JERRY OLEA
Noong Disyembre 27, 2024, Biyernes, ginanap ang Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan pinagkalooban si Vice Ganda ng Special Jury Citation.
Read: Vice Ganda wins this award at MMFF 2024 Gabi Ng Parangal
Sa live telecast ng noontime show na It’s Showtime ngayong Enero 2, 2025, Huwebes, ay muling nagpasalamat si Vice sa MMFF para sa nasabing award.
Ang presenters ng nasabing award ay sina Dennis Trillo at Lorna Tolentino.
Hindi binasa ni Dennis ang paliwanag sa cue card kung para saan ang citation na iyon. Kaya pag-akyat ni Vice sa entablado ay nagtatanong siya kung para saan iyon.
Binasa kapagkuwan ni Dennis ang nakasaad na citation: “The Jury of the 50th MMFF awards a special citation to a performer who has broken the ground and gone out of the familiar and comfort zone to prove his growth as an artist and tackle issues relevant to contemporary society.
“The MMFF Jury honors Vice Ganda for his achievement in this year's festival.”
Read: Lorna, Dennis nagsalita sa isyu ng special citation ni Vice Ganda

Kuwela ang mga paandar ng Unkabogable Golden Horse matapos marinig ang citation. Tawang-tawa ang karamihan sa audience.
Sa ganang akin ay hindi iyon offensive.
Comedian si Vice, at napasaya niya ang mga tao noong gabing iyon.
Take note na 5:30 P.M. pa lang ay umpisa na ng red carpet.
Pasado 8:00 P.M. nagsimula ang programa mismo, na halos limang oras, at nagtapos bago mag-1:00 A.M.
VICE GANDA DESERVES SPECIAL JURY CITATION
Dasurv ni Vice na pagkalooban ng Special Jury Citation dahil sa kakaibang pelikula at pagganap niya sa direksiyon ng multi-awarded scriptwriter and director na si Jun Robles-Lana.
Ang pelikula niyang And The Breadwinner Is… ang topgrosser ng golden edition ng MMFF.
Read: Vice Ganda movie, ma-break kaya ang box-office record ng Rewind?
Nagpasigla si Vice sa filmfest lalo pa’t sinipagan niya ang pagmo-mall tour at pagdalo sa block screenings.

Dasurv ni Vice na mapabilang sa best actor nominees, along with Dennis Trillo, Vic Sotto, Piolo Pascual, Arjo Atayde, and Seth Fedelin (na nagkamit ng breakthrough performance award).
Read: Vice Ganda raves about success of 50th MMFF Gabi ng Parangal
Take note na si Vice Ganda ang pinakamalaking bituin na dumalo sa announcement ng Final 5 entries ng 50th MMFF noong Oktubre 22 sa The Podium, Mandaluyong City.
Naimbitahan sa nasabing event ang mga bida ng First 5 entries na napili via screenplay — And The Breadwinner Is…, Green Bones, Isang Himala, The Kingdom, at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Wala sa nasabing event sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Dennis Trillo, at Ruru Madrid.
Pero si Vice, nandoon.

Present din si Vice sa Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino noong Disyembre 15 sa Kalayaan Grounds ng Malacañang.
Wala roon sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Aga Muhlach, Vilma Santos, Judy Ann Santos, Nadine Lustre, Dennis Trillo, Carlo Aquino, at Eugene Domingo.
Maliban kay Vice, kabilang sa MMFF 2024 stars na nanood ng nasabing concert sina Aicelle Santos, Lorna Tolentino, Julia Barretto, Francine Diaz, Seth Fedelin, Mylene Dizon, Chanda Romero, JC Santos, Tirso Cruz III, Arjo Atayde, Julia Montes, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero, Enrique Gil, Alexa Miro, Rob Gomez, Kokoy de Santos, Ron Angeles, Nico Antonio, MJ Lastimosa, at Raf Pineda.
Read: Konsyerto Sa Palasyo: highlights and sidelights

Sa Parade of Stars noong Disyembre 21 sa Maynila, present si Vice.
Ang bukod-tanging big star na MIA (missing-in-action) sa parada ng mga bituin ay si Papa P.

