GORGY RULA
Bukod sa bagong TV shows, pelikula, collaborations ng malalaking produksiyon na aabangan natin ngayong 2025, may promising talents di tayong makikilala.
Isa sa mga umaasang magniningning ay ang mga inilunsad na talents ng Dragons Entertainment Productions, Inc. na pag-aari ng beauty expert na si Bambbi Fuentes.
Ka-partner niya rito ang businesswoman na si Ms. Tine Areola ng Baitlehem.
Inilunsad nila tinagurian nilang Dragon Babies sa Music Box, Quezon City, noong Linggo, January 5, 2025.
Nagpasiklab ang dalawa nilang girl groups, ang Gandaras at Irizz.
Pati ang original talents nilang sina Shira Tweg at Khai Flores, na bida sa first movie nilang Sugat sa Dugo (2022).
Sina Shira at Khai ang hinirang na Best New Actress and Actor, respectively, sa 39th PMPC Star Awards for Movies para sa Sugat sa Dugo.

SHIRA TWEG: FROM STARKADA TO SPARKLE?
Isa si Shira sa Starkada talents ng NET 25.
Bahagi siya ng sitcom na 3 in 1 nina Eric Quizon at Maricel Soriano. End of season na ang sitcom na ito, at so far wala pang kasunod na projects ang NET 25 para kay Shira.
May mga kuwentong hindi raw satisfied ang mga inilunsad na talents ng NET 25 kaya ang iba ay naglipatan na.
Read: Shira Tweg, newbie talents ng Net25 Star Center, malapit nang i-launch

Umayon si Bambbi sa suggestion ng karamihan na ipa-release si Shira sa NET 25, at baka dalhin nila sa Sparkle GMA Artist Center.
“Nasa kanila na po yun,” sabi ni Shira nang tinanong siya ng PEP Troika tungkol dito.
Bukod sa acting ay magaling kumanta si Shira.
Meron na siyang dalawang single sa Star Music, ang "Pag-ibig" at "Laro" na nasa iba’t ibang digital music platforms.
Kung mabigyan siya ng chance na ilagay sa ibang TV network, okay raw kay Shira para lalo niyang maipakita ang kanyang talent sa pagkanta.
Pero priority pa rin daw niya ang pag-aaral sa La Salle Greenhills.
“Of course, I would take that opportunity kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganung opportunity.
"Since, yun nga, I love singing, I love acting, I would grab every opportunity na dumating sa akin,” sabi ni Shira.
Read: Shira Tweg at Lizzie Aguinaldo: promising young singers na ilulunsad ng Star Music
KHAI FLORES
Malaking challenge daw kay Khai Flores ang pagkapanalo niya sa Star Awards for Movies. Nagsilbing inspiration daw sa kanya ang natamong award.

Saad ng binata, “Nakaka-motivate po, lalo na po na passion ko po ito simula pa lang po bata ako, pangarap ko na po maging artista.
“Hindi po ako yung tipong napapagod… napapagod naman po, yes po. Pero yung pagod na gusto ko yung ginagawa.
“Mas kailangan ko pa pong mag-workshop, mas kailangan ko pa pong mag-improve yung sarili ko para ang title po na hawak namin, yung dati po sina Joshua Garcia.
"Nakaka-pressure po, pero sobrang saya."
Ilan pa sa Dragon Babies na ipinakilala ay sina RJ Enzo, Migz Coloma, Ghia Garcia, at si Jace Eusebio na kamag-anak pala ni Robi Domingo.


Mala-Daniel Padilla ang angas nitong si Jace na ang tangkad at ang lakas ng dating.

Read: Bambbi Fuentes, ipinakilala mga alagang showbiz newbies kabilang ang apo ni Rosanna Roces
GANDARAS
Pinuri ang dalawang girl groups — ang Gandaras at Irizz.
Unang nabuo ang Gandaras nang sumali sila sa talent-reality search ng TV5 na POPinoy noong 2021.
Ang Gandaras ay binubuo nina Christa, Mira, Kiah, Elle at Daffne.

Kuwento ni Bambbi, “Nung nagkaroon ng reality show sa TV5 yung POPinoy… so ano lang e, sobrang pandemic. Closed ang salon ng two years, so ginawa naming studio yung salon.
“Sumali sila, and luckily from 150 girl groups down to Top 7 yung Gandaras.
“So, naisip namin, bakit hindi na lang natin itutuloy? And we are already pitching trilogy film na horror, bold, at saka super drama.
“When we pitched it to a producer, binaril niya, kasi ang sabi niya, trilogy now is not doing well daw.
“So, yung path namin is kung saan puwedeng pumasok ang talent ng mga bata. Kasi they’re all trained to be dancers, singers, and then actors and actresses.”
Inilunsad na rin ng Gandaras ang danceable single nilang "Kiss."
Nakakaraket na sila sa iba’t ibang events at probinsiya, at naging semi-regular na sila noon sa defunct noontime show na Lunch Out Loud sa TV5.
NOEL FERRER
IRIZZ
Mas bagets at sexy ang isa pang girl group ng Dragons Entertainment na Irizz.
Bongga ang performance nila ng kanilang first single na "Klaro," na tumatalakay sa women empowerment.
Ang Irizz ay binubuo nina Ginger, Princess, Wynona, Cary at Aubrey.

