GORGY RULA
Hindi magkasama nitong Christmas eve ang kilalang showbiz couple na, lingid sa kaalaman ng karamihan, ay nagkabalikan na.
Tahimik ang pagbabalikan nila.
Wala na ring nakikita sa kanilang social media posts.
Para iwas-okray mula sa netizens at hindi na mapakialaman ng mga magagaling, minabuti ng showbiz couple na manahimik na lang.
Kapag tatanungin kung sila na ba uli, tiyak na ide-deny nila.
Read: Sexy star, matagal nang hiwalay sa napapabalitang boyfriend
TOGETHER IN NEW YEAR
Nahuli lang ng isang kaibigan kung magkasama ba ang showbiz couple nung Pasko.
Ang bilis naman ng sagot ni Guy na kasama nila ang kani-kanyang pamilya. Pero sa New Year daw ay magkasama sila ni Girl na sasalubungin ang Bagong Taon.
Inaasahang sa 2025 ay magiging masaya na sila sa kanilang relasyon na walang makikialam. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.
Marami silang natutunan nang pansamantala silang naghiwalay.
Sana sa kanilang pagbabalikan, maging maayos na ang kanilang pagsasama at lalong bumongga ang kanilang showbiz career.
Read: BLIND ITEM: Two breakups, what went wrong?
JERRY OLEA
Samantala, may kumalat na tsismis na break na raw ang dalawang young stars na tahimik din ang relasyon.
Sabi nga ng iba, hindi pa umaaming sila na, break na agad!
Hindi kami natahimik kaya tinanong namin ang isang taong malapit kay young actress kung totoong break na ba sila ng dyowa nitong young actor.
Ang bilis daw ng sagot ni young actress, "Ay! Hindi ako na-inform na break na pala kami!"
Natawa na lang daw si young actress at hinahayaan na lang yung mga nagkakalat na break na sila.
Ang mahalaga ay masaya sila at magkasama sila noong nakaraang Pasko.
Ang bongga naman ng lovelife nila!
Read: Kaaya-ayang aktres at guwapong boyfriend, mahilig sa kandungan
NOEL FERRER
Sa nakaraang premiere night ng The Kingdom, sinabi ni Cristine Reyes na matagal nang nakaplanong magkasama sila ng nobyong si Marco Gumabao nitong Christmas eve.
Pero sabi ni Marco, na dumalo rin sa premiere night, “Sa 24, dun siya sa house nila Ara [Mina], ako naman dun ako sa house ko.
"Pero same subdivision naman kami so magbibisitahan kami sa 24.
"Pero sa 25, kami magkasama with Amara."
Si Amara ang anak ni Cristine sa estranged husband nitong si Ali Khatibi.
Read: Marco Gumabao, hinulaan noong mai-in love sa babaeng may anak
Kasama ni Marco si Dominic Roque na dumating sa premiere night ng The Kingdom.
Inamin din ni Dominic na magkasama ni Sue Ramirez ngayong Pasko.
"Yes, magkasama kami with families also. Magkahiwalay kami ng families, pero after that, we might see each other," pakli ni Dominic sa tanong ng PEP Troika kung magkasama sila ni Sue ngayong Pasko.
