JERRY OLEA
Hindi pumasa sa pihikang panlasa ng mga hurado sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang acting ni Aga Muhlach sa pelikulang Uninvited.
Ang Golden Boy o nagwagi ay ang llamadong si Dennis Trillo (Green Bones).

Ang lima pang nominadong best actor sa MMFF 2024 ay sina Vice Ganda (And The Breadwinner Is…), Seth Fedelin (My Future You), Vic Sotto (The Kingdom), Piolo Pascual (The Kingdom), at Arjo Atayde (Topakk).
Ang presenters ng best actor award ay sina Makati Mayor Abby Binay, Tirso Cruz III, at John Arcilla.
Si Tirso ay kasama sa cast ng Uninvited, na tinampukan nina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga—sa direksiyon ni Dan Villegas.
Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal
50th MMFF JURY
Si John Arcilla, na best actor sa 78th Venice International Film Festival noong Setyembre 2021 para sa On The Job: The Missing 8, ay isa sa labintatlong hurado ng 50th MMFF.
Ang chairman ng Lupon ng Inampalan ay si Dr. Nicanor Tiongson, theater critic at dating bise-presidente ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Ang co-chairman ay ang multi-awarded scriptwriter-direktor na si Direk Jose Javier Reyes, na chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Naidirek ni Direk Joey si Aga sa mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal (MMFF 1992), May Minamahal (MMFF 1993), Nag-iisang Bituin (1994), Bayarang Puso (1996), Narinig Mo Na Ba Ang L8est? (2001), Kung Ako Na Lang Sana (2003), at When Love Begins (2008).
Back-to-back na nag-best actor si Aga sa MMFF noong 1992 at 1993 para sa movies directed by Jose Javier Reyes.
At any rate, ang vice-chairman ng Board of Jurors ay si Secretary Amenah Pangandaman ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang iba pang mga hurado ay sina Direk Paolo Villaluna, Roy Iglesias, Jesse Ejercito, Lee Briones-Meily, Thomas Orbos, Atty. Cesar Ona Jr., Marinel Cruz, Racquel Wong, at Evylene Advincula.
Ang mga huradong sina Thomas Orbos, Direk Jose Javier Reyes, Jesse Ejercito, Evylene Advincula, at Roy Iglesias ay kabilang sa 25 bumubuo ng MMFF Executive Committee.
Wala tayong question sa pagkapanalo ni Dennis.
Nag-best actor na siya sa MMFF para sa One Great Love (2018).
Sa red carpet, nakita ko nang lapitan, kamayan, at yakapin ni Aga si Dennis na kasunod niyang dumating.
Nagpa-picture din si Aga kasama ang Team Topakk na kinabibilangan nina Arjo Atayde, Elijah Canlas, Kokoy de Santos, at Sylvia Sanchez.

Matapos ang best actor award, ang kasunod na kategorya ay best actress kung saan isa sa presenters si Aga.
Ang Golden Girl o nagwaging best actress ay ang llamado ring si Judy Ann Santos (Espantaho).

Ang iba pang nominadong best actress ay sina Aicelle Santos (Isang Himala), Francine Diaz (My Future You), Jane de Leon (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital), Julia Montes (Topakk), at Vilma Santos (Uninvited).
Nahuli ng kamera ang matamis na ngiti ni Francine nang mabanggit ang kanyang pangalan.

Naligwak sa mga nominado si Julia Barretto (Hold Me Close) na nakatambal ni Aga sa pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko (Pebrero 2024).
50th MMFF AWARDS PER FILM
Nakaanim na award ang Green Bones—best picture, best actor (Dennis Trillo), best supporting actor (Ruru Madrid), best child performer (Sienna Stevens), best screenplay (Ricky Lee at Angeli Atienza), at best cinematography (Neil Daza).
Ang Green Bones ay idinirek ni Zig Dulay, at prinodyus ng GMA Pictures.

Tiglima ng award ang The Kingdom at Isang Himala.
Wagi ang The Kingdom bilang 2nd best picture, best director (Michael Tuviera), best production design (Nestor Abrogena), best visual effects (Riot, Inc.), at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
Panalo ang Isang Himala bilang 4th best picture, best supporting actress (Kakki Teodoro), best musical score (Vincent de Jesus), best original theme song ("Ang Himala ay Nasa Puso," na inawit ni JK Labajo), at special jury prize.
Nakaapat na tropeo ang My Future You—3rd best picture, best director (Crisanto Aquino), breakthrough performance (Seth Fedelin), at best editing (Vanessa Ubas de Leon).
Tatlo ang napanalunan ng Topakk—FPJ Memorial Award for Excellence, special jury prize, at best float.
Dalawa ang natamo ng And The Breadwinner Is…—special jury citation (Vice Ganda) at Gender Sensitivity Award.
Tig-iisa ang Espantaho (best actress, Judy Ann Santos), Uninvited (best float), at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital (best sound, Ditoy Aguila).
Bokya ang Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Tabla sa mga kategoryang best director at best float. Dalawang pelikula ang nagkamit ng special jury prize.
GORGY RULA
EUGENE DOMINGO AND GLADYS REYES, NOT NOMINATED
Hindi lang si Aga Muhlach ang inisnab ng mga hurado ng MMFF kundi pati si Eugene Domingo ng And The Breadwinner Is... na may special participation din sa Espantaho.
Nagsisintir ang mga netizens na hindi man lang daw isinama si Eugene sa mga nominado sa best supporting actress.

