JERRY OLEA
Hanggang Martes, Enero 7, 2025, ang golden edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
After the 50th MMFF, ano ang maaasahan natin sa mga artistang itinampok dito?
Read: MMFF 2024 awards results stay, kahit maraming kuda at hanash
AND THE BREADWINNER IS... STARS
Si Vice Ganda na bida sa topgrosser na And The Breadwinner Is… ay patuloy na magpapauga sa noontime show na It’s Showtime, kasama sina Jhong Hilario, Kulot at Argus.
Ang MaThon tandem nina Maris Racal at Anthony Jennings ay mapapanood sa Kapamilya primetime series na Incognito, na papalit sa Lavender Fields.

Mag-i-stream ang advance episodes ng Incognito sa Netflix umpisa Enero 17, 2025, Biyernes.
Hindi nasilayan sina Maris at Anthony sa lahat ng promo activities ng And The Breadwinner Is… kahit nakalagay ang pictures nila sa posters, artcards o tarpaulins.
Nabalitaan ng PEP Troika na a-attend sina Maris at Anthony sa fancon ng Incognito sa Enero 7, Martes ng 4:00 P.M., sa Vista Mall ng Taguig City. Abangan!!!
Read: What to expect from Maris Racal, Anthony Jennings in Incognito
KOKOY DE SANTOS
Si Kokoy de Santos na kasama sa Topakk at And The Breadwinner Is… ay isa sa mga bida ng Kapuso primetime series na Mga Batang Riles na mag-uumpisa sa Enero 6, Lunes ng 8:00 P.M., sa GMA 7.
Ang karakter niya ay si Kulot.

Nasa Mga Batang Riles din si Jeric Raval na ang character name naman ay Argus.
DENNIS TILLO & RURU MADRID
Ang Golden Boy o best actor ng 50th MMFF na si Dennis Trillo para sa Green Bones, bibida sa maaksyong buddy-cop series katambal ang wifey na si Jennylyn Mercado.
Sa Pebrero 26 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula nina Dennis at Jennylyn na Everything About My Wife.

Ang best supporting actor ng MMFF 2024 na si Ruru Madrid ay bibida naman sa seryeng Lolong: Bayani ng Bayan, kung saan kontrabida si John Arcilla na isa sa 13 hurado ng 50th MMFF.
Read: Dennis Trillo donates MMFF 2024 Best Actor cash prize to PDLs

SOFIA PABLO & SIENNA STEVENS
Si Sofia Pablo na co-star nina Dennis at Ruru sa Green Bones ay title role sa Kapuso afternoon drama series na Prinsesa ng City Jail, na magwo-world premiere sa Enero 13, Lunes ng 3:20 P.M., sa GMA 7.

Ang best child performer na si Sienna Stevens ng Green Bones, bida sa kontrobersiyal na pelikulang Dear Satan aka Dear Santa na wala pa tayong update kung saan at kailan mapapanood.

FRANCINE DIAZ & SETH FEDELIN
Ang FranSeth tandem nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa My Future You, at si RK Bagatsing ng Uninvited — co-stars sa Kapamilya drama series na Nobody with Gerald Anderson, Jessy Mendiola, and JC de Vera.

VIC SOTTO & MON CONFIADO
Si Vic Sotto ng The Kingdom, patuloy nating mapapanood sa noontime show ng TV5 na Eat Bulaga!.
Nabanggit ang pangalan ni Bossing Vic sa teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma, na ang target playdate ay Pebrero 2025.
Nasa cast ng The Rapists of Pepsi Paloma si Mon Confiado bilang Dr. Rey de la Cruz. Tampok si Mon sa Espantaho.
Read: Titulong The Rapists of Pepsi Paloma, aprubahan kaya ng MTRCB?

CARLO AQUINO & JULIA BARRETTO
Si Carlo Aquino na lead actor sa Hold Me Close, tampok sa Pinoy adaptation ng K-drama na It’s Okay to Not Be Okay kasama sina Anne Curtis at Joshua Garcia.

Si Julia Barretto na lead actress sa Hold Me Close ay nasa cast naman ng Kapamilya mystery-thriller series na What Lies Beneath kasama sina Bela Padilla, Charlie Dizon, Janella Salvador, Jake Cuenca at JM de Guzman.

