GORGY RULA
Sa sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024, ang Isang Himala ang pinakamahaba ang running time — 2 hours and 25 minutes.
Ibig sabihin, mababawasan pa sila ng screening sa bawat araw. Kaya paano sila makakabawi riyan?
Totoo bang halos PHP60M ang budget ng Isang Himala na tinatampukan ng mga taga-teatro sa pangunguna ni Aicelle Santos?
Pero maganda raw ang pelikula, sana magustuhan ng mga manonood para madagdagan pa sila ng mga sinehan.
Read: Ricky Lee, kinumbinsi si Nora Aunor maging bahagi ng Isang Himala
MMFF 2024 OFFICIAL ENTRIES ALLOTTED CINEMAS
Itong Isang Himala ang may pinakakonting sinehan sa sampung entries ng MMFF 2024.
Sa latest infos na nakalap ng PEP Troika, heto so far ang bilang ng mga sinehan na nabigay sa festival entries:
And The Breadwinner Is… — 195
Espantaho — 144
Uninvited — 132
The Kingdom — 128
Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital — 45
Hold Me Close — 44
Green Bones — 43
My Future You — 41
Topakk — 38
Isang Himala — 32
Ang hirap talaga ng bubunuin ng producers ngayong MMFF.
Ang gusto pa naman ng mga taga-MMFF, hindi lang tatlo o apat na pelikulang makakabawi ang puhunan, kundi lahat. Kaya sana, mas marami ang manonood ngayon kumpara sa nakaraang taon.
Pero maulan ang Pasko ngayon, at nagbabaha pa sa ilang probinsiya. Baka hindi nito malagpasan ang box-office record ng unang araw noong MMFF 2023.
Kaya todo na sa pagpo-promote ang mga artista na karamihan ay mag-iikot na sa mga sinehan, at ang iba ay kinakarir na ang block screenings.
Read: MMFF 2024: 10 official entries open in cinemas today, December 25
JERRY OLEA
Kung ang Himala (MMFF 1982) ni National Artist Nora Aunor ay sa Paoay, Ilocos Norte syinuting ni National Artist Ishmael Bernal, ang rock musical na Isang Himala (MMFF 2024) ni Aicelle Santos ay sa studio kinunan ni Pepe Diokno.

Pagmamatuwid ni National Artist Ricky Lee sa mediacon ng Isang Himala, “Sa loob ng studio ginawa ang set. Kasi ang gusto ni Pepe na vision, walang eksaktong panahon. Walang eksaktong lugar.
“Expressionistic siya. It can happen anytime. Hindi necessarily noon o ngayon. Parang Never Neverland.
“So sinet sa isang mining town. And then yung studio ang nagke-create ng mining town. So doon nag-shoot the whole time.
“Noong natapos ang ilang mga eksena na malalaki, tinibag yung buong studio, gumawa na ng bagong set.”
So, malaki ang production budget ng Isang Himala?
Tumango si Sir Ricky, “Yes, medyo malaki. Yes, malaki ang budget. Ako rin, nalulula na. Ganito pala kalaki? Unang-una, musical.”
Naikumpara ni Sir Ricky ang Isang Himala sa musical film na Wicked dahil live din ito sa set.
“Hindi dubbed yung pagkanta. Live silang kumakanta sa set. Kaya paulit-ulit, paulit-ulit silang kumakanta sa maraming takes sa set,” salaysay ni Sir Ricky.
“Nung inuulan sila, paulit-ulit silang kumakanta even if mahirap. Kasi, gravel, mining time, so may mga alikabok.”
Si Sir Ricky ang scriptwriter ng Himala.
Dalawa sila ni Vincent de Jesus na credited sa screenplay ng Isang Himala, kung saan may special participation si Nora.
Maliban kay Aicelle, nasa cast ng Isang Himala sina Bituin Escalante, David Ezra, Kakki Teodoro, Sweet Tiongson, Joann Co, Neomi Gonzales, Floyd Tena, at Vic Robinson.
Read: Isang Himala producers "hopeful" amid strong competition in MMFF

WILL ISANG HIMALA MAKE A MIRACLE IN MMFF 2024 AWARDS NIGHT?
Tingnan kung magkakaroon ng himala sa takilya sa golden edition ng MMFF.
Abangan natin kung hahakot ng parangal ang Isang Himala, considering na palaban din sa awards ang Uninvited ni Direk Dan Villegas, Espantaho ni Direk Chito S. Roño, at Green Bones ni Direk Zig Dulay.
Puwede ring makasilat ng trophies lalo na sa technical categories ang Topakk ni Direk Richard Somes, The Kingdom ni Direk Mike Tuviera, at My Future You ni Direk Crisanto Aquino.
Babawi kaya this year si Direk Jason Paul Laxamana with Hold Me Close? Disappointing ang Penduko niya sa 49th MMFF.
Iyong Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, crowd-pleaser sa mga magbabarkadang Gen Z. Pakiwari ko’y hindi makikipag-agawan sa tropeyo ang obrang ito ni Direk Kerwin Go.
Ang MMFF entries ni Vice Ganda ay naiitsapuwera before sa awards night, pero with Direk Jun Robles Lana behind And The Breadwinner Is… malay mo, malay ko, Malaybalay, Bukidnon…
Read: Isang Himala, maulit kaya ang tagumpay ng Himala sa MMFF?
NOEL FERRER
Kaya logical na sana ay unahin ng mga tao ang kokonting sinehan.
Isa ring makakatulong talaga ay block screenings na ang maganda, puwedeng mag-talk back kasama ang mga artista at filmmakers.
Excited ako kung paano tatangkilikin ng mga kababayan natin ang 50th MMFF.
Kahit na medyo umaambon ngayon, sana ay blessing iyan — suungin sana ng mga Pinoy at magkaroon ng outpouring of support sa mga pelikulang lahok sa 50th Metro Manila Film Festival.
Kita-kits sa mga sinehan. Maligayang Pasko!!!
