GORGY RULA
Puring-puri si Jean Saburit sa media conference ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Prinsesa ng City Jail, dahil na-maintain pa rin niya ang ganda at fit na fit pa rin ang katawan.
Ginagampanan ni Jean sa teleserye ang role na si Sonya, ang ina ni Raymond (Dominic Ochoa).
Noong nag-story conference sila, biniro raw ni Dominic si Jean kung talaga bang siya ang nanay nito sa teleserye dahil parang magkapatid lang daw sila.
Happy na raw si Jean sa pagpapaganda, pero ayaw na niyang makipagrelasyon.
Kasi sa totoo lang, marami palang mas batang nagkakagusto sa kanya.
Sabi ng isang kaibigan niya, sila raw ng kaibigan niyang si Azenith Briones ang lapitin ng mas batang manliligaw.
Foreigners daw ang madalas nahuhumaling sa ganda ng dating beauty queen.
Read: Keempee de Leon details emotional reconciliation with dad Joey
JEAN SABURIT ON DATING A YOUNGER GUY
Nang nakatsikahan ng PEP Troika si Jean pagkatapos ng mediacon ng Prinsesa ng City Jail, inamin ng beteranang aktres na nagkaroon siya ng May-December love affair.
Pero hindi raw niya kinaya.
Forty-six years old daw siya noon, at 36 naman ang lalaki na isang American.
“Tinray ko rin, pero ayoko kasi he wants another child, alam mo yun? Parang sabi ko, hindi ko na kakayanin yung ganun, dyusko!
“Teenager na si Nicole noon at that time. Sabi ko, ‘Mag-uumpisa na naman ako?!’” bulalas ni Jean.
Anak ni Jean ang actress-events host na si Nicole Anderson.
Iba rin daw ang feeling kapag may nagkakagusto kay Jean na mas bata sa kanya. Pero iba ang energy ng mas bata, at hindi raw siya makasabay.
“Siyempre, flattered, 'no? Flattered na parang nakakapagod siyempre, 'no.
“Nakakapagod kasi, shall I be honest with you? My god! Di ba, pag younger sa yo, siyempre mas aggressive sa ano, sa bed.
“Sabi ko, ‘Teka, hay, hinga muna! Kailangan ko ng oxygen!’ Hindi, totoo, kasi mga 10 years younger yun, e. Pero sandali lang yun.
“Although, wala lang, sinubukan ko lang, di ba?” sabi pa ng veteran actress.
Nasa Amerika pa raw siya noon.
Ang guwapo pa naman ng boyfriend niya, pero siya na raw ang nakipagkalas nang gusto na nitong magka-baby sila.
“E, kasi at that time, I was 46, he was 36. So, 'Ha? 46, gusto mo pa magka-baby? teka muna!'
"Kasi akala niya bagets pa ako. Mukha lang kasi ako mga 39 noon.
"Ako naman, 'A, sige, okay, okay.' Okay lang nang okay. Okay lang kasi bata ka pa, e.
"Pero after a while, sabi ko, parang hindi yata ito magwo-work, mapapasubo ako dito. You know, I cannot give what he wants,” sambit ni Jean.
Read: Jean Saburit still living in fear despite PPO against American ex-boyfriend
JERRY OLEA
Naka-relate nga raw si Jean Saburit sa kuwento ni Ai-Ai delas Alas na hindi rin nag-work ang relasyon sa asawa nitong si Gerald Sibayan dahil sa age gap.
“Well, tingnan mo, hindi nag-work,” pakli ni Jean.
“Naiyak ako dun sa interview niya [Ai-Ai]. Kasi siyempre naka-relate ako.
"Pero hindi naman ako katulad niya na nagsama at pinakasalan. Ako talaga, ako yung nakipag-break.
"Sabi ko, ‘I don’t think this will work.’ Kasi ibang kausap ang foreigner, e. You have to be straight. So, sabi ko, I cannot…
"You know, like, when you’re 50... Saka ano? Yung baby, ilang taon na kung 50 years old na ako. Naku! 'I can’t start all over again,' sabi ko.
"LDR pa yun, e. He was based in San Diego, I was in San Francisco at that time.
"So, parang, ayoko ng ganun. Pero nagda-drive siya para puntahan ako.
"Talagang nililigawan ang mama ko—naglilinis ng bahay, paggising ko may breakfast na ako ano, ganun kabait.
"Para akong na-overwhelm,” sabi pa ni Jean.
Siyangapala, memorable sa akin ang launching film ni Jean na Kaladkarin (1980) na idinirek ni Danny Zialcita, at iyong MMFF 1981 entry niyang Ang Babae sa Ulog, kung saan nag-topless siya.

Sa pagkakatanda ko ay runner-up iyong Ang Babae sa Ulog bilang best picture sa 7th MMFF, kung saan wagi ang Kisapmata na humakot ng 10 tropeyo.
Ang best actress doon ay si Vilma Santos para sa Karma.
Read: Camera-shy Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano recounts first meeting with wife Dina Bonnevie
NOEL FERRER
Thankful ang beteranang aktres sa GMA-7 dahil tuluy-tuloy ang trabahong ibinibigay sa kanya.
Natutuwa rin siya sa mga batang artista ngayon, kagaya nina Sofia Pablo at Allen Ansay, na napaka-professional daw katrabaho.
Bilib daw siya kina Sofia na kahit anong gawin sa kanila ay walang reklamo, at ang dali pa raw paiyakin.
“Itong mga ito, ang huhusay. Si Sofia, ang bilis umiyak. Di ba, sabi nga ni Keempee [de Leon] kanina, ‘Ano, ang bilis umiyak.’”
Nag-agree naman si Keempee na nakikinig lang sa tsikahan namin.
“Ako nga ang nahihiya, e,” pakli ni Keempee.
“Wala silang pakialam kahit ingudngod yung mukha nila dun sa cake. Very professional.
"Maganda yung training ng GMA sa mga artists nila,” sabi pa ni Jean.
Happy na raw siyang magkontrabida dahil napagod na siya noong nagbibida na wala siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.
“Mas gusto ko ngayon kontrabida kasi, pag leading lady ka, biruin mo paiiyakin ka simula morning then the next morning noon, wala pang cut-off time, di ba?
"Umaabot kami ng mga alas-dose sa mga Coney Reyes on Camera, saka yung Lovingly Yours Helen noon, mga Regal films noon, umaabot kami ng alas-dose the next day.
"Siyempre pag bida ka, iyak ka na naman, tapos, ‘Iyak ba ulit ako dito, Direk?’ 'Okay!'
"Kaya pagdating nung alas-singko ng umaga, magang-maga na yung mata mo. Kahit anong retouch, maga, kasi sa kaiiyak mo,” saad ni Jean.
Sa January 13, 2025, Lunes, magsisimula ang Prinsesa ng City Jail sa afternoon prime ng GMA-7.
