JERRY OLEA
Kahabag-habag ang veteran actress na napaglalaruan ng ilang production staff kapag napapanood ang mga eksena niya sa isang drama series.
Sa mga eksenang nag-uumigting ang drama, hindi raw kasi gumagalaw ang mukha nito.
Nang lumabas kamakailan ang artcard na nandoon ang litrato ni veteran actress, gusto itong papalitan ng manager niya.
Mukhang bungal daw kasi si veteran actress sa artcard.
Napaglaruan na naman si veteran actress dahil sa pangungulit ng manager na palitan ang litrato nito.
Read: Pretty Actress, balik-trabaho pagkatapos manganak
NOEL FERRER
Kung anuman ang nabago sa kanyang mukha, parang given na yun sa veteran actress.
Ang nakamamangah ay she is still very much in circulation, ha! Paano kaya niya nagagawang maging relevant pa rin?!
Sa dinami-dami ng mga artistang walang trabaho, pasok sa banga si veteran actress na nasa kamalayan pa rin ng mga produ.
GORGY RULA
Pinag-uusapan din ang isang magandang aktres na napansin na naman nang mag-promote ng pelikulang ipinalabas bago natapos ang taong 2024.
Iba na naman ang fezlak ni magandang aktres.
Kapansin-pansin kasi na tuwing may bago siyang pelikulang ipinu-promote, bago na naman ang mukha niya.
Kapag nasa presscon si magandang aktres, naghuhulaan ang mga kate-katerang reporters kung ano ang bagong ipinaayos niya sa mukha dahil iba na naman ang kanyang hitsura.
Ang laki nga ng iginanda nitong aktres kung ikukumpara nang huli niyang pelikula.
Hindi na namin maisip kung ano na naman ang mababago sa mukha kapag may bago siyang project na ipu-promote.
Read: Showbiz couple, tahimik na nagkabalikan; young couple, break na?
