PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris at Anthony bawal tanungin ng personal questions sa mediacon

No personal questions kina Maris at Anthony sa Incognito presscon
by PEP Troika
Published Jan 9, 2025
maris anthony incognito fan con
Anthony Jennings and Maris Racal appear together for the first time after their controversy last year at Incognito fan conference at Vista Mall, Taguig City, on January 7, 2025. The loveteam partner is also expected to attend the grand mediacon of Incognito tomorrow, January 9.
PHOTO/S: ABS-CBN News Facebook

JERRY OLEA

Sa Enero 14, 2025, Martes, ang streaming sa Netflix ng ika-100 at huling episode ng Kapamilya primetime series na Lavender Fields.

Sa Enero 17, Biyernes, naman mag-uumpisa ang Netflix streaming ng advance episodes ng Kapamilya seryeng Incognito.

In full force ang pitong bida ng Incognito na sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Ian Veneracion, Baron Geisler, at Kaila Estrada sa fan con noong Enero 7, Martes, sa Vista Mall sa Taguig City.

Iyon ang first public appearance ng MaThon tandem matapos sumambulat ang screenshots issue noong Disyembre 3, 2024.

Ayon sa isang kaibigang vlogger na nag-cover sa fan con, tinilian ng fans ang Magnificent Seven ng Incognito, pero mas malakas ang hiyawan kina Daniel, Richard, Maris, at Anthony.

Read: Maris Racal and Anthony Jennings reunite after controversy

NO PERSONAL QUESTIONS

Sama-sama pa rin ang pitong bida ng Incognito sa pa-press junket ng Netflix this Friday, January 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilin-bilinan sa mga mag-iinterbyu, “keep all questions focused on the series, NO PERSONAL QUESTIONS.”

Pre-approved ang mga tanong.

Ang deadline ng pagsusumite ng questions ay noong Enero 8, Miyerkules ng 6:00 P.M.

Magkakasama pa rin ang Magnificent Seven sa guesting sa ASAP Natin ‘To sa Enero 19, Linggo.

Nakunan na ito. Walang hiwalay na duet ang MaThon.

Sama-sama ang pitong bida sa isang production number.

Ayon sa source ng PEP Troika, bago mag-umpisang umere ang Incognito ay good for ten weeks na ang natapos.

Tatagal ng 26 weeks ang Incognito.

May mga kukunan pa silang eksena sa Benguet ngayong Enero.

Sa Pebrero ay nakatakdang mag-shoot sila sa Japan.

Ang logline ng Incognito, “In search of redemption, a crew of misfits joins a private military company on a series of deadly missions against the criminal underworld.”

Read: What to expect from Maris Racal, Anthony Jennings in Incognito

Incognito
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Maganda at kapana-panabik ngayon ang huling episode ng Lavender Fields.

Bukas, Biyernes ng gabi, pa mapapanood ang kasunod na episode nito.

Patindi nang patindi ang takbo ng kuwento. Sana, ma-maintain hanggang sa ending nito.

Magagaling ang nasa main cast ng Lavender Fields.

Pero ang isa sa napansin ko dito ay ang ganda ng mga eksenang kasali si Race Matias bilang NLEA agent na assistant ni Albert Martinez.

race matias lavender fields
Photo/s: ABS-CBN Entertainment YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lumulutang ang karakter na ginagampanan niya, at magaling din kasi siyang umarte. Kaya malamang na mabigyan siya ng mga kasunod na projects na mas malaki ang role at isa na sa mga bida.

Si Race ay anak ni Herbert Bautista.

Read: Race Matias, son of Herbert Bautista, proves acting chops in Linlang

NOEL FERRER

Simula’t sapul, naniniwala ako sa talent ni Maris Racal.

Kaya gusto ko siyang makabawi sa paggawa ng magagandang content tulad na lang ng maganda sanang kalalabasan ng Incognito at yung Toronto International Film Festival entry niyang Sunshine.

Sana talaga, masuportahan pa siya ng mga tao sa magaganda siyang nagagawa -- and I heard may Netflix movie pa sila ni Anthony Jennings na nakakasa na.

Go, go, Maris!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Jennings and Maris Racal appear together for the first time after their controversy last year at Incognito fan conference at Vista Mall, Taguig City, on January 7, 2025. The loveteam partner is also expected to attend the grand mediacon of Incognito tomorrow, January 9.
PHOTO/S: ABS-CBN News Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results