VILMA SANTOS & ARJO ATAYDE
Si Vilma Santos na bida sa Uninvited ay kandidato para gobernador ng lalawigan ng Batangas sa darating na eleksyon.
Si Arjo Atayde ng Topakk ay reelectionist bilang congressman sa first district ng Quezon City.
Read: Vilma Santos, sinagot mga katanungan sa pagtakbo nilang mag-iina
ENRIQUE GIL & ALEXA MIRO
Si Enrique Gil na bida sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay magbibida uli sa Kapamilya teleserye.
Si Alexa Miro na nasa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital din ay may mga natapos na pelikula, kabilang ang Cheat Day na idinirek ni Jose Javier Reyes na co-chair ng board of jurors sa 50th MMFF.
ZION CRUZ, CEDRICK JUAN, SID LUCERO
Sina Zion Cruz at Cedrick Juan ng The Kingdom, nasa panghapong drama series ng TV5 na Ang Himala ni Niño.
Si Sid Lucero ng The Kingdom at Topakk, nasa TV5 series na Lumuhod Ka Sa Lupa: Ang Bagong Yugto.
May natapos na movie si Sid na sa La Union syinuting. Co-star niya rito ang uncle niyang si Michael de Mesa na kasama sa Green Bones.

NOEL FERRER
JUDY ANN SANTOS & KAKKI TEODORO
Exciting na papunta ang Espantaho sa Portugal kaya expect natin kung ano ang kahihinatnan ng ating pambato bilang best actress ni Judy Ann Santos doon.
Ang best supporting actress na si Kakki Teodoro ng Isang Himala, sana’y sumama sa 2nd Manila International Film Fest kahit for exposure lang dahil may ibang international filmfest premiere silang sasalihan.
IZA CALZADO
Si Iza Calzado, habang naghihintay ng bagong baby ay open sa isang magandang pelikula o project.
Ang saya lang na kasama siya sa Top 2 best pictures na Green Bones at The Kingdom.
Read: Iza Calzado grateful for GMA Pictures comeback via Green Bones
Nakaka-excite sa magagandang pelikulang gagawin nila ngayong 2025.
But mind you, I’m sure with the success of How To Make Millions When Grandma Dies, dadami ang mga kuwento na ganoong tipo.
Hindi malaki pero tagos sa puso. At bawi-bawi sa takilya.
GORGY RULA
Noong super blockbuster ang Rewind sa MMFF 2023, dinagsa ng maraming endorsements ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Yun ang magandang epekto ng pag-hit ng 49th MMFF entry nilang mag-asawa.
VICE GANDA
Maganda ang tema ng pelikula ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…Pagbibigay-pugay sa ating mga OFW.
Posible kayang kunin siyang ambassador o spokesperson ng OWWA para sa ating migrant workers?
Maganda rin ang resulta ng Green Bones, kaya sana ay kunin ding endorser si Dennis Trillo, o mas promising kung si Ruru Madrid.
LORNA TOLENTINO
Si Lorna Tolentino naman ay ganado nang gumawa ng pelikula. Yun talaga ang gusto niya — na mabigyan siya ng magandang material.
Excited siya sa movie offer sa kanya ni Direk Adolf Alix Jr. na posibleng makasama niya rito ang mga dekalibre at premyadong aktres.
Kakaiba ang role, kaya gusto niyang gawin. Mas gusto niyang mag-movies muna habang hinihintay pa kung babalik sila ni Senator Lito Lapid sa FPJ’s Batang Quiapo matapos anb eleksyon.
Read: Lorna Tolentino happy to work with Espantaho co-stars
GLADYS REYES
Naglalagare si Gladys Reyes habang sinu-shoot niya ang And The Breadwinner Is…
May tinatapos siyang magandang pelikula na pang-Netflix kung saan makakasama niya rito si Sue Ramirez ng The Kingdom.
Malapit na rin niyang simulan ang isang magandang drama series sa GMA-7. Pero hindi pa puwedeng sabihin kung ano at sino ang makakasama niya. Pero gustung-gusto ni Gladys ang role niya rito.
Meron din siyang special participation sa kakaiba ring pelikula ng Unitel na tumatalakay sa mga kontrabida. Dapat ay kasali talaga riyan si Gladys, para pagsasampalin silang lahat.
Read: Judy Ann at Gladys, magkaibigan pero magkatapat sa MMFF 2024
Tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng magagandang pelikula, at ngayon pa lang ay may binubuo nang magagandang kuwento na posibleng i-submit sa MMFF 2025.
Pero may mga mababago kaya sa mga patakaran sa susunod na MMFF?
Sampung pelikula pa rin kaya ang pipiliin kahit nagkakaisyu na sa hatian ng mga sinehan?
Taun-taon na lang ay may mga natututunan tayo sa MMFF. Bahagi na iyan ng taunang festival at huwag na nating asahang mape-perfect ito.
