JERRY OLEA
Pumasok sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ang pelikulang Love Child.
Ang nasabing movie ay pinagbidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing, at isa sa sampung feature-length finalists sa 20th Cinemalaya filmfest noong Agosto 2024 sa Ayala Malls Manila Bay.
Ang logline ng Love Child, “This heartfelt Filipino drama follows Ayla and Paolo's bittersweet journey as they face hardships while raising their autistic son, Kali.”
Idinirek ito ni Jonathan Jurilla, at ito ang unang movie ng Regal Entertainment para sa Cinemalaya.
Read: Jane Oineza at RK Bagatsing, strong contenders sa Cinemalaya

Nasa Top 10 Movies pa rin ng Netflix PH ang Jose Rizal na pinagbidahan ni Cesar Montano, sa direksiyon ni National Artist Marilou Diaz-Abaya.
Read: Jose Rizal, pasok sa Top 10 movies ng Netflix PH

Sa unang pagkakataon, naligwak sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH ang Lavender Fields nina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Janine Gutierrez.
100 episodes ang Lavender Fields.
Ang finale episode nito ay sa Enero 14, Martes, mag-i-streaming.
Read: Netflix: Lavender Fields, consistent; Pulang Araw, in and out

Ang kapalit nitong Incognito ay mag-uumpisang mapanood sa Netflix umpisa Enero 17, Biyernes.
TOP 10 MOVIES AND TV SHOWS
Ang Squid Game 2 ay nananatiling No. 1 sa talaan ng TV shows. Ang pangatlo at huling season nito ay mag-i-streaming ngayong 2025.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Meg 2 The Trench
- Knock at the Cabin
- Love Child
- It Ends With Us
- Carry-On
- Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves
- Jose Rizal
- Harold and the Purple Crayon
- Scream
- The Six Triple Eight
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Squid Game 2
- When The Phone Rings
- La Palma
- Missing You
- All of Us Are Dead
- Alice in Borderland
- Check in Hanyang
- The 8 Show
- Squid Game The Challenge
- Thicha
GORGY RULA
Maaring marami ang nadismaya sa nakaraang episode ng Lavender Fields na hindi kapani-paniwala ang ginawa nilang sitwasyon kung paano na-kidnap si Camilla, ang anak ni Jasmine Flores (Jodi Sta. Maria).
Tanaw pa ni Jasmine ang bata na biglang umalis, tapos ang bilis niyang nawala.
Ang dami nilang naghanap, hindi pa rin nila nakita ang bata.
Samantalang yung dalawang kidnappers na inutusan ni Iris Benavidez (Janine Gutierrez) ay nakita agad.
Yun lang talaga ang diperensiya sa teleseryeng ito: ang daming coincidences at eksenang hindi kapani-paniwala na sa soap lang talaga nangyayari.
Malapit na nga akong sumuko at gusto ko nang tigilang ang pagsubaybay nito.
Magaling lang talaga ang performances dito nina Jodi, Jericho Rosales, Janine, at pati na si Jolina Magdangal.
Read: Lavender Fields, namukadkad bilang No. 1 TV Show sa Netflix PH
KOREAN DRAMAS
Samantala, ang ilang K-dramas kagaya nitong When The Phone Rings ay mapapatutok ka talaga.
Patuloy pa itong sinusubaybayan, kaya lagi siyang nagte-trending sa X.

Okay rin ang Season 2 ng Squid Game kahit ang daming nabitin. Ibang-iba siya talaga.

Tingnan natin kung ano naman ang pasabog ng pagsisimula ng Incognito, at marami pa rin talaga ang curious sa eksenahan ng MaThon tandem nina Maris Racal at Anthony Jennings.
NOEL FERRER
Sa Top 10 TV shows na iyan, lima ay South Korean — Squid Game 2, When The Phone Rings, All of Us Are Dead, Check in Hanyang, at The 8 Show.
British iyong reality competition TV show na Squid Game The Challenge, na inspired ng South Korean series.
INCOGNITO ON NETFLIX
Interesting ang magiging pagtanggap ng televiewers at Netflix subscribers sa Incognito na tinatampukan nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.
Read: What to expect from Maris Racal, Anthony Jennings in Incognito

Hindi man nag-promote ang MaThon ng pelikulang And The Breadwinner Is… kung saan bida si Vice Ganda, nanatili iyong topgrosser sa 50th MMFF.
Ang huling movie ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again with Alden Richards ay pinakamalakas na Pinoy movie sa kasaysayan.
Kaya tingnan natin kung ano naman ang kahihinatnan nitong Incognito kung saan todo-aksyon ang ex ni Kathryn na si Daniel.
