Mahigit 900 cinemas nationwide ang pagpapalabasan ng sampung official entries ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) umpisa Disyembre 25, 2024, Miyerkules.
Wagas ang paanyaya ni Aicelle Santos — ang Elsa sa rock musical na Isang Himala — sa meet-the-press bago ang opening ceremony ng MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre 21, Sabado, sa Kartilya ng Katipunan, Lungsod ng Maynila.
Ani Aicelle, “Huwag niyong kalimutan na unahin na sa inyong mga sinehan ang Isang Himala ngayong December 25!
“Ang natatanging movie musical entry ngayong Metro Manila Film Festival. Bigyan niyo po kami ng chance dahil dala-dala namin ang buong teatro.
“Pinakamagagaling na musical theater actors po ng ating bansa. Sana po, suportahan niyo po kami dahil-dala po namin ay obra mula kay Sir Ricky Lee…”
Read: Aicelle Santos on Isang Himala, motherhood, and Gerald Santos

Co-stars ni Aicelle sa Isang Himala sina David Ezra bilang Orly, Kakki Teodoro bilang Nimia, Bituin Escalante bilang Aling Saling, Sweet Tiongson bilang Mrs. Alba, Floyd Tena bilang pari, Neomi Gonzales bilang Chayong, Vic Robinson bilang Pilo, at Joann Co bilang Sepa.
Sabi ni Neomi, “Isinulat po ng ating National Artist na si Sir Ricky Lee. Music and lyrics po by Vince de Jesus… at siyempre, dinirek ni Pepe Diokno.”
Hirit ni Kakki, “And I believe, our film deserves more than 31 cinemas. Kailangan po talaga, kailangan po namin ang inyong suporta.
“Unahin nyo na po! Kaya naman po sa December 25 na, may Isang Himala!!!”

Pinost ng CreaZion Studios sa Facebook na as of December 22, Sunday, 1:00 P.M. ay 23 ang cinemas ng Isang Himala sa Metro Manila, at tigtatatlo sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
May isang nadagdag na sinehan para sa Isang Himala!
Tatlumpo’t dalawa (32) na ang mga sinehan ng 50th MMFF entry kung saan may special participation si National Artist Nora Aunor.
Read: Ibang MMFF 2024 entries, may apela sa bilang ng mga sinehan

MMFF 2024 ENTRIES WITH MOST NUMBER OF THEATERS
Nito ring December 22, Sunday, ay isiniwalat ni Mentorque producer Bryan Dy sa Facebook na may 132 cinemas nationwide ang Uninvited.
Ang pelikula nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre ay may 33 cinemas sa Mega Manila, 60 cinemas sa Luzon, 20 sa Visayas, at 19 sa Mindanao.

Ayon sa source ng PEP, iyong And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda ay 195 cinemas nationwide; 50 cinemas sa Metro Manila, 85 cinemas sa Luzon, 32 sa Visayas, at 28 sa Mindanao.


Totoo ba na ang may pinakamaraming sinehan ay ang Espantaho nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, at Chanda Romero?

Nabalitaan din ng PEP na iyong My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin ay 41 sinehan lamang nationwide.

Ini-reveal ng Nathan Studios sa Facebook page nila ngayong Disyembre 23, Lunes ng umaga, na iyong Topakk nina Arjo Atayde at Julia Montes ay 36 ang mga sinehan — 26 sa Metro Manila, tigdalawa sa Luzon at Visayas, at anim sa Mindanao.

Opo! Mas maraming sinehan ang FranSeth fantasy romance kesa sa Topakk na dalawa ang MTRCB rating, R-16 (para sa SM cinemas) at R-18.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars sidelights

MMFF BOX-OFFICE RESULTS
Kagaya dati, hindi agad idi-disclose ng MMFF ExeComm ang resulta sa takilya ng official entries sa 50th MMFF.
“Yes, hindi,” sambit ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes noong Disyembre 21, Sabado, sa French Baker sa SM Manila.
“Kasi, unfair doon sa mga iba, e. Nadi-discriminate sila, lalung-lalo na yung medyo… aminin naman natin na merong mahina sa takilya.
“So, pag ganun kasing dini-disclose mo yon, lalo silang nada-down, e. Hindi naman ibig sabihin na mahina sa takilya ay hindi maganda yung pelikula.
“As I’ve said, magaganda po talaga yung pelikula natin, at kailangan po nating bigyan ng equal opportunity para mapanood ng ating mga kababayan."

Mas maraming sinehan ang Espantaho, And The Breadwinner Is…, The Kingdom, at Uninvited kumpara sa Topakk, Isang Himala, My Future You, at iba pang festival entries.
Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office
Paliwanag ni Chair Don Artes, “Ang Metro Manila Film Festival naman, sa pangalan pa lang, Metro Manila lang talaga yung controlled namin supposedly.
“Which is composed of around 60 percent na ng mga sinehan. Pero with the concession with the CEAP [Cinema Exhibitors Association of the Philippines], ipinaubaya na rin sa amin para lahat ng sinehan sa buong Pilipinas ay maipalabas exclusively ang mga pelikula sa MMFF.
“Yun lang, ang ni-request kasi nila, yung mga major cities lang na maraming butas sa mga sinehan ang isama sa raffle.
“So, yung mga island province na may maliit na mall na isa, dalawa yung sinehan, siyempre nire-request nila na hayaan na sila na magpalabas nung gusto nila.
“Kasi, ang katwiran nila, whole year round halos hindi kumikita iyang sinehan na yan.
“So, ito lang yung pagkakataon nila na kumita. So, ipinapalabas po nila yung tingin nila na makakabawi sila.
“Kaya yun po ay hinayaan na namin. Iang areas lang naman po iyan pero, yun nga, pag pinagsama-sama mo, medyo marami rin sila. Parang siguro mga ten, twenty percent.
“E siyempre, yung choice nila, umiikot lang sa dalawa, tatlong pelikula. Kaya yun ang mas marami talaga lumalabas.
“Well ,siguro, pag-isipan po namin iyan kung paano ire-remedy, na hindi rin po maapektuhan iyung negosyo nitong ating mga sinehan
“So they also have to understand iyong side ng mga theater owners.”

Related Stories:
