JERRY OLEA
"Faux Orient Pearl" ang tawag ni Naldy Padilla sa relaunched Orient Pearl band kung saan si Ney Dimaculangan ang bokalista.
Si Ney ay dating vocalist ng bandang 6Cyclemind.
Si Naldy ang orig na vocalist ng Orient Pearl.
“Wala naman akong masamang tinapay kay… pangalan nun? Kay Ney,” sabi ni Naldy sa mediacon ng Frontmen & Rock Chix concert noong Enero 10, 2025, Biyernes ng hapon, sa Borro restaurant sa Sct. Bortomeo Street, Quezon City.
Read: Iconic ’90s bands' lead singers join forces in Frontmen & Rock Chix concert
“Wala naman siyang kasalanan dun, 'no. Kinuha lang siya, di ba? E, siyempre, artist din siya. Kailangan din niya ng outlet para mailabas ang talent niya.
“And it just so happened na yun yung opportunity na na-present. So, wala akong problema sa kanya.”
Saan siya may problema?
“Dun sa grupo. Dun ako may problema,” tugon ni Naldy.
ORIENT PEARL RELAUNCH WITH NEW VOCALIST
Sumama ba ang loob niya na hindi ipinaalam sa kanyang ilulunsad ang Orient Pearl with a new vocalist?
“Hindi ko naman sasabihin na walang paalam yun. Dahil the whole time, nakakausap ko naman yung bahista namin,” pagtatapat ni Naldy.
“Siya ang promotor niyan, e, yung uulitin. Ako naman, ang sabi ko, ‘Nagawa na natin yung kailangan nating gawin! Igarahe na natin ito!’
“Naiintindihan niyo ba ang ibig kong sabihin? Di ba? I mean, ‘We started 1993, 1994, nakaiwan na tayo ng legacy. Let’s leave it as it is. Huwag na nating ituloy pa.’
“Ang lahat ng bagay, katulad ng libro man, kailangang magtapos. Di ba? Magtatapos ang kapitolyo, magtatapos ang chapter. Yung buong libro, may katapusan din yan.
“Hindi naman pupuwedeng habambuhay. Katulad ng AfterImage, o. Binibigyan mo na rin ng ano, ng… kung tawagin nga ay… lalagyan mo ng closure nga.
“We can’t do this forever. Hindi naman sinasabi na titigil na tayo sa pagtugtog.
“Pero as far as Orient Pearl is concerned, that’s… ‘90s pa yon! Naiwan na natin yung tatak natin, e. Di ba? Huwag na nating guluhin.
“I-retire na natin ito, ika nga. Di ba? E, ang titigas ng mga ulo.”
Sana, bumuo na lang sila ng bagong banda na iba ang pangalan…
“Yeah. E, matitigas ang mga ulo, itinuloy… Tutal, naitanong na rin lang, gusto ko lang linawin, na ako ang may-ari ng pangalan ng bandang Orient Pearl,” deklarasyon ni Naldy.
“Nagsimula kami, 1992, 1993, tatlo lang kami. Ako ang gitarista’t singer. Ang drummer namin is si Richie Raymundo, kuya ni Ina, pamangkin ko.
“Ang bahista namin is si Jix Padilla Lacap, pamangkin ko rin, OK.
“Ngayon, iyang gitarista namin na si Leo Awatin ng Faux Orient Pearl na fake, di ba… ngayon, lahat ng makikita mong... siguro kaibigan niyo rin yung mga iba.
“Baka nga andun kayo sa presscon nila, sa event, nakalagay lagi dun — founder, founder, founder, Leo Awatin. Yung gitarista.
“That’s f*ck*ng bullshit! Hindi totoo yun! Ako ang founder ng grupo. It just so happened na siya ang una kong ni-recruit.
“Out of us three, nag-expand kami to four members.”
So, hindi kasama si Leo Awatin sa orig na tatlong miyembro ng Orient Pearl…
Humutok pa ni Naldy, “Hindi! Palaging nakalagay dun sa mga online na presscon nila, e. Nakalagay, Leo Awatin, founding…
“Alam mo, hindi ko malaman how people can lie through the skin of their teeth. Hindi ko ma-comprehend kung paano nila nagagawa yung ganun.”
Kabilang sa greatest hits ng Orient Pearl ang mga kantang "Pagsubok" at "Kasalanan."
Read: Ney Dimaculangan is Orient Pearl's new vocalist

GORGY RULA
Kumusta ang pakikitungo ngayon ni Naldy Padilla sa mga dating kasama sa bandang Orient Pearl? Civil ba sila with one another?
“Actually, yun nga, nasa presscon nila — in good terms, in good terms, in good terms,” sagot ni Naldy.
“Nah. Buwisit ako sa kanila. Buwisit ako sa kanila! Paano akong matutuwa sa kanila, ginamit nila yung pangalan ng banda ko. Ako ang may-ari nun, e.
“Hindi ko na nga sila pinakialaman. Tinanong ko yung malalapit na mga tao sa akin.
“Tinanong ko si Karla [Estrada], ‘Ano ba ang gagawin ko dito? Idedemanda ko ba ito?’
“Tinanong ko si DJ [Daniel Padilla]. Tinanong ko si Carlito. ‘Hindi na, Daddy! Huwag mo nang pansinin!’
“E, di hindi ko pinansin.”
FRONTMEN & ROCK CHIX CONCERT
Kasama ni Naldy sina Wency Cornejo ng AfterImage, Cooky Chua ng Color It Red, at Lei Bautista ng Prettier Than Pink sa concert na Frontmen & Rock Chix sa Enero 25, 2025, Sabado ng gabi, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, Metro Manila.

Pahayag pa ni Naldy, “Ngayon actually, ito ang gusto ko talaga. Kung makikita niyo yung video, nakalagay — Naldy Padilla of Orient Pearl. Di ba?
“So, may implication na I am still the singer of the band. Di ba? ‘What?!’ I am still the singer of the band?! E, yung banda na yun, hindi naman yun yung banda, e! Di ba?
“Ngayon, I dare them to sue me. Magdemanda sila for the use of the name, that’s what I want them to do.
“Because that would be their undoing pagka ginawa nila yon. Mawawalan sila ng pangalan, nagastusan pa sila.”
Read: Cooky Chua naiinis noon sa kanta nilang "Paglisan"
NOEL FERRER
Walang balak si Naldy Padilla na idemanda iyong ni-relaunch na Orient Pearl?
“Ako?! Bakit ako mag-aaksaya ng effort sa mga walang kuwentang tao?!” bulalas ni Naldy.
“Di ba? Hindi ko papansinin yun. Di ba? Gamitin nila nang gamitin yung pangalan, bahala sila. Di ba?
“Ngayon, ang gusto ko, sila ang magdemanda. ‘Ba’t ginagamit mo, Naldy, yung pangalan ng Orient Pearl?’
“Anak ng demonyo! Bakit hindi ko gagamitin, ako ang may-ari niyan, e! Hindi ba?
"So, magdemanda sila, tingnan natin kung saan sila makakarating.”
Ano ang wish niya para sa kanila?
“I wish them… happy birthday.”
Para palang Eat Bulaga! issue ito noon — na agawan ng pangalan.
Sana magkaayos silang lahat.
At malay mo nga, with the reunion of Eraserheads and Rivermaya, ito namang sa Orient Pearl ay mapagsama-sama rin, di ba?
Good luck!
Watch: Orient Pearl original singer Naldy Padilla may "BUWISIT" sa dating banda
