GORGY RULA
Tatlong MMFF 2024 entries ang magkakasabay ang premiere night ngayong Biyernes, December 20, 2024.
Nasa SM Megamall ang Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino.

Ang The Kingdom naman ay sa Cinema 11 ng Gateway Mall.

Nasa The Block ng SM North EDSA ang Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

Nauna nang nagpa-premiere ang My Future You, sumunod ang Hold Me Close.
Noong Huwebes ay magkakasabay rin ang pa-premiere ng Strange Frequencies: The Taiwan Killer Hospital, Isang Himala, at Topakk.
So far, maganda ang feedback sa mga pelikulang nabanggit.
Pero ang My Future You ang pinuri nang husto at puring-puri ang mga bidang sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Read: Seth at Francine, nagulat sa kinalabasan ng My Future You

HOLD ME CLOSE VS. MY FUTURE YOU
Ang posibleng makakatapat nito ay ang Hold Me Close nina Carlo Aquino at Julia Barretto na isa ring romantic fantasy.
Ang lamang ng My Future You ay General Patronage ito, at Rated PG naman ang Hold Me Close.
Pero hindi kumpitensiya ang turingan ng mga artistang bahagi ng 50th MMFF entries.
Sa panahon ngayon, kailangan daw magsuportahan ang bawat pelikula.
“Sobrang malaking bagay yung magsuportahan ang bawat pelikula dahil alam naman natin na struggling pa rin ang industry natin. And salamat din na nandito kayo para sa amin,” pakli ni Carlo sa nakaraang premiere night ng Hold Me Close.
Read: Julia Barretto may napansing malaking pagbabago kay Carlo Aquino
Ramdam ni Julia ang sobrang kaba ni Carlo bago magsimula ang screening. Ngayon pa lang daw kasi ito mapapanood ng leading man niya.
“Napanood ko na siya, e. So, I know what to expect. Nakaabang ako sa reaction niya [Carlo],” sambit ni Julia.
Sabi naman ni Carlo, “I’m excited, pero kinakabahan kasi gusto na talaga namin maganda talaga yung pelikula. Pero sinabi naman nila sa akin na sobrang maganda raw.”
Bale pangalawang pelikula na itong pinagsamahan nila, at natutuwa si Carlo sa pagiging professional ni Julia.
Una silang nagkatambal sa Expensive Candy noong 2022.
“Ako siyempre, yung pagiging professional ni Juls and pagiging authentic. Kapag may gusto siyang malaman, tanungin niya yung ganun.
"Very straightforward. Yun yung na-appreciate ko talaga kay Juls,” pahayag ni Carlo.

NOEL FERRER
Ang isa pang nakakatuwa ay ang female cast ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na sina Jane de Leon, Alexa Miro, at MJ Lastimosa.
Maituturing na ang pelikulang Espantaho ang makakatapat nila dahil parehong horror ang mga ito.
JUDY ANN FOR BEST ACTRESS
Pero para sa kanila, si Judy Ann Santos ng Espantaho ang malakas sa best actress category.
Sabi ni MJ, “I think si Ate Juday po talaga. Kasi nakasama ko na rin siya nung nag-[Eat] Bulaga! ako at nagpapadala siya lagi ng food.
“So, parang as a person, nakita mo kung paano siya tapos biglang nagsi-shift siya. Ang galing-galing na niya on the screen.
“So, fan pa rin niya ako kahit gaano na kalalim yung relationship namin and excited din akong mapanood yung movie niya at makita kung talagang papasok ba siya sa best actress.”
Para kay Alexa, ang co-star niyang si Jane de Leon ang pinakamagaling sa kanilang tatlo, at siya raw ang pambato nilang maging best actress.
Nag-agree si MJ na magaling talaga si Jane.
Sabi ni Alexa, “Kung kaming tatlo lang po ang maglalaban, si Jane po ang mananalo diyan.
“Kasi the last time po na nagpo-promo kami, I even talked to her, like, ‘How do you do that? How do you just let all your real emotions show?’
"Na parang kahit nakatitig lang siya, kitang-kita mo yung walang keber na lalabas yung fear.”
Si Gladys Reyes naman na kasali sa And The Breadwinner Is…, ang Espantaho rin daw ng best friend niyang si Judy Ann ang gusto niyang suportahan at panoorin pagkatapos ng kanilang pelikula.
JERRY OLEA
Nagpakatotoo naman si Jane de Leon kung sinu-sino sa pananaw niya ang maglalaban-laban bilang best actress sa golden edition ng Metro Manila Film Festival.
Ani Jane, “Feeling ko si Miss Juday. It’s between Miss Juday, Julia Barretto, Nadine [Lustre] or Julia Montes, and Tita Vilma Santos. It’s either sa kanilang lima.”
Wala sa choices ni Jane si Aicelle Santos ng Isang Himala.
Read: Tatlong Santos, dalawang Julia kabugan sa MMFF 2024 best actress

NO EXPECTATIONS ON BEST ACTOR RACE
Ang co-actors nina Jane, MJ, at Alexa na sina Enrique “Quen” Gil at Rob Gomez ay hindi naghahangad na mag-best actor sa 50th MMFF para sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Pahayag ni Quen, “Ako, hindi ko po talaga iniisip ang mga best actor na yan, e, to be honest. I really accepted the film kasi I really loved the film. And it was fun to do…
“Wala, hindi ko po masyadong iniisip yan.”
Sabi naman ng katabi ni Quen na si Rob, “Katabi ko na ho, e! In all honesty, I haven’t worked with the actors, the leading men in the other films.
“But getting to work with Quen the first time, he’s very cool, he’s very passionate about what he does. Transcends to all of us his energy. So very cool.”
Dagdag ni Quen, “Si Tito Aga [Muhlach], super-close din ako kay Tito Aga. So, I hope he also wins. I hope he wins.”
Si Aga ang pambato ng Uninvited para sa kategoryang best actor.
Mahigpit ang labanan dito!
Andiyan sina Dennis Trillo ng Green Bones, Vice Ganda ng And The Breadwinner Is…, Arjo Atayde ng Topakk, Vic Sotto at Piolo Pascual ng The Kingdom, Carlo Aquino ng Hold Me Close, at Seth Fedelin ng My Future You.
Kani-kanya siyempre ng eme at pag-hallelujah ang mga chuwariwap ng mga official entries.
Maging generous kaya ang mga hurado sa pagno-nominate sa MMFF 2024?
Read: MMFF Chair Don Artes: "This is the best lineup so far ng MMFF."
