JERRY OLEA
Nakakatuwa iyong picture na magkakasama ang tatlong Santos na aktres — Vilma Santos, Judy Ann Santos, at Aicelle Santos.
Nangyari iyon sa artists’ tent sa likod ng Kartilya ng Katipunan sa Maynila, bago ang meet-the-press at opening ceremony ng MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre 21, Sabado ng hapon.
Nakasama nila sa frame ang co-star ni Ate Vi sa Uninvited na si Nadine Lustre.
Read: MMFF 2024: Anu-anong pelikula ang mas marami ang sinehan?
Mas OK sana kung sa halip na si Nadine, ang kasama nina Ate Vi, Juday, at Aicelle ay si JC Santos na co-star ni Juday sa Espantaho — para apat na Santos!
Si Aicelle ang gumanap bilang Elsa sa rock musical na Isang Himala.

FRONTRUNNERS FOR BEST ACTRESS
Ang tatlong Santos na aktres ang frontrunners sa pagiging best actress ng 50th edition ng Metro Manila Film Festival.
Dark horses iyong dalawang Julia — si Julia Montes ng Topakk, at si Julia Barretto ng Hold Me Close.
Kung magpapaka-generous nang lubos ang mga hurado, malamang na ma-nominate din na best actress si Francine Diaz ng My Future You, at si Jane de Leon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Crowd pleaser pareho ang My Future You at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, at pakiwari ko’y hindi makikipagkarera ang mga ito sa awards.
Mae-enjoy ng magbabarkadang Gen-Z itong My Future You at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Read: Tatlong Santos, dalawang Julia kabugan sa MMFF 2024 best actress
VILMA INVITES THE PRESS TO UNINVITED
Pahayag ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa meet-the-press bago ang parada ng mga bituin, “Malaking karangalan po na nakasama ang pelikulang Uninvited.
“Ito ho ay isang pelikula na ipinagmamalaki namin, something different that we can offer you, and something na…
“A movie that will thrill your hearts this coming Christmas. Directed by none other than Dan Villegas.
“Siyempre, malaking karangalan pong makasama ko ang magagaling na artistang nandidito po sa inyong harapan.”
Ang co-stars ni Ate Vi na nasa meet-the-press noong Sabado ay sina Nadine, Aga Muhlach, Tirso Cruz III, Elijah Canlas, RK Bagatsing, at Ron Angeles.

Dagdag ni Ate Vi, “Produced by Mentorque and Project 8, and distributed by Warner Bros.
“Uninvited, December 25. Sampung pelikula po ito na mapapanood niyo sa darating na Christmas day… but please don’t forget Uninvited because we are inviting you to watch it! Maraming salamat po!”
Ang premiere night ng Uninvited ay ngayong Disyembre 23, Lunes, sa Cinema 3 at 4 ng SM Megamall, Mandaluyong.
Ayon sa Facebook page ng Mentorque ay kasama ang ALL-STAR CAST sa premiere screening na ito.
Meron itong live streaming sa channels ng Mentorque, Project 8 Projects, Viva Films, Viva Artists Agency, KPex Official, Kapamilya Online World, Mega Kapamilya, Kapamilya Vines, Kapamilya Universe, Kapamilya Outsider, Kapamilya On Demand, Certified Kapamilya, StarXpress, Tatak Pelikula, Pikapika, at CinemaBravo.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars sidelights
AND THE BREADWINNER IS PREMIERE
Ngayong Monday night din ang celebrity premiere ng And The Breadwinner Is… sa Cinema 7 ng SM North EDSA, Quezon City.
Sabi ng isang kaibigan ay dadalo rito ang SB19 na kumanta ng "Mapa," ang theme song ng MMFF 2024 entry ni Vice Ganda.
Sa artcard ng celebrity premiere ng And The Breadwinner Is… ay nakalagay ang litrato nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Dadalo ba rito ang MaThon?
Read: ABS-CBN crisis management in full display sa Maris-Anthony mess

GORGY RULA
Maganda sana kung nakumpleto ang lead stars ng sampung MMFF 2024 entries, para masaya sana ang tsikahan nilang lahat sa loob ng artists’ tent bago nagsimula ang parada.
Kung umabot sana si Piolo Pascual, magandang tingnan kung nagkita sila roon ni Judy Ann Santos.
JUDY ANN ON BEST ACTRESS RACE
May nagsasabi ring sana, may piktyuran ding magkasama sina Judy Ann at Dennis Trillo, dahil sila raw ang hinuhulaang magwawagi sa acting category.
Pero sabi ni Juday, “Hindi talaga ako ano, e, hindi talaga ako kakampante sa trabaho na ginagawa ko, sa bawat pelikula na ginagawa ko, even from years ago.
“Parang feeling ko, 'Puwedeng ginalingan ko pa dito. Ah, dito parang okay siguro kung itong nuance ang naisip ko. Dapat ito ang ginawa ko.'
“Hindi lang ako bilib siguro sa aking sarili pagdating sa trabaho. And I think that’s a good thing kasi hindi ka kumampante sa sarili mong trabaho.
"Kumbaga, palagi kang on your toes when it comes to whatever part of the job o kung ano mang role na ibinigay sa iyo.”

