JERRY OLEA
MEME-rriest ang bilang ng mga sinehan ng pelikulang And The Breadwinner Is… starring Vice Ganda.
As of December 23, Monday, sa cinema list na inilabas ng The IdeaFirst Company ay 195 cinemas ang nakatoka sa And The Breadwinner Is… sa December 25, Miyerkules — 50 cinemas sa Metro Manila, 85 cinemas sa Luzon, 32 cinemas sa Visayas, at 28 cinemas sa Mindanao.
Read: MMFF 2024: Anu-anong pelikula ang mas marami ang sinehan?
Sa cinema list ng Espantaho na inilabas ng Quantum Films ay 144 ang mga sinehan nito — 37 cinemas sa Metro Manila, plus 107 regional cinemas.
Sa cinema list na inilabas ng Mentorque Productions, 132 ang mga sinehan ng Uninvited — 33 cinemas sa Mega Manila, 60 cinemas sa Luzon, 20 cinemas sa Visayas, at 19 cinemas sa Mindanao.
Sa cinema list na inilabas ng APT Entertainment at MQuest Ventures, 129 sinehan ang naibigay para sa The Kingdom — 38 cinemas sa Metro Manila, at 91 cinemas sa provinces.
Sa apat na pelikulang iyan, 600 sinehan na!
SIX OTHER MMFF ENTRIES TO SHARE 300 THEATERS
As of December 24, ang Green Bones ay may 43 sinehan — 27 sa Metro Manila, pito sa Luzon, apat sa Visayas, at lima sa Mindanao.
Ngayong Disyembre 24, Martes, ay napag-alaman natin na ang My Future You ay may 43 sinehan din.
Ang Topakk ay nabigyan naman ng 36 sinehan — 26 cinemas sa Metro Manila, dalawang sinehan sa Luzon, dalawa rin sa Visayas, at anim sa Mindanao.
Post ni Aicelle Santos sa X (dating Twitter) nitong Disyembre 23, Lunes ng hapon, “ISANG HIMALA is showing in 32 cinemas. Catch us on the first screening days and pls help spread the word.
“Praying we get more cinemas so more people can see this masterpiece that i am very honored and blessed to be part of.”
Si Aicelle ang gumanap bilang Elsa sa rock musical na Isang Himala, kung saan may special participation si National Artist Nora Aunor.
Read: Isang Himala, maulit kaya ang tagumpay ng Himala sa MMFF?
Wala pa akong balita kung tig-ilan ng mga sinehan ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, at Hold Me Close.
Ayon kay MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes, mahigit 900 sinehan ang pagpapalabasan nationwide ng sampung entries ng 50th MMFF.

RUNNING TIME AND MTRCB CLASSIFICATIONS
Malaking bagay ang bilang ng sinehan sa hahamigin ng bawat pelikula sa takilya. Factors din na dapat ikunsidera ang running time ng pelikula, at iyong MTRCB rating.
Pawang lampas sa dalawang oras ang haba ng Isang Himala, The Kingdom, at And The Breadwinner Is…
Iyong pitong iba pang pelikula, ang running time ay isa’t kalahating oras or longer, but less than two hours.
Iyong Topakk ay dalawa ang MTRCB rating, R-18 at R-16.
Ang Uninvited ay R-16.
Ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay R-13.
Ang Isang Himala, The Kingdom, And The Breadwinner Is…, Hold Me Close, Green Bones, at Espantaho ay PG.
Ang My Future You ay G.
Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office
MTRCB PASS NOT VALID DURING MMFF 2024
Nito ring Disyembre 23, Lunes, ay naglabas ng importanteng advisory ang MTRCB kaugnay sa monitoring and inspection activies during the MMFF.
Reiteration iyon ng MTRCB memorandum, na ang paalala, “In view of the upcoming 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) on 25 December 2024 to 07 January 2025, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) reiterates that the privileges of the holders of deputy, amity, and legacy cards during the festival period are hereby suspended.
“As such, holders of these cards shall not be allowed admission during the whole MMFF Festival.
“However, the inspection and monitoring duties of the Board and its organic staff, pursuant to Section 13 of the Presidential Decree No. 1986 shall neither be hampered nor be subjected to any kind of restriction.
“Thank you for your understanding and let us continue supporting the Philippine film industry. Mabuhay ang pelikulang Pilipino sa Bagong Pilipinas.”
Read: MTRCB, inilabas na ang classification sa MMFF 2024 entries
GORGY RULA
Sa pagkakaalam ko, nadagdagan pa ang mga sinehan ang And The Breadwinner Is… kaya ilan na lang talaga ang maiiwan sa ilang producers na walang power mag-demand ng mas maraming sinehan.
Doble panalangin na lang talaga na maging maganda ang resulta sa box office ng ibang entries para makakuha sila ng mas maraming sinehan.
Kaya yung mga producers na may mahigit 100 cinemas, todo rin panalangin na mag-hit ang first day hanggang second day para hindi sila mabawasan ng mga sinehan.
So far, ang nakuha naming update sa iba pang entries, wala pa raw 50 cinemas ang Strange Frequencies: Taiwan Kiler Hospital.
Ang Green Bones ay may 43 cinemas lang.
Sabi ng naka-text kong taga-Regal, 43 rin ang mga sinehan ng My Future You.
Maganda ang feedback mula sa mga nakapanood ng My Future You, at may future sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa pelikulang ito.
Nag-text din kami sa taga-Viva kung ilang sinehan ang nakuha ng Hold Me Close, pero pina-finalize pa raw nila.
Crucial itong opening day bukas, dahil tiyak na mababago na ang bilang mga sinehan nila kinabukasan, depende sa resulta sa box office.
Read: Seth at Francine, nagulat sa kinalabasan ng My Future You
NOEL FERRER
Yung sa Metro Manila na bunutan ng slots, masasabi nating may attempt na pinagpapantay ang dami ng tao sa mga sinehan.
Take note, technically, hindi naman iyan dami ng sinehan lang. May sinehan na malalaki, may maliliit ang kapasidad.
Inayos iyan ng Playdate Committee para at least ma-even out ang mga taong manonood.
At ang Playdate Committee, kasama ang film representatives, ang nag-uusap kung dadagdagan o babawasan ang mga sinehan.
May consent ang mga ito ng lahat!
Kaya gusto ko ring papurihan ang lahat ng mga nagtatrabaho kapag Kapaskuhan.
Exciting manood ng mga pelikula sa 50th MMFF!!! Ano ba ang uunahin ninyo?
