JERRY OLEA
Sa pagtatapos ng 2024, dalawang Hollywood movies lamang ang lampas US$1B ang worldwide gross for that year.
Ayon sa Box Office Mojo, ang animated film na Inside Out 2 ay may global gross na $1.7B, samantalang ang superhero film na Deadpool & Wolverine ay naka-$1.34B.
Read: Deadpool & Wolverine, $444.6M agad-agad ang worldwide gross

Bale 37 pelikula ang lumampas sa $100M ang worldwide gross.
Read: Deadpool & Wolverine, $444.6M agad-agad ang worldwide gross

Pangatlo sa talaan ang animated film na Despicable Me 4 with $969M.
Pang-apat ang animated film na Moana 2 with $897M, at panlima ang Dune Part 2 with $714M.

Pang-anim hanggang pansampu ang Wicked with $640M, Godzilla x Kong: The New Empire with $572M, Kung Fu Panda 4 with $548M, Venom: The Last Dance with $477M, at Beetlejuice Beetlejuice with $451M.
Ang mga sumunod sa palakihan ng global gross noong nakaraang taon ay Gladiator II with $435M, Bad Boys: Ride or Die with $405M, Kingdom of the Planet of the Apes with $397M, Twisters with $371M, It Ends With Us with $351M.
Alien: Romulus with $351M, Mufasa: The Lion King with $343M, The Wild Robot with $324M, Red One with $281M, A Quiet Place: Day One with $262M.

The Garfield Movie with $235M, Sonic the Hedgehog 3 with $211M, Joker: Folie a Deux with $206M, Ghostbusters: Frozen Empire with $202M, IF with $190M.
The Fall Guy with $181.1M, Bob Marley: One Love with $180.8M, Furiosa: A Mad Max Saga with $174M, The Beekeeper with $153M, Smile 2 with $138M.
Transformers One with $129M, Longlegs with $127M, Civil War with $126M, Detective Conan: The Million-Dollar Pentagram with $108M, Mean Girls with $105M, Madame Web with $100.5M, Haikyu!! The Dumpster Battle with $100.3M.

Iyong malalakas sa North America ay umariba rin sa international market. Pero merong movies na mas umarangkada outside US and Canada kesa domestically.
Magbabago pa ang ranking dahil showing pa ang ilang movies.
Kapapalabas pa lamang ng Mufasa: The Lion King at Sonic the Hedgehog 3. Rumaratsada pa ang Wicked, Moana 2, at Gladiator II.
Read: Despicable Me 4, kumita na ng $434M worldwide gross
FLOP MOVIES
Hindi porke lampas $100M ang worldwide gross ay kumita na ang pelikula. Ikukunsidera mo riyan ang gastos sa pagbuo at promo.
Halimbawa, iyong Joker: Folie A Deux. Ang budget ay tinatayang nasa pagitan ng $190M at $200M, pero naka-$206M lamang.
Lugi ang producer. Considered itong box-office flop.
Iyong Madame Web, ang budget ay nasa pagitan ng $80M at $100M. Ang hinamig ay $100.5M lamang, kaya semplang ito.
Maraming nagsasabing itong Madame Web ay isa sa pinakapangit na pelikula ng taon, at isa rin daw sa worst superhero movies of all time.

Pinaka-flop na movie last year ang Megalopolis na ang budget ay hindi raw bababa sa $120M, pero naka-$14M lamang sa takilya.
Iyong Argylle, ang budget ay $200M. Ang global gross, $96M.
Ang iba pang Hollywood films na disappointing ang box-office results last year ay Borderlands; Fly Me To The Moon, Here; The Ministry of Ungentlemanly Warfare; The Crow; Horizon: An American Saga - Chapter 1; The Fall Guy; Harold and the Purple Crayon; at Lisa Frankenstein.
Read: Megalopolis ni Francis Ford Coppola, mega-flop sa box office
MOST ANTICIPATED FILMS OF 2025
Kabilang sa Hollywood films na aabangan natin ngayong 2025 ang Superman; Avatar: Fire and Ash; Snow White; Captain America: Brave New World; How To Train Your Dragon; Wicked: For Good; Mission: Impossible - The Final Reckoning; at Jurassic World: Rebirth.
Nariyan din ang Thunderbolts; 28 Years Later; A Minecraft Movie; From The World of John Wick: Ballerina; The Fantastic Four: First Steps; M3GAN 2.0; Now You See Me 3; Wolf Man; at Elio.
Abang-abang din tayo sa The Legend of Ochi; Sinners; Mickey 17; A Big Bold Beautiful Journey; F1; Freakier Friday; Tron: Ares; Thread: An Insidious Tale; The Conjuring: Last Rites; Saw XI; Predator: Badlands; Michael; The Black Phone 2; Mortal Kombat 2; at Zootopia 2.

