PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office

Alin sa entries ang posibleng maging dark horse?
by PEP Troika
Published Dec 21, 2024
MMFF 2024 Top 4 fearless forecast: And The Bread Winner Is..., Espantaho, Uninvited, and The Kingdom
Inaasahang tatabo sa takilya ang MMFF 2024 entries na (clockwise) And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda; Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre; Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; at The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual.

JERRY OLEA

Mas maraming mga sinehan ang pagpapalabasan ng entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) kumpara sa 49th MMFF last year.

Read: Metro Manila Film Festival 2024: Entries, lead cast, synopses

Sa MMFF 2023 ay 800+ cinemas lang ang pinagpalabasan ng mga kalahok, pero sa MMFF 2024 na magsisimula sa Miyerkules, Disyembre 25, ay 900+ sinehan ang open.

Isa ako sa labing-isang hurado ng 49th MMFF at nahinuha ko na agad noon na magta-topgrosser ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Para sa 50th MMFF ay dalawa pa lang official entry ang napanood ko.

Pero base sa buzz, mukhang ang aarangkada sa first three days ay ang And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda; Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre; at The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual.

Ibang Vic Sotto ang matutunghayan sa umpisa pa lang ng The Kingdom, at todo drama naman si Vice Ganda sa sukdulan ng And The Breadwinner Is…, kaya interesting ang magiging pagtanggap ng moviegoers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabigat at malalim pareho ang tema ng Isang Himala ni Aicelle Santos, at Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

May special participation si National Artist Nora Aunor sa Isang Himala. Si National Artist Ricky Lee ay credited sa screenplay ng Isang Himala at Green Bones.

Pagkatapos ng Gabi ng Parangal sa Disyembre 27, tingnan natin kung may significant effect ang resulta ng ipinamahaging awards.

Bentahe ng Topakk ni Arjo Atayde ang umaatikabong aksyon. Dalawa ang MTRCB rating nito, R-16 para sa SM cinemas, at R-18 sa iba pang mga sinehan.

Maa-appreciate ng mga magkakabarkadang GenZ ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital. Mae-enjoy nila ang mga panggulat ng pelikulang pinagbidahan nina Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, Raf Pineda, at Zarckaroo.

Walang pretensiyon ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sa awards-awards.

Pampakilig sa mga kabataan ang My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin, na maayos na isinulat at dinirek ni Crisanto Aquino. Naalala ko rito ang KathNiel movie na Pagpag: Siyam na Buhay, na entry sa MMFF 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya ng My Future You ay fantasy romance ang Hold Me Close nina Carlo Aquino at Julia Barretto. Second movie team-up ito nina Carlo at Julia. Nauna silang nagtambal sa Expensive Candy (2022).

MMFF 2024 PARADE OF STARS

Sa MMFF 2024 Parade of Stars ngayong Disyembre 21, Sabado ng hapon, sa Lungsod ng Maynila, sinu-sino kaya ang titilian nang lubos ng mga tao?

Ang parada ng mga bituin ay mag-uumpisa sa Kartilya ng Katipunan, malapit sa Manila City Hall. Magtatapos ang parada sa Manila Central Post Office.

Pagkababa ng mga artista sa bawat float, may music fest na tatampukan ni Bamboo.

Magpe-perform din sina Klarisse de Guzman, VXON, Jason Dy, JM de la Cerna & Marielle Montellano, Mark Carpio, Sheryn Regis, at Drag Race Philippines Queens.

Abang-abang siyempre tayo kung ka-join sa parada ang kontrobersyal na sina Maris Racal at Anthony Jennings, na nasa cast ng And The Breadwinner Is…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: MMFF 2024 grand media and fan con sidelights

NOEL FERRER

As we enter this Parade of Stars tradition ng Metro Manila Film Festival, busy naman naming tinapos ang MMFF 50 souvenir program kagabi, at nag-rehearse na ang production sa magaganap mamaya sa grand pa-concert showcase sa Manila Central Post Office grounds.

Nakaka-excite talaga dahil tama ang sinabi ni MMDA/MMFF Chair sa aming chat group na, “Happy 50th MMFF! Congratulations to the whole team. We elevated MMFF to a new level.”

Sana’y patuloy ang suporta at pagmamahal ng mga tao sa pinakamalaki at pinaka-exciting na film festival ng ating bansa, ang Metro Manila Film Festival!

Magkita-kita tayo sa parada!!!

Read: Ibang MMFF 2024 entries, may apela sa bilang ng mga sinehan

GORGY RULA

Marami ang nagsasabing mahirap lagpasan o mapantayan man lang ang kinita ng filmfest noong nakaraang taon.

Pero sa totoo lang, hindi rin naman inaasahang aabot ng isang bilyong piso ang kinita nung MMFF 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sa palagay ko, maganda rin ang resulta ngayong taon. Nakabawi ang Firefly at GomBurZa noon dahil maganda ang pelikula.

Ngayong taon ay maganda halos lahat ng entries.

Malaki ang kumpiyansa kong hahataw pagkatapos ng awards night ang Green Bones. Napakaganda ng pelikula at maaaring pasok ito sa panlasa ng jury.

Maganda rin ang gustong iparating ng pelikulang The Kingdom na kakaiba siya at sana, swak din sa ating diwa bilang Pilipino.

Sabi nga ng direktor nitong si Mike Tuviera, “Siyempre, we wanted to inspire patriotism. Pero we’re very adamant. It’s not a political film. It’s a patriotic film.

"At saka talagang, it’s still all about family. Iyun yung pinaka-priority namin sa storytelling.”

Nakaka-proud ang kalidad ng ating mga pelikulang maipagmamalaki mo sa ibang bansa.

Noong nakaraang Asia TV Forum sa Singapore, ang ipinitch na horror story ang napili roon na isinulat ng taga-ABS CBN Studios. Kaya puwede talagang ilaban din ang mga horror material natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasok dito ang Espantaho ni Direk Chito Roño, at ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

So, yung sinasabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na gusto nilang ilaban ang mga MMFF entries natin sa ibang international film festival, puwedeng-puwede talaga.

Sa tingin ko, maganda ang kalalabasan sa takilya ng MMFF ngayong taon, dahil magagandang pelikula talaga ang gusto ng mga manonood.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahang tatabo sa takilya ang MMFF 2024 entries na (clockwise) And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda; Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre; Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; at The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results