Napasama nga si Jhong Hilario sa mga nominado sa best supporting actor, pero ang gumaganap na asawa niya ritong si Gladys Reyes ay inirapan din ng mga hurado.

Maliban sa winner na si Kakki Teodoro ng Isang Himala, ang iba pang nominadong best supporting actress ay sina Chanda Romero (Espantaho), Lorna Tolentino (Espantaho), Cristine Reyes (The Kingdom), Gabby Padilla (Uninvited), at Nadine Lustre (Uninvited).
Pumapel si Kakki bilang Nimia sa rock musical na Isang Himala. Matatandaan na ang MMFF 1982 best supporting actress ay si Gigi Dueñas, na gumanap bilang Nimia sa Himala.
“May himala! May himala po kay Nimia. Na-mention ko po siya [Gigi] sa thank you speech ko!” bulalas ni Kakki.
“Hangang-hanga ako sa paggawa niya ng Nimia and because of watching her, nabuo ko rin yung Nimia na sa akin naman po.”
Ang presenter ng best supporting actress award ay ang bida sa Isang Himala na si Aicelle Santos.
Pag-akyat ni Kakki sa stage ay agad na nagyakapan sila ni Aicelle nang mahigpit. Ang mga nominadong best supporting actor ay sina Jhong Hilario (And The Breadwinner Is…), Kokoy de Santos (And The Breadwinner Is…), Ruru Madrid (Green Bones), David Ezra (Isang Himala), Sid Lucero (The Kingdom), at Sid Lucero (Topakk).
Dalawa ang panlaban ni Sid, pero kinabog siya ni Ruru.
Inisnab din ng jurors ang direktor ng Uninvited na si Dan Villegas.
Ang mga nominadong best director ay sina Chito Roño (Espantaho), Pepe Diokno (Isang Himala), Crisanto Aquino (My Future You), Richard Somes (Topakk), at Michael Tuviera (The Kingdom).
Tie sina Direk Crisanto at Direk Michael.
Ang pelikulang Hold Me Close ay kinaligtaan din na kahit sa best float ay hindi man lang na-nominate.
Kaya naman ang daming hanash ng mga netizens na nag-trending ang MMFF sa X kagabi, December 27, 2024.
Pero pinuri namin si Aga na napaka-cool noong gabing yun. Nakakaloka nga ang segue na pagkatapos siyang hindi na-nominate sa Best Actor, siya na ang kasunod na nag-present ng Best Actress kasama sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval at Senator Francis Tolentino.
Talagang tinapos nila ni Ate Vi ang Gabi ng Parangal, kahit na sa best float lang wagi ang Uninvited—at katabla pa ang Topakk.
Siyempre, ramdam mo ang pagkadismaya ng mga taga-Uninvited, pero ang ganda pa rin ng kanilang ngiti. Nakikita sa kanila ang pagsuporta sa isa't isa, manalo man o matalo.
Sabi nga ni Ate Vi, isa ito sa adbokasiya niya: ang lalong pasiglahin ang ating movie industry, kaya masaya siya sa kinalabasan ng MMFF ngayong taon, at napabongga nang husto ang katatapos lang na Gabi ng Parangal.
"Oo naman!" mabilis niyang pakli sa sinabi naming nakakatuwa at tinapos niya ang kabuuan ng parangal.
"Yun lang naman ang importante at this point in time, na mabalik, at alam mo ang adbokasiya ko pagdating diyan, mabalik lang ang sigla ng movie industry, panalo na ako dun.
"Look, glitz and glamour bumabalik na. Ito yung nawala sa atin nun, di ba? So, nandito tayo ngayon, maayos lahat. Ito yung nawala before. Now na it's coming back, I'm very very happy kasi mundo ko rin ito," masayang pahayag ni Ate Vi.
"Uy! Panoorin niyo rin yung Uninvited. I'm very proud of this movie, mag-e-enjoy kayo," naka-thumbs up pang pahayag ni Ms. Vilma Santos-Recto.
NOEL FERRER
Ang sabi ko nga sa Facebook:
"YOU MAY AGREE OR DISAGREE WITH THEIR CHOICES … but the integrity of each and every member of the Jury since we took charge in 2016, especially on this 50th Edition of the MMFF cannot be assailed.
"They have exhaustively deliberated and decided on the nominees and the winners from 9:00 AM-4:30 PM yesterday… No leaks, definitely no cooking show… only the Jury Chair and the MMFF Executive Director knew the results, not even I or any member of the Execom.
"Rest assured, there was due process and the judgment was fair and sound AND FINAL!!!"
Read:
REVIEW: Espantaho’s strength is in the power of three
REVIEW: Green Bones, a guaranteed tearjerker
REVIEW: Isang Himala shines with powerhouse performances
REVIEW: Topakk delivers a visual feast, strong acting performances
REVIEW: Uninvited, a gripping masterpiece of revenge
REVIEW: Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, the horror movie for your squad
REVIEW: My Future You, an emotional rollercoaster worth watching