Bukod pa riyan ay ang dami raw talagang magagaling, kaya ayaw niyang umasa.
“Tingnan natin. Ako naman, em masaya ako na tumawid yung trabaho namin sa mga tao. Naramdaman nila, ahhh yung pagod, hirap at emosyon na ibinigay namin,” sabi ni Juday.
“Natakot sila kahit papaano. Kumbaga, napakalaking Christmas bonus kung sakali man. Kasi nandiyan sina Ate Vi, nandiyan sina Aicelle, Julia, ang daming mahuhusay. At nung nakita ko yung latag ng mga trailers nila, ang titindi din ng mga bata, ha? Kumasa rin sila sa aktingan.
“Nakaka-proud, nakakatuwang isipin na marami nang sumeseryoso sa larangan ng pag-arte na hindi na lang ito basta pera-pera na lang. Hindi na lang to basta pagpapaganda, e, I’m happy na nirerespeto nila tong trabahong ito ang pagiging isang artista.”
Samantala, doon pa rin pala sa artist’s tent ay nagkita sina Vilma Santos at Lorna Tolentino.
Nag-“thank you” raw si Lorna kay Ate Vi. Sabi naman daw sa kanya ng Star For All Seasons, meant daw talaga kay LT ang role nito sa Espantaho.
Nagkayakapan din doon si Ate Vi at si Carlo Aquino na lead actor sa Hold Me Close.
Gumanap si Carlo bilang isa sa dalawang anak ni Ate Vi sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1998) na idinirek ni Chito S. Roño.
Read: Mga dapat abangang interaction sa MMFF 2024 Parade of Stars...
https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1115030357296799&id=100063695364918&rdid=ym8YpJ0HnYQ7nO2Q
NOEL FERRER
Noon pa nag-pre-selling ng tickets ang mga sinehan para sa entries ng 50th MMFF.
May mga sinehang naso-sold out na sa first day. May mga pelikula ring panay-panay ang block screening.
Siyempre, iyong mga pelikulang mas marami ang sinehan ay mas may chance na umariba agad sa first three days ng filmfest.
Sa Disyembre 27 ang awards night, at ang results niyon ay puwedeng makaapekto sa box-office performance ng ilang kalahok.
Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office
STRONG CONTENDERS
Maliban kay Dennis Trillo ng Green Bones, may mga humuhulang palaban din sa best actor sina Aga Muhlach ng Uninvited, Arjo Atayde ng Topakk, Vice Ganda ng And The Breadwinner Is…, Vic Sotto at Piolo Pascual ng The Kingdom, Carlo Aquino ng Hold Me Close, at Seth Fedelin ng My Future You.
Para sa mga kategoryang best supporting actor at best supporting actress ay napakaraming mahuhusay, kaya labu-labo ang labanan.
Read: Zig Dulay: Dennis Trillo exceeded expectations for Green Bones

Kagaya ng mga nakaraang taon, magde-deliberation at magbobotohan ang mga hurado ay sa Disyembre 27, Biyernes ng umaga, para walang leakage.
Kinumpima ito ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes noong Disyembre 21, Sabado ng hapon, sa French Baker sa SM Manila.
Paano nila sinisiguradong mapanatili ang credibility ng mga nagwawagi sa Gabi ng Parangal?
“Well, so far naman, sa last eight years na involved ako sa MMFF in different capacities, so far wala naman pong kontrobersya regarding awards,” sagot ni Chair Don Artes.
“Ang ginawa po kasi namin diyan, kumukuha po kami ng iba’t ibang experts. Bihira yung inuulit namin yung mga jurors.
“Tapos aside from experts, cinematographers, scriptwriters, directors, producers, musical scorers, iba’t iba po. Lagi pong may experts.
“Tapos hinahaluan po namin ng common na tao. Academician, some government officials, para po maging balanse.
“Kasi baka naman po masyado tayong maging technical na hindi na natin nate-take into consideration iyong pananaw ng common na tao.
“Kasi yung maganda sa technical, baka hindi naman maganda sa common na tao, di ba? So binabalanse po natin yan.
“At taun-taon po nagpapalit talaga tayo ng mga jurors po. Artists ang majority. So yun po, pag may nananalo, minsan depende po dun sa composition ng jurors, e.
“Kaya nga po natin iniiba-iba para hindi ngayong taon na ito, love story ang runaway winner, tapos next year, iyon na naman.
“So, iniiba-iba po natin para mag-iba-iba rin yung choice ng mga mananalo.”
Read: MMFF 2024: Premieres, best actress and best actor race
BOX-OFFICE GROSS
Umabot sa P1.2B ang kinita ng 49th MMFF, kung saan rumatsada ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Ano ang target nilang total gross para sa 50th MMFF?
“Hopefully ma-match or ma-surpass pero ako nga, lagi kong sinasabi iyan, instead na may isang runaway winner, mas gusto ko po kumita lahat ang mga pelikulang kalahok,” tugon ni Chair Don Artes.
“Dahil bakit? Pag ganun po, mas magiging buhay yung industriya. Marami pa ring susugal or tataya sa paggawa ng pelikula, particularly sa MMFF.
“Knowing na pag nakasali sila ay kikita sila at hindi malulugi, plus bonus yung maibebenta nila sa streaming platform nang mas mahal yung kanilang pelikula.
“So ako po, yun po ang hino-hope ko rather than ma-break yung record.”
Taun-taon ay may mga isyu at reklamo kaugnay sa mga kaganapan sa MMFF.
“Hindi po kumpleto ang MMFF kung walang intriga. Part na po ng selebrasyon iyan ng MMFF,” sabi ni Chair Don Artes.
“Siyempre hindi naman po lahat, kaya naming i-please. Pero asahan po nila na we’ll keep on improving para matugunan yang ganyang mga reklamo.
“Ia-address po para everybody happy rin.”
Read: MMFF Chair Don Artes: "This is the best lineup so far ng MMFF."