BIGGEST LOCAL FILMS IN 2024
Ang unang pelikulang Pinoy na pinilahan ng moviegoers last year ay ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/Happy For You.
Nag-showing ito noong Agosto 14, na kasagsagan ng Ghost Month.
Nagpayanig sa takilya ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Again na ipinalabas noong Nobyembre 13.
Ito na ang pinakamalakas na Pinoy movie sa kasaysayan — domestic man o worldwide gross ang pag-uusapan.
Read: Hello, Love, Again lagpas PHP1.4B na ang worldwide gross

Ang third Pinoy movie na rumatsada last year ay ang MMFF 2024 entry ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…
Matapos humakot ng awards, more and more ang nanonood sa MMFF 2024 entry nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na Green Bones.
Mino-monitor din natin ang box-office performance ng The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual, Espantaho ni Judy Ann Santos, at Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre.
Read: MMFF 2024 Top 4 sa box office sa opening day
PINOY MOVIES IN 2025
May mga Pinoy movies nang kasado ang showing this year.
Tingnan natin kung magpapakilig nang lubos sa Valentine season ang tambalang Kim Chiu-Paulo Avelino sa pelikulang My Love Will Make You Disappear.
Exclusive sa SM cinemas ang showing sa Enero 22 ng How to Get Away from My Toxic Family na bida si Zanjoe Marudo.
If ever, kasabay nito ang showing ng Sinag Maynila film ni Rebecca Chuaunsu na Her Locket.
Tuloy kaya sa Pebrero ang showing ng Paquil nina Beauty Gonzalez at JM de Guzman, at Fatherland nina Allen Dizon at Iñigo Pascual?
Read: Her Locket film, a poignant family drama on grief, dementia
THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA
Nitong unang araw ng Enero ay nagpasabog online ang bagong pelikula ni Direk Darryl Yap na The Rapists of Pepsi Paloma, kung saan bida ang dating child actress na si Rhed Bustamante.

Maaaprubahan kaya ng MTRCB ang nasabing title?
Iyong title na The Rape of Virginia P. ay na-disapprove ng MTRCB at naging Virginia P. (1989) na lamang. Bida roon si Alma Moreno, sa direksiyon ni Joey Gosiengfiao.
Sa teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma, nagsusumigaw si Gina Alajar (bilang Charito Solis) na tinanong si Rhen (bilang Pepsi), “Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?!”
Naghuhumiyaw rin si Rhen, “Oo!”
Read: Darryl Yap, nag-ingay agad ngayong 2025 with The Rapists of Pepsi Paloma teaser
Ang kasalukuyang chairperson ng MTRCB ay si Lala Sotto-Antonio, na pamangkin ni Vic.
Noong nakaraang taon ay na-X ng MTRCB ang Dear Satan ni Paolo Contis at Alipato at Muog.
Sa second review ng docu na Alipato at Muog ay naaprub na ito.
Maaaprubahan kaya ng MTRCB ang title, trailer at/o kabuuan ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma?
Read: Paolo Contis, JL Burgos puzzled by X for Dear Satan, Alipato at Muog
GORGY RULA
Ramdam ko ang tinik sa dibdib na dinadala ngayon ng karamihan ng local movie producers na namuhunan ng napakalaking halaga, pero walang katiyakan kung maibabalik ito sa kanila.
Sa kinalabasan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024, talo ang producers.
Sabi ng ilang analysts, itong And The Breadwinner Is… lang ni Vice Ganda ang makakabawi.
Hindi pa nga masasabing kumita ito ng malaki dahil hindi naman ito kasinlakas ng nag-topgrosser last year na Rewind.
Read: Vice Ganda movie, ma-break kaya ang box-office record ng Rewind?

Ang natitirang siyam na pelikulang kalahok ay mahihirapan pa talagang makabawi.
Merong ibang platforms na puwedeng pagkakitaan ng kanilang pelikula, pero hindi pa sapat.
Kung maibebenta nila ito sa ibang bansa, baka puwede pa.
Pero may tutulong ba sa kanila para maibenta ito?
Ano na ngayon ang mangyayari sa Manila International Film Festival na nagpabida lang noong nakaraang taon ang ilan sa nag-organize nito?
Aatras na kaya ang posibleng mag-finance nito dahil hindi nagwagi ang bet nilang pelikula?
Totoo bang ginastusan ng isang ahensiya ang nakaraang Gabi ng Parangal, pero nadismaya lang sila sa kinalabasan ng resulta?
Marami pa kaming kuwentong nasagap na may kinalaman sa 50th MMFF.
Dito na lang tayo umaasa na makakabawi ang ating movie industry, pero nakakapanlumo ang resulta.
Sana may magawa pa tayo, at malinaw sana kung ano talaga ang suporta ng gobyerno sa ating industriya.
Hindi kasi nakikita ang suportang yun sa pakonsiyerto sa Malacañang at ang pagdalo ng ilang pulitiko at pagbibigay nila ng inspirational message sa MMFF awards night, e.
Ano ang puwedeng magawa para suportahan ang ating producers na maipagpatuloy pa rin ang paggawa ng pelikula sa kabila ng sunud-sunod na pagkalugi?
Sana, may magawa itong binuong CineGang, Inc. para mabigyan ng atensiyon ang ating film producers, lalo na na ang mga maliliit na hindi makaporma kapag tinapatan na ito ng mga powerful na produksiyon.
Read: Movie industry leaders, nakipagpulong kay First Lady Liza Marcos
NOEL FERRER
Sa tingin ko, we have a lot of gains naman this year sa 50th MMFF.
More than ever, nakita natin ang pagsasanib-puwersa ng mga sektor na may kinalaman sa pelikula at talagang tumodo naman sila sa pagsuporta sa 50th edition ng MMFF.
Marami tayong matututunan sa magiging final results ng filmfest na hanggang sa Enero 7, 2025, Martes.
Sana, ipagpatuloy pa ang panonood ng sine at nakakatuwa at may mga nagto-talkback sessions pa sa sinehan.
Sana, maipagpatuloy pa ito.
As for the post mortem of the 50th MMFF, magkakaroon ng presscon at report na rin si Atty. Don Artes, at yun ang hihintayin natin.