Hindi napigilang mag-emote ni Aubrey dahil naalala niya ang namayapang ama na madalas daw niyang nakakasama noon kapag mayroon siyang raket.
Si Aubrey ay anak ni Joseph Aldana, miyembro ng OPM band na Rockstar 2 na nagpasikat ng kantang "Ika’y Mahal Pa Rin."
Namayapa ang ama ng Irizz member noong February 2024, kaya nami-miss pa rin niya ito.
Lahad ni Aubrey, “Kasama ko po talaga mag-perform ang papa ko po dati. Nasanay po ako mag-perform na kasama po ang papa ko lagi.
"Pero nangyari lang po is nagpapahinga na po ang papa ko.
“Buti lang po ngayon, dumating po yung araw na nagkaroon po ng audition sa Dragons management, which is kay Ms. Bambbi po.
“Nag-audition po ako dun, buti na lang po nakapasok po ako sa standard nila. Kaya na-meet ko po yung mga ates ko and nagkaroon po ako ng confidence na mag-perform po sa stage na kasama ko po sila.”

JERRY OLEA
Mabuti naman at inilunsad na ang Dragon Babies bago magtapos ang Year of the Wood Dragon sa Enero 28, 2015.
Sa Enero 29 ay Chinese New Year na. Umpisa ng Year of the Wood Snake.
Frontliners siyempre ng Dragon Babies sina Shira Tweg at Khai Flores, na nagwagi sa PMPC Star Awards for Movies.
Sila ang may pinakamalaking mukha sa group photo nila na inilabas sa mediacon.

Nawa’y masundan ang advocacy film nilang Sugat sa Dugo (Wounded Blood), kung saan tampok din sina Ms. Janice de Belen at Sharmaine Arnaiz, sa direksiyon ni Danni Ugali.
francine diaz and seth fedelin
Marami pang baguhan ang susubaybayan natin this year aside from the Dragon Babies.
Hopefully ay may follow-up project ang FranSeth tandem nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Ang pelikula nilang My Future You ay third best picture ng 50th MMFF.
Nagwagi si Seth ng breakthrough performance award. Nominado siyang best actor.
Si Francine, nominadong best actress.
Ang Gen Z loveteam na FranSeth ay kasama sa Kapamilya drama series na Nobody, kung saan tampok din sina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, JC de Vera, at RK Bagatsing.
Read: REVIEW: My Future You, an emotional rollercoaster worth watching
MGA BATANG RILES AND SANG'GRES
Ngayong Enero 6, Lunes ng 8:00 P.M., ang pilot episode ng Mga Batang Riles sa GMA-7.
Makikipagbakbakan ito sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.
Young and fresh ang mga bida sa action-drama series na ito — sina Miguel Tanfelix bilang Kidlat, Kokoy de Santos bilang Kulot, Bruce Roeland bilang Matos, Raheel Bhyria bilang Sig, at Antonio Vinzon bilang Dagul.
Read: Miguel Tanfelix views fame as “both blessing and a curse”

SANG'GRE
Relatively baguhan din ang mga bida sa Encantadia Chronicles: Sang'gre na sina Faith da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.

TJ MONTERDE
Excited din tayo para kay TJ Monterde sa three consecutive nights niyang concert, ang Sarili Nating Mundo, sa Araneta Coliseum, na nakatakda sa Pebrero 1, 2 at 3, 2025.
Sumikat nang husto last year ang BINI at SB19. Papantay ba sa kasikatan nila si TJ ngayong 2025?

ZAIJIAN JARANILLA AND XYRIEL MANABAT
Looking forward din tayo sa tambalan nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat sa pelikulang Guryon ni Direk Lester Dimaranan.
Prinodyus ito ng Blackfire Entertainment ni Ms. Alpha Carmina Valdez, at kasama sa cast sina Kanye Avendaño, Ramon Christopher Gutierrez, Ruby Ruiz, Rob Sy, Ping Medina, Paolo Serrano, Dindo Arroyo, Polo Ravales, Cap JJ, Daryl Azilletos, Sabrina M, Ayah Sarmiento, Pekto, at Gene Padilla.

RHED BUSTAMANTE
Siyempre, andiyan din ang kontrobersiyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma, kung saan bida ang dating child actress na si Rhed Bustamante.

Pebrero 2025 ang target playdate ng pelikulang ito ni Direk Darryl Yap, na nambulabog sa netizens at ilang personalidad.
Don’t judge a film by its teaser. Huwag pangunahan agad ang MTRCB sa magiging pasya nito kung hindi pa nito napapanood ang pelikula.
May pahiwatig ba ang katahimikan ni Vic Sotto kaugnay sa pasabog na teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma?
Read: Titulong The Rapists of Pepsi Paloma, aprubahan kaya ng MTRCB?
NEW VMX OFFERINGS
Sa streaming platform na VMX ay more and more ang mga baguhang umaariba.
Noong Nobyembre 3, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming sa VMX ang pelikulang Teacher’s Pet nina Apple Dy, Micaella Raz, at Gold Aceron.
Nanguna na agad ito sa Top 10 ng VMX.
Bukas, Enero 7, Martes, mag-i-streaming sa VMX ang episode 1 ng Season 1 ng Wow Mani, tampok ang VMX Girls sa direksyon ni All Tantay.
Nakalatag na ang streaming ng 12 episodes ng Wow Mani hanggang Hunyo 17.
Sa Enero 10, Biyernes, naman ang streaming sa VMX ng pelikulang Las Ilusyunadas starring Jenn Rosa, Angeline Aril, JD Aguas, and JC Tan, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
Enero 17 naman ang target streaming sa VMX ng Halimuyak nina Christy Imperial, Skye Gonzaga, Chester Grecia, and Carlo Lacana, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.
