
Pawang taga-teatro ang mga bida sa rock musical na Isang Himala, kabilang sina Aicelle Santos, Bituin Escalante, Kakki Teodoro, David Ezra, Floyd Tena, Sweet Tiongson, Vic Robinson, at Joann Co.

May special participation dito si National Artist Nora Aunor.
Idinirek ito ni Pepe Diokno, na best director ng MMFF 2023 para sa GomBurZa.
Credited sa screenplay ng Isang Himala sina Vincent de Jesus at National Artist Ricky Lee.
Mahigit 900 sinehan ang open para sa golden edition ng Metro Manila Film Festival.
Read: Ricky Lee, kinumbinsi si Nora Aunor maging bahagi ng Isang Himala
NOEL FERRER
Sana makakuha ng DepEd , CHED, at NCCA endorsement itong Isang Himala para ma-require sa mga klase at, katulad ng GomBurZa, mapag-usapan sa mga eskuwelahan lalo pa’t gawa ng National Artist.
Bilib ako sa theater community na nagtulung-tulong para itaguyod ito, na kahit kokonti lang ang sinehan sa simula ay ma-sustain pa rin ang visibility through block screenings at advance booking ng tickets.
Magagaling ang mga nagsiganap pero flex ko lang ang talents ko.
Ang isa ay ang Aliw Awards Best Actor In A Musical awardee na si Vic Robinson, na gumanap bilang Pilo.

At heto na, si Kakki Teodoro na major-major ang galing at sana mapansin ng mga kritiko bilang Nimia sa Isang Himala.

GORGY RULA
Sa premiere night ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital nitong Disyembre 19 sa SM Megamall, dumalo si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.
Medyo sad siya dahil 41 cinemas lang daw ang binigay sa entry nilang My Future You starring Francine Diaz and Seth Fedelin.
Pero sa ganda ng pelikulang ito, natitiyak naming maghi-hit din ito sa takilya, kaya malamang na madadagdagan pa sila ng sinehan.
Yun nga lang, mababawasan ang mga pelikulang mahina.
Read: Seth at Francine, nagulat sa kinalabasan ng My Future You
FAIR SEGREGATION OF CINEMAS FOR 10 OFFICIAL ENTRIES
Pero tiniyak ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na magiging patas ang pagbibigay ng mga sinehan sa sampung entries.
Yun lang din ang hiling ni Enrique Gil, isa sa producers ng Strange Frequencies.
Saad niya, “I think, you know, just to be fair. I don’t ask for a lot.
"Pero fair lang… kung ano yung number of cinemas na na-segregate for each film, pantay-pantay lang sana.
“But nonetheless, I support all films with its entry.
"At sana suportahan po natin hindi lang Strange Frequencies, kundi lahat po ng pelikula, na sana manood po tayo. Sana, fair lang po.”
Hindi pa raw alam ni Dondon Monteverde kung ilang sinehan ang maibibigay sa kanilang pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
“Siyempre, sampung pelikula yun. Sana magkaroon ng equal number of theaters para pantay-pantay.
"Siyempre, yun ang gusto natin para mapanood naman ng lahat ng tao ang mga pelikula,” sabi ni Dondon.
Maliban kay Enrique, nasa cast ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sina Jane de Leon, Rob Gomez, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, at Zarckaroo.