GORGY RULA
Iwasan na lang sanang magpaka-nega, kaya palagpasin na lang, sabi nila.
Pero kung uriratin nang mabuti, bakit nga ba hindi binasa ni Dennis ang citation para kay Vice?
Iyon ang patuloy pa ring umuukilkil sa utak ko. Kasi, nakita ko ang cue card na dapat basahin ng presenter — dapat mo talagang basahin. Mahaba-haba nga lang.
Kaya siguro iniwasan nang basahin ni Dennis at baka magkamali pa siya, magka-bakel-bakel pa.
Pero humaba na ang isyu dahil sa mga binitiwang pahayag ni Vice Ganda.
May mga nasaktan, may nagalit at ilang taong pinagalitan na wala namang kinalaman sa pagkakamaling yun.
Read: Netizens react to MMFF 2024 Gabi ng Parangal production mishaps
LASING MOMENT?
Masaya ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2025, dahil nagkikita-kita ang lahat. Ang saya ng tsikahan with matching inuman. Kaya nalasing na ang iba.
Dala ba ng kalasingan kaya napamura ang isang taong involved sa isang pelikula?
Dinig na dinig ng isang miyembro ng jury nang minura sila ng taong ito dahil hindi ito natuwa sa resulta ng winners.
Kasi naman, ang isa pang narinig namin, may koneksiyon daw ang taong ito sa nag-ayos para mairaos ang magarbong selebrasyon.
Malaki raw ang naitulong nito sa MMFF para maging maganda at pabulosa ang Gabi ng Parangal, pero hindi sila natuwa sa mga napiling winners ng jury. Kaya siguro hindi napigilang magmura.
Nakakalungkot lang dahil pinaghandaan nang husto itong 50th MMFF, pero mas pinag-usapan ang mga ganitong alingasngas.
Kaya deserved pa ring pasalamatan ang lahat na bumubuo ng MMFF, dahil talagang pinaghirapan nilang mapaganda ang buong filmfest.
Bukod pa riyan, magaganda talaga ang lahat na mga pelikulang kalahok.
Read: MMFF 2024 awards results stay, kahit maraming kuda at hanash
NOEL FERRER
Tao na mismo ang nagsabing maganda ang lineup ng mga pelikulang lahok sa 50th MMFF kaya tumodo ang lahat para mai-promote ito at maipaalam sa moviegoers na ultimately siyang susuporta sa mga pelikulang ipapalabas.
Tumodo, lumelevel up lahat, at doon pa lang panalo na tayong lahat, lalo pa’t magaganda at worth it talagang gastusan ang bawat pelikulang naging entry sa festival.
From the launch to the announcement of the official entries to the mediacon and fans day to the Parade hanggang sa awards night, level up and setting new standards ang lahat ng ito.
Kung may hindi man nasiyahan, saan mang parte ng festival, matututo tayo roon.
Read: MMFF Chair Don Artes: "This is the best lineup so far ng MMFF."
Pero katulad ng naunang sinabi ko, hindi pa tapos ang festival.
Kung sinasabi nating may malasakit tayo sa industriya, panoorin natin LAHAT hangga’t sa makakaya natin ang mga entry.
Huwag na muna tayong maniwala sa kumakalat na mga fake news about the figures and updated rankings daw, pati ang presscon sa Summer MMFF daw sa Pasig.
Hintayin na lang natin ang magiging pahayag at report ni MMDA/MMFF Chairman Don Artes sa January 8 after the duration of MMFF50.
Salamat, MMFF, sa lahat ng nagawa nito lalo na ngayong taon.
Ang sabi nga ni FDCP Chair Jose Javier Reyes, how can you top that? Mahirap!
And for the record, nililinaw ni Direk Joey na hindi pinangarap ng FDCP, lalo na under his administration, na kamkamin o kunin ang MMFF sa MMDA.
Alam ni Direk Joey kung gaano kahirap at kalaking trabaho ito.
Partner ang FDCP, major support. Hindi pabida, aniya!
